< Isaiah 37 >
1 And it came to pass, when King Hezekiah heard it, that he rent his clothes, —and covered himself with sackcloth, and entered the house of Yahweh;
Ito ang nangyari nang narinig ni Haring Hezekias ang kanilang ulat, pinunit niya ang kanyang kasuotan, sinuotan ang sarili ng sako, at nagtungo sa tahanan ni Yahweh.
2 and sent Eliakim who was over the household and Shebna the scribe and the elders of the priests, covered with sackcloth, —unto Isaiah the prophet, Son of Amoz;
Ipinadala niya si Eliakim, na namumuno sa sambayahan, at Sebna ang escriba, at ang mga nakatatanda ng mga pari, lahat nakasuot ng sakong tela, kay Isaias anak ni Amos, ang propeta.
3 and they said unto him, Thus, saith Hezekiah, A day of distress and rebuke and reviling, is this day, —For children are come to the birth, and, strength, is there none to bring forth.
Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng paghihirap, pagsasaway at kahihiyan, tulad kapag ang isang sanggol ay handa ng isilang, pero ang ina ay walang kalakasang iluwal ang kanyang sanggol.
4 It may be, that Yahweh thy God will hear the words of Rabshakeh whom the king of Assyria his lord, hath sent to reproach a Living God, and will rebuke the words which Yahweh thy God hath heard, —Wherefore lift thou up a prayer, for the remnant that remaineth.
Maaaring maririnig ni Yahweh inyong Diyos ang mga salita ng pangunahing pinuno, na siyang ipinadala ng hari ng Asiria kanyang panginoon para hamunin ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh inyong Diyos. Itaas ninyo ngayon ang inyong panalangin para sa mga nalalabi na naroroon pa.””
5 So the servants of King Hezekiah came unto Isaiah.
Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay nagtungo kay Isaias
6 And Isaiah said unto them, Thus, shall ye, surely say, unto your lord, —Thus, saith Yahweh—Be not thou afraid because of the words which thou hast heard, wherewith the servants of the king of Assyria have reviled, Me.
at sinabi sa kanila ni Isaias, 'Sabihin ninyo sa inyong panginoon: sinabi ni Yahweh, “Huwag kayong matakot sa mga salitang inyong narinig, na kung saan hinamak ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
7 Behold me! about to let go against him a blast of alarm, and when he heareth the report, then will he return to his own country, —and I will cause him to fall by the sword in his own land.
Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
8 So Rabshakeh returned, and found the king of Assyria, warring against Libnah, —for he had heard, that he had broken up from Lachish.
Pagkatapos ang pinunong kumander ay nagbalik at inabot ang Hari ng Asiriang nakikipagdigma kay Libna, dahil narinig niya na ang hari ay umalis mula sa Laquis.
9 And he heard it reported concerning Tirhakah king of Ethiopia, saying, He hath come forth to fight with thee, —so when he heard it, he sent messengers unto Hezekiah, saying:
Pagkatapos narinig ni Senaquerib na si Tirhaka hari ng Etiopia at Ehipto ay naghahanda para lumaban sa kanya, kaya muli siyang nagpadala ng tagapagbalita kay Hezekias kasama ng isang mensahe:
10 Thus, shall ye surely speak unto Hezekiah king of Judah, saying, Let not thy God, in whom, thou, art trusting, beguile thee, saying, —Jerusalem, shall not be given over, into the hand of the king of Assyria.
“Sabihin kay Hezekias, hari ng Juda, 'Huwag hayaang linlalingin kayo ng inyong Diyos na inyong pinagtitiwalaan, nagsasabing, “Hindi ibibgay sa kamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.”
11 Lo! thou, thyself, hast heard what the kings of Assyria have done to all the lands in devoting them to destruction, —and shalt, thou, be delivered?
Masdan ninyo, narinig ninyo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain na ganap nang winasak. Kaya maililigtas ba kayo?
