< Jeremiah 7 >
1 The word that came unto Jeremiah, from Yahweh saying: —
Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh,
2 Stand thou in the gate of the house of Yahweh, and thou shalt proclaim there this word, —and shalt say—Hear ye the word of Yahweh all Judah ye who are entering in at these gates, to bow down unto Yahweh:
“Tumayo ka sa tarangkahan ng tahanan ni Yahweh at ipahayag mo ang mga salitang ito! Sabihin mo, 'Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, lahat kayong mga taga-Juda, kayong mga pumasok sa mga tarangkahan na ito upang sambahin si Yahweh.
3 Thus, saith Yahweh of hosts God of Israel, Amend your ways, and your doings, —That I may cause you to dwell in this place.
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Gawin ninyo nang may kabutihan ang inyong mga kaparaanan at kaugalian at hahayaan ko kayong mamuhay sa lugar na ito.
4 Do not, on your part trust in false words, saying, —The temple of Yahweh The temple of Yahweh, The temple of Yahweh they are!
Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!”
5 But, if ye shall thoroughly amend, your ways, and your doings, —Shall thoroughly execute justice between a man and his neighbour;
Sapagkat kung ganap ninyong gagawing mabuti ang inyong mga kaparaanan at mga kaugalian, kung ganap ninyong ipinapakita ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapwa.
6 The sojourner, the fatherless, and the widow, shall not oppress, And innocent blood, shall not shed in this place, —And after other gods, shall not walk to your own hurt,
Kung hindi ninyo sinasamantala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain, ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosenteng dugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mga diyos para sa inyong sariling kapahamakan.
7 Then will I cause you to dwell In this place, In the land which I gave to your fathers, —From one age even unto another,
Hahayaan ko kayong manatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno magmula pa noong unang panahon at magpakailanman.
8 Lo! ye, on your part, are trusting in false words, —To no profit!
Masdan ninyo! Nagtitiwala kayo sa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sa inyo.
9 Are ye to steal, commit murder and commit adultery, and swear falsely, and burn incense unto Baal, —and walk after other gods whom ye have not known;
Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala?
10 And will ye then come in and stand before me in this house whereon my Name hath been called, and say, —We have set ourselves free, —for the purpose of committing all these abominations?
Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,” kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito?
11 A den of robbers, hath this house on which my Name hath been called become in your own eyes? I, also, —lo! I have seen it Declareth Yahweh.
Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
12 For go I pray you, unto my place which was in Shiloh, Where I made my Name to dwell, at first, —And see what I did to it, because of the wickedness of my people Israel!
'Kaya pumunta kayo sa aking lugar na nasa Shilo, kung saan hinayaan ko ang aking pangalan na manatili doon sa simula pa at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko doon dahil sa kasamaan ng aking mga taong Israel.
13 Now, therefore—Because ye have done all these deeds Declareth Yahweh, —And though I spake unto you betimes speaking, Yet ye hearkened not, And though I cried unto you Yet ye answered not,
Kaya ngayon dahil sa paggawa ninyo ng lahat ng mga kaugaliang ito, ito ang pahayag ni Yahweh, 'Paulit-ulit ko kayong sinabihan ngunit hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot.
14 Therefore will I do to the house Whereon my Name hath been called Wherein, ye, are trusting, Even to the place which I gave to you and to your fathers, —Just as I did unto Shiloh;
Kaya, kung ano ang ginawa ko sa Shilo, gagawin ko rin sa tahanang ito na tinawag sa aking pangalan, ang tahanan kung saan kayo nagtiwala, ang lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
15 And will cast you out from before me, —Just as I have cast out All your brethren, All the seed of Ephraim.
Sapagkat palalayasin ko kayo sa aking harapan gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid, ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.'
16 Thou, therefore—Do not pray for this people Neither lift up for them cry or prayer Neither intercede with me, —For I am not going to hear thee.
At ikaw, Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong ito at huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin para sa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindi kita pakikinggan.
17 Dost thou not see what, they, are doing In the cities of Judah, —and In the streets of Jerusalem?
Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
18 The children, gather wood, and The fathers, kindle the fire, and The women, knead dough, —To make sacrificial cakes to the queen of the heavens, And to pour out drink-offerings to other gods, Provoking me to anger!
Nagtitipon ng kahoy ang mga bata at sinisindihan ito ng kanilang mga ama! Nagmamasa ng harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mga tinapay para sa reyna ng kalangitan at nagbubuhos ng mga inuming handog para sa ibang mga diyos upang galitin ako.
19 Is it me, they are provoking? Enquireth Yahweh, —Is it not themselves, —unto the shame of their own faces?
Ito ang pahayag ni Yahweh. Sinasaktan ba talaga nila ako? Hindi ba ang sarili nila ang kanilang sinasaktan, kaya nasa kanila ang kahihiyan?
