< Genesis 19 >
1 So the two messengers went in towards Sodom at eventide, Lot, being seated in the gate of Sodom, —so Lot beheld and rose up to meet them, and bowed himself with his face to the earth.
Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
2 And he said Behold, I pray you my lords turn aside, I pray you, into the house of your servant, —and tarry the night and bathe your feet, so shall ye rise early, and go on your way. And they said, Nay, but, in the broad way, will we tarry the night.
Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
3 But he became exceeding urgent with them, so they turned aside unto him and entered into his house, —and he made for them a banquet, unleavened cakes, also did he bake, and they did eat.
Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain.
4 Ere yet they lay down, the men of the city—the men of Sodom, had come round against the house, from youth even unto age, —all the people from every quarter,
Pero bago sila humiga, pinaligiran ng mga kalalakihan sa lungsod, mga kalalakihan sa Sodoma, bata at matanda sa lahat ng sulok ng bayan, ang bahay niya, lahat ng kalalakihan sa bawat bahagi ng lungsod.
5 And they called unto Lot and said to him, Where are the men who have come in unto thee tonight? Bring them forth unto us, and let us know them!
Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila.
6 And Lot went forth unto them to the entrance; but the door, closed he behind him.
Kaya lumabas si Lot sa kanyang bahay at sinara ang pinto sa likuran niya.
7 And he said, —Do not I pray you my brethren act wickedly.
Sinabi niya sa kanila, “Nagmamakaawa ako sa inyo, mga kapatid ko, huwag kayong gumawa ng kasamaan.
8 Behold, I pray you, I, have two daughters who have not known man, I must needs now bring, them, forth unto you, and do ye to them, as may be good in your eyes, —Only to these men, ye may do nothing; for on this account, have they come under the shade of my roof.
Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.”
9 And they said, Stand back, And they said, This one, by himself, hath come in to sojourn and must always be acting the judge, Now, will we do more wickedly to thee, than to them. So they pressed sore upon the man—upon Lot—exceedingly, and drew near to break open the door.
Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
10 And the men thrust forth their hand, and brought Lot in unto them into the house—and, the door, they closed:
Pero inabot ng mga lalaki ng kanilang mga kamay si Lot at dinala sa loob ng bahay kasama nila at sinara ang pinto.
11 the men also who were at the entrance of the house, smote they with blindness, from small even unto great, so that they wearied themselves to find the entrance.
At doon naman sa mga tao na nasa labas ng pinto ng bahay, inatake sila ng mga panauhin ni Lot at ginawang bulag, ang mga bata pati matatanda, kaya nahirapan silang makita ang pinto ng bahay.
12 And the men said unto Lot, Whom besides hast thou here? Son-in-law and thy sons and thy daughters, and all that thou hast in the city, bring thou forth out of the place;
Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, “Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito.
13 For we are about to destroy this place, —for, great, is the outcry of them unto the face of Yahweh, so that Yahweh hath sent us to destroy it.
Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.”
14 And Lot went forth and spake unto his sons-in-law who were about to take his two daughters and said Arise come forth out of this place, for Yahweh is about to destroy the city. And it came to pass, that he was as one that laughed, in the eyes of his sons-in-law.
Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya.
15 But as soon as, the dawn had sprung up, the messengers hastened Lot saying, —Arise! take thy wife and thy two daughters that are at hand, lest thou be swept away in the punishment of the city.
Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.”
16 And he lingered—so the men laid hold of his hand and of the hand of his wife and of the hand of his two daughters, in the tenderness of Yahweh towards him, —and they brought him out and led him forth outside the city.
Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod.
17 And it came to pass when they had brought them forth outside, that they said, Escape for thy life, Look not behind thee, neither stand still in all the vale, —To the mountain, escape thou lest thou be swept away.
Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
18 And Lot said unto them, —No, I pray thee, My Lord!
Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon!
19 Behold, I pray thee thy servant hath found favour in thine eyes, so that thou hast magnified thy lovingkindness which thou hast performed with me in keeping alive my soul.—But, I, cannot escape to the mountain, lest calamity overtake me so shall I die.
Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin at pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay, pero hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna at mamamatay ako.
20 Behold, I pray thee, this city, is near for fleeing thither And, it, is a little one, let me I pray thee, escape thither—is it not a, little, one? That my soul may live!
Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas.”
21 And he said unto him, Behold! I have lifted up thy countenance, even as to this thing, —so that I will not overthrow the city, of which thou hast spoken.
Sinabi niya sa kanya, “Sige, pagbibigyan ko rin ang kahilingang ito, hindi ko rin wawasakin ang lungsod na nabanggit mo.
22 Haste thee escape thither, for I cannot do anything, until thou have come in thither. For this cause: was the name of the city called Zoar.
Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito.
23 When, the sun, had come forth on the earth, Lot had entered into Zoar.
Mataas na ang araw sa mundo nang narating ni Lot ang Zoar.
24 And, Yahweh, rained, upon Sodom and upon Gomorrah, brimstone and fire, —from Yahweh, out of the heavens:
Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan.
25 so he overthrew these cities, and all the circuit, —and all the inhabitants of the cities, and the produce of the ground.
Winasak niya ang mga lungsod na iyon, at lahat ng kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lungsod, pati na ang mga pananim na tumutubo sa lupa.
26 But his wife looked from behind him, —and became—a pillar of salt.
Pero lumingon ang asawa ni Lot na nasa likod niya at siya ay naging isang haligi ng asin.
27 And Abraham gat up early in the morning, unto the place where he had stood before Yahweh;
Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh.
28 and he looked out over the face of Sodom and Gomorrah, and over all the face of the land of the circuit, and beheld and lo! the smoke of the land went up, like the smoke of a furnace.
Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon.
29 And it came to pass when God destroyed the cities of the circuit, that God remembered Abraham, and sent forth Lot out of the midst of the overthrow, when he overthrew the cities wherein Lot had dwelt.
Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
30 And Lot went up out of Zoar, and dwelt in the mountain and his two daughters with him. for he feared to dwell in Zoar, so he dwelt in a cave, he, and his two daughters.
Pero nagpunta si Lot paakyat mula sa Zoar para manirahan sa kabundukan kasama ang kanyang dalawang anak na babae dahil natakot siyang manirahan sa Zoar. Kaya nanirahan siya sa loob ng kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae.
31 And the firstborn said unto the younger. Our father is old, —and, a man, there is not in the earth to come in unto us, after the way of all the earth.
Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo.
32 Come on! let us cause our father to drink wine and let us lie with him, that we may keep alive from our father, a seed.
Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama.
33 So they caused their father to drink wine that night, —and the firstborn went in. and lay with her father, but he noticed not her lying down nor her rising up.
Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon.
34 And it came to pass on the morrow, that the firstborn said unto the younger, Lo! I lay, last night with my father, let us cause him to drink wine this night also, and go thou in—lie with him, that we may keep alive from our father, a seed.
Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama.”
35 So they caused their father, on that night also to drink wine, and the younger arose, and lay with him, but he noticed not her lying down, nor her rising up.
Kaya ng gabing iyon, muli nilang pinainom ng alak ang kanilang ama, pumasok at sumiping sa kanya ang nakababata. Hindi niya alam kung kailan siya humiga ni kung kailan siya bumangon.
36 Thus did, the two daughters of Lot conceive from their father.
Kaya nabuntis ang parehong anak na babae ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.
37 And the firstborn bare a son, and called his name Moab, —the same, is the father of Moab, unto this day.
Ang nakakatanda ay nanganak ng isang lalaki at pinangalanan siyang Moab. Siya ang naging ninuno ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan.
38 And the younger she also bare a son, and called his name Ben-ammi, —the same, is the father of the sons of Ammon—unto this day.
At sa nakababatang anak na babae, siya rin ay nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan siyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ng mga mamamayan ng Ammon hanggang sa kasalukuyan.