12 Did the gods of the nations, deliver them, whom my fathers destroyed, —Gozan, and Haran, —and Rezeph, and the sons of Eden, who were in Telassar?
Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, mga bansang winasak ng aking mga ama: ang Gozan, Haran, Resef, at mamamayan ng Eden sa Telasar?
13 Where are the king of Hamath, and the king of Arpad, and the king of the city of Sepharvaim, —of Hena, and Ivvah?
Nasaan ang hari ng Hamat, hari ng Arpad, hari ng mga lunsod ng Sefarvaim, ng Hena at Iva?”
14 And, when Hezekiah had received the letter at the hand of the messengers, and had read it, then went he up to the house of Yahweh, and Hezekiah spread it out, before Yahweh.
Tinanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mensahero at binasa ito. Pagkatapos umakyat siya sa bahay ni Yahweh at inilatag ito sa kanyang harapan.
15 And Hezekiah prayed unto Yahweh saying:
Nanalangin si Hezekias kay Yahweh:
16 O Yahweh of hosts, God of Israel—inhabiting the cherubim, Thou thyself, art GOD, even thou alone, for all the kingdoms of the earth: Thou, didst make the heavens and the earth.
Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, ikaw ang tangging Diyos sa lahat ng kaharian ng mundo. Ikaw na gumawa ng mga langit at lupa.
17 Bow down, O Yahweh, thine ear—and hear, Open, O Yahweh, thine eyes—and see, —Yea hear thou all the words of Sennacherib, who hath sent—to reproach a Living God.
Ibaling mo ang inyong tainga, Yahweh, at makinig. Imulat mo ang inyong mga mata, Yahweh, at tingnan mo, at dingin mo ang mga salita ni Senaquerib, na kanyang ipinadala para alipustahin ang Diyos na buhay.
18 Of a truth, O Yahweh, —the kings of Assyria have devoted to destruction all the countries, and their land;
Totoo ito, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria lahat ng mga bansa at kanilang mga lupain.
19 and have put their gods in the fire, —for, no-gods, were they, but the work of the hands of men wood and stone and so they destroyed them.
Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
20 Now, therefore, O Yahweh our God, save us, out of his hand, —That all the kingdoms of the earth, may know, That, thou, art Yahweh, thou alone.
Pero ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kanyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisa.”
21 Then Isaiah son of Amoz sent unto Hezekiah saying, —Thus, saith Yahweh, God of Israel, In that thou hast prayed unto me concerning Sennacherib king of Assyria,
Pagkatapos magpadala ni Isaias anak ni Amos ng mensahe kay Hezekias, nagsasabing, “Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabing, 'Dahil ikaw ay nanalangin sa akin tungkol kay Senaquerib hari ng Asiria,
22 this, is the word which Yahweh hath spoken concerning him, —The virgin daughter of Zion, laugheth thee to scorn—mocketh thee, The daughter of Jerusalem after thee doth wag her head,
ito ang salitang sinalita ni Yahweh tungkol sa kanya: “Ang birheng anak ng Sion ay kinamumuhian ka at tinatawanan ka para kutyain; ang mga anak na babae ng Jerusalem ay iniiling ang kanilanh ulo para sa iyo.
23 Whom, hast thou reproached and insulted? And, against whom, hast thou lifted high thy voice? Yea thou hast proudly raised thine eyes, against the Holy One of Israel.
Sino ang iyong nilapastangan at hinamak? at laban kanino mo itinaas ang iyong tinig at nagmataas sa iyong mga tinggin? Laban sa Ang Banal ng Israel.
24 Through thy servants, thou hast reproached My Lord and hast said, —With my multitude of chariots, have I ascended The height of the mountains The recesses of Lebanon, That I may cut down Its tallest cedars Its choicest firs, That I may enter Its highest summit, Its thick garden forest:
Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
25 I, have digged, and drunk waters, —That I may dry up, with the soles of my feet, all the Nile-streams of Egypt.
Nakapaghukay ako ng mga balon at uminom ng kanilang tubig; tinuyo ko ang mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking mga paa.'
