< Job 1 >

1 A man, there was—in the land of Uz, Job, his name, —and that man was blameless and upright, and one who revered God, and avoided evil.
May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
2 And there were born unto him seven sons and three daughters.
Binigyan siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
3 And his substance was—seven thousand sheep, and three thousand camels, and five hundred yoke of oxen, and five hundred she-asses, and a body of servants exceeding large, —thus was that man the greatest of all the sons of the East.
May pag-aari siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong kamelyo, limang daang pares ng mga baka, at limang daang mga asno at napakaraming mga lingkod. Ang lalaking ito ang pinaka-dakila sa lahat ng tao sa Silangan.
4 Now his sons were wont to go, and make a banquet, at the house of each one upon his day, —and to send and call their three sisters, to eat and to drink with them.
Sa bawat araw na may kani-kaniyang pagdiriwang ang mga anak na lalaki, ipinapatawag nila ang kanilang tatlong kapatid na babae para kumain at uminom kasama nila.
5 And so it was, when the days of the banquet came round, that Job sent and hallowed them, and rising early in the morning offered ascending-sacrifices according to the number of them all; for Job said, Peradventure my sons have sinned, and have cursed God in their hearts. Thus and thus, was Job wont to do all the days.
Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, “Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ito ay laging ginagawa ni Job.
6 Now there came a certain day, when the sons of God entered in to present themselves unto Yahweh, —so the accuser also entered, in their midst.
At dumating naman ang isang araw para humarap ang mga anak ng Diyos kay Yahweh, at si Satanas ay dumalo kasama nila.
7 And Yahweh said unto the accuser, Whence comest thou? And the accuser answered Yahweh, and said, From going to and fro in the earth, and wandering about therein.
Ang tanong ni Yahweh kay Satanas, “Saan ka naman nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Yahweh, “Galing ako sa isang paglalakad-lakad sa mundo, nagpabalik-balik ako rito.”
8 And Yahweh said unto the accuser, Hast thou applied thy heart unto my servant Job, that there is none like him in the earth, a man blameless and upright, one revering God and avoiding evil?
Nagtanong muli si Yahweh, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Dahil wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan.”
9 And the accuser answered Yahweh, and said, Is it, for nought, that Job revereth God?
Saka sumagot si Satanas kay Yahweh, “Basta na lang ba magkakaroon ng takot sa iyo si Job nang walang kadahilanan?”
10 Hast not, thou thyself, made a hedge about him, and about his house, and about all that he hath, on every side? The work of his hands, thou hast blessed, and, his substance, hath broken forth in the land.
Hindi ka ba gumawa ng bakod sa kaniyang paligid, sa paligid ng kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang mga pag-aari? Pinagpala mo ang kaniyang hanap-buhay at pinarami mo ang kaniyang kayamanan.
11 But, in very deed, put forth, I pray thee, thy hand, and smite all that he hath, —verily, unto thy face, will he curse thee.
Pero iunat mo ang iyong kamay laban sa kaniyang mga pag-aari, at makikita mo na itatanggi ka niya sa iyong harapan.
12 And Yahweh said unto the accuser, Lo! all that he hath, is in thy hand, only, against himself, do not put forth thy hand. So the accuser went forth from the presence of Yahweh.
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Makinig ka, ang lahat ng kaniyang pag-aari ay hawakan mo, pero huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay.” Saka umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh.
13 And there came a certain day, —when his sons and his daughters were eating, and drinking wine, in the house of their eldest brother.
Dumating ang isang araw habang nagkakainan at nag-iinuman ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid,
14 And, a messenger, came in unto Job, and said, —The oxen, were plowing, and, the asses, feeding beside them;
isang mensahero ang pumunta kay Job at nagbalita, “Habang ang mga baka ay nag-aararo at ang mga asno ay nanginginain sa kanilang tabi;
15 when the Sabeans swooped down, and took them, and, the young men, smote they with the edge of the sword, —and escaped am, only I alone, too tell thee.
lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo.”
16 Yet was this one speaking, when, another, came in and said, —A fire of God, fell out of the heavens, and burned up the sheep and the young men, and consumed them; and escaped am, only I alone, to tell thee.
Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. “Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo.”
17 Yet was this one speaking, when, another, came in and said, The Chaldeans, appointed three chiefs, and spread out against the camels, and took them, and, the young men, smote they with the edge of the sword; and escaped am, only I alone, to tell thee.
Habang siya rin ay nagsasalita, may dumating pang isang lingkod at nagbalitang “Gumawa ng tatlong pangkat ang mga Caldea, nilusob ang mga kamelyo, at tinangay silang lahat. Totoo ito, at pinatay pa nila ang mga lingkod gamit ang espada, at ako lang ang nakaligtas para ibalita sa iyo.”
18 Yet was this one speaking, when, another, came in and said, —Thy sons and thy daughters, were eating, and drinking wine, in the house of their eldest brother;
Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, “Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
19 when lo! a great wind, came from over the desert, and smote the four corners of the house, and it fell upon the young men, and they died, —and escaped am, only I alone, to tell thee.
Isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang apat na haligi ng bahay, nadaganan nito ang mga kabataan, at namatay silang lahat, at ako na lang ang nakatakas para sabihin ito sa iyo.”
20 Then Job arose, and rent his robe, and shaved his head, and fell to the earth and worshipped;
Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
21 and said—Naked came I forth from the womb of my mother, and naked must I return thither, Yahweh, gave, and, Yahweh, hath taken away, —The name of Yahweh be blessed!
Sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik doon. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi; ang pangalan nawa ng Diyos ang mapapurihan.”
22 In all this, Job sinned not, nor imputed folly unto God.
Sa lahat ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.

< Job 1 >