< Job 39 >

1 Knowest thou the season when the Wild Goats of the crags beget? The bringing forth of the hinds, canst thou observe?
Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
2 Canst thou count the months they fulfil? Or knowest thou the time when they give birth?
Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
3 They kneel down, their young, they bring forth; their pains, they throw off;
Yumuyukod sila at pinapanganak ang kanilang anak, at pagkatapos winawakasan nila ang kanilang mga sakit sa panganganak.
4 Their young become strong, they grow up in the open field, they go out, and return not unto them.
Ang kanilang mga anak ay lumalakas at lumalaki sa mga damuhan; lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
5 Who hath sent forth the Wild Ass free? And, the bands of the swift-runner, who hath loosed?
Sino ang nagpalaya sa ligaw na asno? Sino ang nagkalag sa mga gapos ng mabilis na asno,
6 Whose house I have made the waste plain, and his dwellings, the land of salt:
na ang tahanan ay ginawa ko sa Araba, ang kaniyang bahay sa asin na lupain?
7 He laugheth at the throng of the city, The shoutings of the driver, he heareth not;
Tumatawa siya nang may panghahamak sa mga ingay sa lungsod; hindi niya naririnig ang mga sigaw ng kutsero.
8 He espieth the mountains, his pasture-ground, and, after every green thing, maketh search.
Gumagala siya sa mga bundok bilang kaniyang pastulan; doon siya humahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
9 Will the Wild-Ox be pleased to be thy servant? or lodge for the night by thy crib?
Masaya bang maglilingkod sa iyo ang mabangis na toro? Pahihintulutan niya bang manatili sa iyong sabsaban?
10 Canst thou bind the wild-ox, so that—with the ridge—shall run his cord? Or will he harrow the furrows after thee?
Gamit ang lubid, kaya mo bang pasunurin ang mabangis na toro para mag-araro ng mga tudling? Susuyurin niya ba ang mga lambak para sa iyo?
11 Wilt thou trust in him, because of the greatness of his strength? Wilt thou leave unto him thy toil?
Magtitiwala ka ba sa kaniya dahil kahanga-hanga ang kaniyang lakas? Iiwan mo ba sa kaniya para gawin ang iyong tungkulin?
12 Wilt thou put faith in him, that he will bring back thy seed? and that, corn for thy threshing-floor, he will gather?
Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
13 The wing of the Ostrich that waveth itself joyfully, Is it the pinion of lovingkindness or the plumage?
Ang mga pakpak ng ostrich ay nagmamalaking pumapagaspas, pero sila ba ang mga pakpak at balahibo ng pag-ibig?
14 For she leaveth—to the earth—her eggs, and, on the dust, she letteth them be warmed;
Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok;
15 And hath forgotten, that, a foot, may crush them, —or, the wild beast, tread on them!
nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
16 Dealing hardly with her young, as none-of-hers, In vain, her labour, without dread.
Magaspang ang kaniyang pakikitungo sa kanila na parang sila ay hindi kaniya; hindi siya natatakot na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan,
17 For GOD hath suffered her to forget wisdom, and given her no share in understanding.
dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
18 What time, on high, she vibrateth her wings, she laugheth at the horse and his rider.
Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
19 Couldst thou give—to the Horse—strength? Couldst thou clothe his neck with the quivering mane?
Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok?
20 Couldst thou cause him to leap like a locust? The majesty of his snort, is a terror!
Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot.
21 He diggeth into the plain, and rejoiceth in vigour, he goeth forth to meet armour;
Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
22 He laugheth at dread, and is not dismayed, neither turneth he back, from the face of the sword;
Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada.
23 Against him, whiz [the arrows of] the quiver, the flashing head of spear and javelin;
Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
24 With stamping and rage, he drinketh up the ground, —he will not stand still when the horn soundeth;
Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
25 As oft as the horn soundeth, he saith, Aha! And, from afar, he scenteth the battle, —the thunder of commanders and the war-cry.
Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
26 Is it, by thine understanding, that the Bird of Passage betaketh him to his pinions? spreadeth out his wings to the south?
Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
27 Or, at thy bidding, that the Eagle mounteth, and that he setteth on high his nest?
Sa mga utos mo ba umaakyat ang agila at gumagawa ng kaniyang pugad sa matataas na lugar?
28 The crag, he inhabiteth, and so lodgeth himself, on the tooth of the crag, and high fort;
Naninirahan siya sa mga bangin at ginagawa ang kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin, isang matibay na tanggulan.
29 From thence, he searcheth out food, far away, his eyes do pierce;
Mula roon naghahanap siya ng mga biktima; nakikita sila ng kaniyang mga mata mula sa malayo.
30 And, his young brood, suck up blood, and, where the slain are, there, is he.
Ang kaniyang anak ay umiinom din ng dugo; kung nasaan ang mga taong pinatay, naroon siya.”

< Job 39 >