< Exodus 9 >

1 Then said Yahweh unto Moses, Go in unto Pharaoh, —then shalt thou say unto him—Thus, saith Yahweh, God of the Hebrews, Let my people go, that they may serve me.
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”.
2 But, if, refusing, thou art to let them go, —and still art holding them fast,
Pero kung ikaw ay tatanggi na paalisin sila, kung patuloy mo silang panatilihin,
3 lo! the hand of Yahweh, is coming on thy cattle which are in the field, on the horses, on the asses on the camels, on the herds and on the flocks, —a very grievous pestilence;
pagkatapos ang kamay ni Yahweh ay nasa inyong mga baka na nasa bukirin at sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga kawan at mga tupa at magdudulot ito ng isang matinding sakit.
4 and Yahweh will make a difference between the cattle of Israel and the cattle of the Egyptians, —so that there shall not die from among all that pertaineth to the sons of Israel, a thing!
Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
5 And Yahweh appointed a set time—saying, To-morrow, will Yahweh do this thing, in the land.
Nagtakda si Yahweh ng isang panahon; kaniyang sinabi, “Gagawin ko bukas ang bagay na ito sa lupain.
6 So Yahweh did this thing, on the morrow, and all the cattle of the Egyptians died, —but of the cattle of the sons of Israel, died not one.
Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop.
7 And Pharaoh sent, and lo! there had not died of the cattle of Israel, so much as one. But Pharaoh’s heart became dull, and he did not let the people go.
Nagsaliksik si Paraon, at nakita, wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matigas ang kaniyang puso, kaya hindi niya hinayaang umalis ang bayan.
8 Then said Yahweh unto Moses and unto Aaron, Take you your hands full of the ashes of an oven, —and Moses shall scatter them towards the heavens, before the eyes of Pharaoh:
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises at kay Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng mga abo mula sa isang hurno. Ikaw, Moises, dapat mong ihagis ang mga abo sa hangin habang nanonood si Paraon.
9 then shall they become fine dust, over all the land of Egypt, —and shall become on man and on beast, a burning sore, breaking out in pustules in all the land of Egypt.
Magiging pinong alikabok na kakalat sa buong lupain ng Ehipto. Magdudulot ng mga pigsa at pamamaga na siyang kakalat sa mga tao at mga hayop sa buong lupain ng Ehipto.
10 So they took the ashes of an oven and stood before Pharaoh, and Moses scattered them towards the heavens, —and it came to pass that there was a burning sore in pustules breaking out, among men, and among beasts;
Kaya kumuha si Moises at Aaron ng mga abo na mula sa isang hurno at tumayo sa harapan ni Paraon. Pagkatapos, inihagis ni Moises ang mga abo sa hangin. Nagdulot ang mga abo ng pigsa at pamamaga na siyang kumalat sa mga tao at mga hayop.
11 and the sacred scribes could not stand before Moses, because of the burning sore, —for the burning sore had come on the sacred scribes, and on all the Egyptians.
Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto.
12 But Yahweh let the heart of Pharaoh wax bold, and he hearkened not unto them, —as spake Yahweh unto Moses.
Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, kaya hindi nakinig si Paraon kina Moises at Aaron. Ito mismo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin ng Paraon.
13 Then said Yahweh unto Moses, Rise thou early in the morning, and station thyself before Pharaoh, —then shalt thou say unto him—Thus, saith Yahweh, God of the Hebrews, Let my people go that they may serve me;
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin.
14 for this time, am I, sending all my plagues unto thy heart, and amongst thy servants and amongst thy people, —to the intent thou mayest get to know, that there is none like me in all the earth.
Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
15 For now, might I have put forth my hand, and smitten thee and thy people with pestilence, —and thou shouldst have secretly disappeared from the earth;
Sa ngayon maaari kung iunat ang aking kamay at lusubin ka at ang iyong bayan ng sakit, at kayo ay lipulin mula sa lupain.
16 but, in very deed for this purpose, have I let thee remain, for the purpose of showing thee my might, —and that my name may be celebrated in all the earth.
Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
17 Even yet, art thou exalting thyself over my people—in not letting them go?
Patuloy mong itinataas ang iyong sarili laban sa aking bayan sa pamamagitan ng hindi mo pagpayag na paalisin sila.
18 Behold me! raining down, about this time to-morrow, an exceeding heavy hail, —such as hath not been in Egypt, from the day it was founded, even unto the present time.
Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon.
19 Now, therefore, send—bring into safety thy cattle, and all that thou hast in the field, —as touching all men and beasts which shall be found in the field and shall not be withdrawn into shelter, the hail shall come down upon them and they shall die.
Kaya ngayon, magpadala ka ng mga lalaki at ipunin sa ligtas na lugar ang iyong mga baka at ang lahat ng mayroon ka sa iyong bukid sa ligtas na lugar. Ang bawat tao at hayop na nasa bukid at hindi dinala sa bahay—babagsak sa kanila ang ulang may yelo, at mamamatay sila.”'”
