< Isaiah 2 >
1 That which Isaiah, son of Amoz saw in vision, —concerning Judah and Jerusalem.
Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.
2 But it shall come to pass, in the afterpart of the days, That the mountain of the house of Yahweh Shall be, set up, as the head of the mountains, And be exalted above the hills, —And all the nations, shall stream thereunto;
At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
3 And many peoples shall go and say—Come ye, and let us ascend Unto the mountain of Yahweh Unto the house of the God of Jacob, That he may teach us of his ways, And we may walk in his paths, —For, out of Zion, shall go forth a law, And the word of Yahweh out of Jerusalem;
At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
4 And he will judge between the nations, And be umpire to many peoples, —And they will beat their swords into ploughshares and their spears into pruning-hooks, Nation—against nation, shall not lift up sword, Neither shall they learn any more to make war,
At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
5 O house of Jacob! come ye and let us walk in the light of Yahweh.
Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon.
6 Therefore hast thou abandoned thy people the house of Jacob, Because they have become full of the East, And use hidden arts like the Philistines, —And with the children of foreigners, strike hands; —
Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.
7 So that filled is their land with silver and gold, And there is no end to their treasures, —And filled is their land with horses, And there is no end to their chariots;
Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo.
8 And filled is their land with idols, —To the work of their own hands, do they bow themselves down, To that which they made with their own fingers.
Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri.
9 So the mean man boweth down And the great man stoopeth low, —Therefore do not thou forgive them!
At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila.
10 Enter into the rock, Or hide thee in the dust, —Because of the terribleness of Yahweh, And for his majestic splendour.
Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan.
11 The lofty looks of mean men, shall be humbled, And, the haughtiness of great men, shall be bowed down, —And Yahweh alone shall be exalted in that day.
Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.
12 For, a day of Yahweh of hosts, [shall be] —Upon every one who is high and lofty, —And upon every one who is lifted up, And he shall be brought low;
Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:
13 And upon all cedars of Lebanon, that are high and lifted up, —And upon all the oaks of Bashan;
At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan;
14 And upon all the lofty mountains, —And upon all the uplifted hills;
At sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas;
15 And upon every high tower, —And upon every fortress wall;
At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod:
16 And upon all the ships of Tarshish, —And upon all desirable banners.
At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay.
17 And the haughtiness of mean men, shall be humbled, —And the loftiness of great men, shall be laid low, —And Yahweh alone shall be exalted in that day.
At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.
18 And, the idols, shall wholly pass away;
At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos.
19 And they shall enter into the holes of the rocks, and into the caves of clay, —Because of the terribleness of Yahweh, And for his majestic splendour, When he ariseth to shake terribly the earth.
At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
20 In that day shall the son of earth cast his idols of silver, and his idols of gold, —which had been made for him to worship, into the hole of the mice, and to the bats;
Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki;
21 That he may enter into the clefts of the rocks, and into the fissures of the crags, —Because of the terribleness of Yahweh, And for his majestic splendour, When he ariseth to shake terribly the earth.
Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
22 Cease ye from the son of earth, In whose nostrils is but a breath, —For wherein to be reckoned upon, is he?
Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya?