< Galatians 2 >
1 After that, fourteen years later, I, again, went up unto Jerusalem, with Barnabas, taking with me Titus also;
At pagkatapos ng labing-apat na taon muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama si Bernabe. Isinama ko din si Tito.
2 And I went up by revelation, and laid before them the glad-message which I proclaim among the nations; privately, however, to them of repute, —lest, by any means, in vain, I should be running, or had run.
Pumunta ako dahil ipinakita sa akin ng Diyos na dapat akong pumunta. Inilahad ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinapahayag sa mga Gentil. (Ngunit nakipag-usap ako nang sarilinan sa mga waring mga mahahalagang mga pinuno). Ginawa ko ito upang tiyakin na hindi ako tumatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3 But, not even Titus, who was with me, though he was a Greek, was compelled to be circumcised; —
Ngunit kahit si Tito, na kasama ko, na isang Griego, ay hindi napilit na patuli.
4 But, [this was] because of the false brethren secretly introduced, —who, indeed, came in secretly to spy out our freedom, which we have in Christ Jesus, that they might bring us into bondage: —
Ang mga bagay na ito ay lumitaw dahil sa nagpapanggap na mga kapatid na patagong dumating upang manmanan ang kalayaang mayroon tayo kay Cristo Jesus. Nais nilang maging alipin tayo sa kautusan.
5 Unto whom, not even for an hour, gave we place by the [required] submission, —in order that, the truth of the glad-message, might still abide with you.
Hindi kami nagpasakop sa kanila ng kahit isang oras, upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatiling walang pababago para sa inyo.
6 Moreover, from them who were reputed to be something, —whatsoever at one time, they were, maketh no difference to me, God accepteth not a man’s person, —unto me, in fact, they who were of repute added nothing further;
Ngunit walang naiambag sa akin iyong mga sinasabi ng iba na mga pinuno. Kung ano man sila ay hindi mahalaga sa akin. Hindi tinatanggap ng Diyos ang itinatangi ng mga tao.
7 But, on the contrary, —when they saw that I had been entrusted with the glad-message to the uncircumcision, even as, Peter, [with that] to the circumcision,
Sa halip, nakita nila na ako ay pinagkatiwalaan na ipahayag ang ebanghelyo sa mga hindi pa tuli. Tulad ni Pedro na nagpapahayag ng ebanghelyo sa mga tuli.
8 For, he that energised in Peter, into an apostleship to the circumcision, energised also in me, for the nations, —
Dahil ang Diyos, na kumikilos kay Pedro sa pagiging apostol sa mga tuli, ay kumilos din sa akin para sa mga Gentil.
9 And when they perceived the favour which had been given unto me, James and Cephas and John, who were reputed to be pillars, gave, the right hand of fellowship, unto me and Barnabas, in order that, we, [should go] unto the nations, and, they, unto the circumcision: —
Nang si Santiago, Cepas, at Juan, na kinikilalang nagtayo ng iglesia, ay naunawaan ang biyaya na ibinigay sa akin, ibinigay nila kay Bernabe at sa akin ang kanang kamay ng pakikisama. Ginawa nila ito upang kami ay pumunta sa mga Gentil, at upang pumunta sila sa mga tuli.
10 Only that we should remember, the destitute, —as to which I had given diligence, this very thing, to do.
Nais din nilang alalahanin namin ang mga mahihirap. Ako din ay nananabik na gawin ang bagay na ito.
11 But, when Cephas came unto Antioch, to the face, [even], him, I resisted, because he stood condemned;
Ngayon noong dumating si Cepas sa Antioquia, tinutulan ko siya ng harapan dahil mali siya.
12 For, before that certain came from James, with them of the nations, used he to eat; whereas, when they came, he used to withdraw, and keep himself separate, fearing them of the circumcision;
Bago pa dumating ang mga taong galing kay Santiago, nakikisalo si Cefas sa mga Gentil. Ngunit nang dumating ang mga taong ito, huminto siya at lumayo mula sa mga Gentil. Natakot siya sa mga taong ito na nag-uutos ng pagtutuli.
13 And the rest of the Jews [also] used hypocrisy with him, so that, even Barnabas, was carried away by their hypocrisy.
Ganoon din, ang ilang mga Judio ay nakisama sa pagkukunwaring ito ni Cefas. Ang kinahinatnan, kahit si Bernabe din ay nadala sa kanilang pagkukunwari.
14 But, when I saw that they were not walking with straightforwardness as regardeth the truth of the glad-message, I said unto Cephas, before all: If, thou, although, a Jew, like them of the nations, and not like the Jews, dost live, how dost thou compel, them of the nations, to live like Jews?
Ngunit noong nakita ko na hindi na sila sumusunod sa katotohanan ng ebanghelyo, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, “Kung ikaw ay Judio ngunit namumuhay sa paraan ng mga Gentil sa halip na sa paraan ng Judio, paano mo mapipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio?”
15 We, by nature Jews, and not sinners from among the nations,
Kami na ipinanganak na Judio at hindi “makasalanang mga Gentil”,
16 Knowing, however, that a man is not declared righteous by works of law, [nor at all] save through faith in Christ Jesus; even we, on Christ Jesus, believed, that we might be declared righteous—by faith in Christ, and not by works of law; because, by works of law, shall no flesh be declared righteous.
alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
17 Now, if in seeking to be declared righteous in Christ we, ourselves also, were found sinners, —is Christ, therefore, a minister, of sin? Far be it!
Ngunit kung hangarin natin na ipawalang-sala tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, makikita din natin ang ating mga sarili na makasalanan, naging alipin ba si Cristo ng kasalanan? Huwag nawa itong mangyari!
18 For, if, the things that I pulled down, these, again, I build, a transgressor, I prove, myself, to be.
Sapagkat kung itatayo ko muli ang aking pagtitiwala sa pagsunod ng kautusan, ang pagtitiwala na aking sinira, ipinapakita ko ang aking sarili na sumusuway sa kautusan.
19 For, I, through means of law, unto law, died, that, unto God, I might live: —
Sa pamamagitan ng kautusan, namatay ako sa kautusan, upang maaari akong mabuhay para sa Diyos.
20 With Christ, have I been crucified; and, living no longer, am, I, but, living in me, is, Christ, —while, so far as I now do live in flesh, by faith, I live—The faith in the Son of God, who loved me, and gave himself up in my behalf.
Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
21 I do not set aside the favour of God; for, if, through law, is righteousness, then, Christ, without cause, died.
Hindi ko ipinagwawalang-halaga ang biyaya ng Diyos, sapagkat kung ang pagkamakatuwiran ay umiiral sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon si Cristo ay namatay nang walang kabuluhan.