20 He that feared the word of Yahweh, among the servants of Pharaoh, made his servants and his cattle flee, under shelter:
Pagkatapos ang mga lingkod ni Paraon na naniwala sa mensahe ni Yahweh, ay nagmadali na dalhin ang kanilang mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay.
21 but, whoso applied not his heart unto the word of Yahweh, left his servants and his cattle in the field.
Pero ang mga hindi magseryoso ng mensahe ni Yahweh ay iiwan ang kanilang mga alipin at mga baka sa mga bukid.
22 Then said Yahweh unto Moses—Stretch forth thy hand over the heavens, that there may be hail in all the land of Egypt, —on man and on beast, and on every herb of the field in the land of Egypt.
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan para magkaroon ng ulang may yelo sa lahat ng lupain ng Ehipto, sa bayan, sa mga hayop at sa lahat ng mga halaman sa mga bukid sa buong lupain ng Ehipto.”
23 So Moses stretched forth his staff over the heavens, and, Yahweh, gave forth thunderings and hail, and there came fire towards the earth, —and Yahweh rained down hail, on the land of Egypt.
Iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod patungo sa kalangitan, at nagpadala si Yahweh ng kulog, ulang may yelo at kidlat sa lupa. Pinaulanan din niya ng yelo ang lupain ng Ehipto.
24 So there came to be hail, and fire catching hold of itself, in the midst of the hail, —exceeding heavy, such as had not been in all the land of Egypt, from the very time it became a nation.
Kaya nagkaroon ng ulan at kidlat na may kasamang yelong ulan, napakalubha, bagay na hindi pa nangyayari sa buong lupain ng Ehipto mula nang ito ay maging isang bansa.
25 And the hail smote in all the land of Egypt all that was in the field, both man and beast, —and every herb of the field, did the hail smite, and every tree of the field, did it shiver.
Sa buong lupain ng Ehipto, tumama ang ulang ay yelo sa lahat ng bagay na nasa mga bukid, sa kapwa mga tao at mga hayop. Tumama ito sa bawat halaman na nasa mga bukid at sinira ang bawat punongkahoy.
26 Only in the land of Goshen, where were the sons of Israel, was there no hail.
Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
27 Then sent Pharaoh, and called for Moses and for Aaron, and said unto them—I have sinned this time, —Yahweh, is the righteous one, and, I and my people, are the wrong-doers.
Pagkatapos nagpadala ang Paraon ng mga tao para ipatawag sina Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako sa oras na ito. Si Yahweh ay matuwid at ako at ang aking bayan ay masasama.
28 Make ye request unto Yahweh, and it shall be enough without there being any more thunderings of God, and hail, —and I must a let you go, and not again shall ye delay.
Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
29 And Moses said unto him, As soon as I am gone out of the city, will I spread out my hands unto Yahweh, —the thunderings, shall cease, and, the hail, shall come no more, —that thou mayest know, that to Yahweh, belongeth the earth.
Sinabi ni Moises sa kaniya, “Sa oras na umalis ako sa lungsod, ilalatag ko ang aking mga kamay kay Yahweh. Titigil na ang kulog at wala ng anumang ulang may yelo. Sa ganitong paraan malalaman mo na pag-aari ni Yahweh ang mundo.
30 But as touching thee and thy servants, I know that not yet will ye stand in awe of Yahweh Elohim.
Pero para sa iyo at sa iyong mga lingkod, alam ko na hindi niyo talaga ginagalang si Yahweh na Diyos.”
31 Now, the flax and the barley, were smitten, —for the barley, was in the ear, and, the flax, was in flower;
Ngayon ang mga lino at sebada ay nasira, dahil ang uhay magulang na sa tangkay at namumulaklak na ang lino.
32 but the wheat and the spelt, were not smitten, —for they were, not ripe.
Pero ang trigo at ang espelta ay hindi nasalanta dahil huli itong tumubo.
33 So Moses went away from Pharaoh out of the city, and spread out his hands unto Yahweh, —then did the thunderings and the hail cease, and, rain, was not poured out on the earth.
Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa.
34 And when Pharaoh saw that the rain and the hail and the thunderings had ceased, he again sinned, —and made his heart dull, he, and his servants.
Nang nakita ni Paraon na ang ulan, ang ulang may yeloo at kulog ay humupa na, muling nagkasala siya at pinatigas ang kaniyang puso, kasama ang kaniyang mga lingkod.
35 And the heart of Pharaoh waxed bold, and he did not let the sons of Israel go, —as spake Yahweh by the hand of Moses.
Pinatigas ang puso ni Paraon, kaya hindi niya pinayagang umalis ang bayan ng Israel. Ito ang paraan na sinabi ni Yahweh kay Moises na ito ang gagawin ni Paraon.

< Exodus 9 >