26 Hast thou not heard—That, long ago, that, is what I appointed, And from days of old, devised? Now, have I brought it to pass, That thou mightest Serve to lay waste, in desolate ruins, fortified cities;
Hindi mo ba narinig kung paano ko binalak ito noon pa man at gawin ito ng sinaunang panahon? Ngayon, gagawin ko na itog mangyari. Ikaw ay naririto para gawing tumpok ng batong durog ang mga hindi matinag na mga lunsod.
27 And their inhabitants, being powerless, were overthrown and put to shame—They became—Grass of the field and Young herbage, Grass on housetops, and Seed parched before it came up.
Ang mga naninirahan dito, na walang kalakasan, ay litong-lito at hiyang-hiya. Sila ay mga pananim sa bukid, damong luntian, ang damo sa ibabaw ng bubong o sa bukid, sa harap ng hanging silangan.
28 Howbeit, thine abode and thy coming out and thy going in, I know, —and thy raging against me.
Pero alam ko ang iyong pag-upo, ang iyong paglabas, ang iyong pagpasok, at iyong labis na galit sa akin.
29 Because, thy raging against me, and thy contempt, have come up into mine ears, Therefore will I put My ring in thy nose, and My bit in thy lips, And will turn thee back, by the way by which thou camest.
Dahil sa labis mong galit sa akin, at dahil sa iyong pagmamataas ay nakaabot sa aking mga tainga, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa pinanggalingan mo.”
30 And, this unto thee, is the sign, Eating this year, the growth of scattered seeds, And in the second year, that which shooteth up of itself, —Then in the third year, Sow ye—and reap, and Plant ye vineyards, and eat the fruit thereof.
Ito ang magiging palatandaan sa iyo: Sa taong ito kakain ka ng ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang bunga nito. Pero sa ikatlong taon kailangan mong magtanim at mag-ani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
31 Then shall the escaped of the house of Judah that remain, again, Take root downward, —And bear fruit upward.
Ang nalalabing lahi ni Juda ay muling mag-uugat at mamumunga.
32 For, out of Jerusalem, shall come forth a remnant, And that which hath escaped, out of Mount Zion, —the jealousy of Yahweh of hosts, will perform, this.
Kaya may nalalabi mula sa Jerusalem ang lalabas; may mga nakaligtas mula sa Bundok ng Sion ang darating.' Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang gagawa nito.”
33 Therefore, thus, saith Yahweh, concerning the king of Assyria, He shall not enter this city, Nor shoot there, an arrow, —Nor attack it with shield, Nor cast up against it a mound:
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari ng Asiria: “Hindi siya makararating sa lungsod na ito, ni papana ng palaso dito. Ni makakalapit ito ng may panangga o gumawa ng taguan laban dito.
34 By the way that he Came in, By the Same, shall he return, —And into this city, shall he not enter, Declareth Yahweh.
Ang daang pinanggalingan niya ay ang daan din na kanyang pag-aalisan; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
35 Thus will I throw a covering over this city to save it, —For mine own sake, And for the sake of David my servant.
Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, sa aking kapakanan at sa kapakanan ni David aking lingkod.”
36 Then went forth the messenger of Yahweh, and smote—in the camp of the Assyrians—a hundred and eighty-five thousand, —and when men arose early in the morning, lo! they were all, dead bodies!
Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
37 So Sennacherib the king of Assyria brake up, and went his way, and returned, —and remained in Nineveh.
Kaya si Senaquerib hari ng Asiria ay umuwi at nanatili sa Nineveh.
38 And it came to pass, as he was bowing down in the house of Nisroch his god, that, Adrammelech and Sharezer his sons, smote him with the sword, howbeit, they, escaped into the land of Ararat, —and, Esarhaddon his son, reigned, in his stead.
Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.