20 Wherefore, Thus, saith My Lord Yahweh—Lo! mine anger and mine indignation, are about to be poured out upon this place, On man and on beast, and On the tree of the field and On the fruit of the ground, —And it shall burn and shall not be quenched.
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo, bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao at sa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoy sa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.'
21 Thus, saith Yahweh of hosts God of Israel, —Your ascending-offerings, add ye unto your peace-offerings and eat ye flesh.
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Idagdag ninyo ang mga handog na susunugin sa inyong mga alay at ang mga karne mula sa mga ito.
22 For I bade not your fathers Neither commanded I them, In the day I brought them forth out of the land of Egypt, —Concerning the matter of ascending-offering and peace-offering;
Sapagkat nang pinalaya ko mula sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno, wala akong hiningi na anuman mula sa kanila. Wala akong ibinigay na utos tungkol sa handog na susunugin at sa mga alay.
23 But, this thing, I commanded them—saying, Hearken ye unto my voice, So will I become unto you—a God, And, ye, shall become unto me—a people, —Ye shall therefore walk in all the way that I may command you, To the end it may be well with you;
Ibinigay ko lamang sa kanila ang utos na ito, “Makinig kayo sa aking tinig at ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging aking mga tao. Kaya lumakad kayo sa lahat ng kaparaanan na iniuutos ko sa inyo upang maging maayos ito sa inyo.”
24 Yet they hearkened not Neither inclined their ear, But walked, In the counsels—In the stubbornness of their own wicked heart; And went backward, and not forward.
Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.
25 Ever since the day that your fathers came forth out of the land of Egypt, until this day, Have I sent unto you all my servants the prophets, Daily, betimes, sending them;
Simula pa noong araw na lumabas sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila.
26 Yet they hearkened not unto me, Neither inclined their ear, —But stiffened their neck, They did more wickedly than their fathers.
Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila binigyan ng pansin. Sa halip, pinatigas nila ang kanilang mga leeg. Mas masama sila kaysa sa kanilang mga ninuno.'
27 Therefore shalt thou speak unto them all these words, Though they do not hearken unto thee, —And thou shalt cry aloud unto them Though they do not answer thee; —
Kaya ipahayag mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, ngunit hindi ka nila pakikinggan. Ipahayag mo sa kanila ang mga bagay na ito, ngunit hindi ka nila sasagutin.
28 But thou shalt say unto them, —This, is the nation that hearkened not unto the voice of Yahweh its God, Neither accepted they correction, —Perished is fidelity, And is cut off out of their mouth.
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ay isang bansa na hindi nakikinig sa tinig ni Yahweh na kaniyang Diyos at hindi tumatanggap ng pagtutuwid. Nasira at naalis ang katotohanan mula sa kanilang mga bibig.
29 Cut thou off thy crown of hair [O Jerusalem], and cast it away, And lift thou up on the bare heights, a dirge, —For Yahweh hath rejected and cast out the generation with which he was wroth.
Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.
30 For the sons of Judah, have done, that which was wicked in mine eyes, Declareth Yahweh, —They have set their abominations in the house whereon my Name hath been called to defile it;
Sapagkat gumawa ng kasamaan sa aking paningin ang mga anak ni Juda, inilagay nila ang mga bagay na kasuklam-suklam sa tahanan kung saan inihayag ang aking pangalan, upang dungisan ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.
31 And they have built the high places of Topheth, which is in the valley of the son of Hinnom, To burn up their sons and their daughters in the fire, —Which I commanded not, Neither came it up on my heart,
Pagkatapos, itinayo nila ang dambana ng Tofet na nasa lambak ng Ben Hinom. Ginawa nila ito upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak, bagay na hindi ko ipinag-utos. Hindi ito kailanman sumagi sa aking isipan.
32 Therefore, lo! days are coming, Declareth Yahweh, When it shall not be called any more—The Topheth, nor The valley of Ben-hinnom, but The valley of Slaughter, —And they shall bury in Topheth, for want of place;
Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon na hindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom. Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofet ang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang silid doon. Ito ang pahayag ni Yahweh.
33 And the dead bodies of this people shall become food, For the bird of the heavens, and For the beast of the earth, —And there shall be none to drive them away.
Magiging pagkain ng mga ibon sa himpapawid at ng mga hayop sa lupa ang mga bangkay ng mga tao na ito at walang sinumang makakapagpaalis sa mga ito.
34 So will I cause to cease, From the cities of Judah, and, From the streets of Jerusalem, The voice of joy, and the voice of gladness, The voice of the bridegroom, and The voice of the bride, —For, a desolation, shall the land become.
Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain.”