< Deuteronomy 34 >

1 So then Moses went up, from the waste plains of Moab into Mount Nebo, the head of Pisgah, which is over against Jericho, —and Yahweh showed him all the land—even Gilead as far as Dan;
Umakyat si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab patungong Bundok ng Nebo, hanggang sa tuktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At ipinakita ni Yahweh sa kaniya ang lahat ng lupain ng Galaad hanggang Dan,
2 and all Naphtali, and the land of Ephraim and Manasseh, —and all the land of Judah, as far as the hinder sea;
at lahat ng Neftali at ang lahat ng lupain ng Efraim at Manases, at lahat ng lupain ng Juda, hanggang sa kanlurang karagatan,
3 and the South, —and the circuit of the valley of Jericho, the city of palm trees as far as Zoar.
at ang Negev, at ang patag sa lambak ng Jerico, ang Lungsod ng mga Palmera, hanggang Zoar.
4 And Yahweh said unto him—This, is the land which I sware to Abraham, to Isaac, and to Jacob, saying, Unto thy seed, will I give it. I have let thee see with thine own eyes, But thither, shalt thou not pass over.
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ito ang lupain na ipinangako ko kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabing, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' Pinayagan kitang tingnan iyon sa iyong mga mata, pero hindi ka makakapunta roon.”
5 So Moses, the servant of Yahweh, died there, in the land of Moab, at the bidding of Yahweh;
Kaya si Moises ang lingkod ni Yahweh ay namatay doon sa lupain ng Moab, gaya ng salitang ipinangako ni Yahweh.
6 and he buried him, in a valley in the land of Moab, over against Beth-peor, —but no man hath known his burying-place, until this day.
Inilibing siya ni Yahweh sa lambak ng lupain ng Moab sa tapat ng Beth Peor, pero walang nakakaalam kung saan ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
7 Now, Moses, was a hundred and twenty years old, when he died, —his eye had not dimmed, nor had his freshness fled.
Isang daan at dalawampung taong gulang si Moises ng namatay siya; hindi lumabo ang kaniyang mata, ni humina ang kaniyang likas na lakas.
8 And the sons of Israel bewailed Moses in the waste plains of Moab thirty days, —then were completed the wailing-days of the mourning for Moses.
nagluksa ng tatlumpung araw ang mga tao ng Israel sa mga kapatagan ng Moab para kay Moises, at ang mga araw ng pagluluksa para kay Moises ay natapos.
9 But, Joshua, son of Nun, was full of the spirit of wisdom, for Moses had laid his hands upon him, —so the sons of Israel hearkened unto him, and did, as Yahweh commanded Moses.
Si Josue na anak ni Nun, ay puno ng espiritu ng kaalaman, dahil ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay sa kaniya. Nakinig ang mga Israelita sa kaniya at ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kay Moises.
10 And there arose not a prophet any more in Israel, like unto Moses, —whom Yahweh acknowledged, face to face;
Walang ibang tumayong propeta sa Israel tulad ni Moises, na siyang kilala ni Yahweh mukha sa mukha.
11 by all the signs and the wonders which Yahweh sent him to do in the land of Egypt, —unto Pharaoh and unto all his servants and unto all his land;
Walang ibang propeta na tulad niya sa lahat ng mga palatandaan at mga kababalaghan na ipinadala ni Yahweh sa kaniya para gawin sa lupain ng Ehipto, kay Faraon, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kaniyang lupain.
12 and by all the firm hand, and by all the great terror which Moses wrought in the sight of all Israel.
Hindi pa nagkaroon ng sinumang propetang tulad niya sa lahat ng mga dakila, nakakatakot na gawa na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.

< Deuteronomy 34 >