< Deuteronomy 24 >

1 When a man taketh a woman, and marrieth her, then shall it be, if she find not favour in his eyes, because he hath found in her some matter of shame, that he shall write her a scroll of divorcement, and put it into her hand, and shall send her forth, out of his house.
Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
2 And, when she cometh forth out of his house, then may she go her way, and become another man’s.
At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.
3 But if the latter husband hate her, and write her a scroll of divorcement and put it into her hand, and send her away out of his house, —or, if the latter husband die, who had taken her to him to wife,
At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;
4 then may her first husband who sent her away not again take her to become his wife after that she hath been defiled, for that were an abomination, before Yahweh, —lest thou bring sin upon the land which Yahweh thy God is giving unto thee for an inheritance.
Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
5 When a man taketh a new wife, he shall not go forth to war, neither shall he be charged with any business, —free, shall he be for his own house one year, and shall rejoice with his wife whom he hath taken.
Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
6 No man shall take in pledge a handmill, or an upper millstone, —for he would be taking life, in pledge.
Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.
7 When a man is found stealing any person from among his brethren of the sons of Israel, and making merchandise of him, or selling him, then shall that thief die, so shalt thou consume the wicked thing out of thy midst.
Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
8 Take heed, in the plague of leprosy, that thou observe diligently, and do, —according to all that the priests the Levites shall direct you, as I have commanded them, so shall ye observe to do.
Magingat ka sa salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa.
9 Remember that which Yahweh thy God did to Miriam, —by the way, as ye came forth out of Egypt.
Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto.
10 When thou lendest thy neighbour a loan of anything, thou shalt not enter into his house to secure his pledge:
Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla.
11 outside, shalt thou stand, and the man to whom thou art lending, shall bring forth unto thee his pledge outside,
Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo.
12 And, if he be a poor man, thou shalt not sleep in his pledge:
At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya:
13 thou shalt, restore, to him the pledge at the going in of the sun, so shall he sleep in his own mantle, and bless thee, —and, unto thee, shall it be righteousness before Yahweh thy God.
Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.
14 Thou shalt not oppress a hired servant that is poor and needy, —of thy brethren or of thy sojourners that are in thy land, within thy gates;
Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
15 for his day, shalt thou give his hire neither shall the sun, go in upon it, for, poor, he is, and, unto it, is he lifting up his soul, —lest he cry out against thee, unto Yahweh, and it be, in thee a sin.
Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.
16 Fathers shall not be put to death for sons, nor shall sons, be put to death for fathers, —every man, for his own sin, shall he put to death.
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
17 Thou shalt not pervert the judgment of the sojourner [or] the fatherless, —neither shalt thou take in pledge the garment of a widow;
Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao:
18 so shalt thou remember that, a servant, becamest thou in Egypt, and that Yahweh thy God, redeemed thee, from thence, —therefore, am I commanding thee to do this thing.
Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.
19 When thou cuttest down thy harvest in thy field and forgettest a sheaf in the field, thou shalt not turn back to fetch it, to the sojourner, to the fatherless, and to the widow, shall it belong, —that Yahweh thy God, may bless thee, in all the Work of thy hands.
Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.
20 When thou beatest thine olive-tree, thou shalt not glean after thee, —to the sojourner to the fatherless and to the widow, shall it belong,
Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
21 When thou cuttest off the grapes of thy vineyard, thou shalt not go about picking after thee, —to the sojourner to the fatherless and to the widow, shall it belong:
Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
22 so shalt thou remember that a servant, becamest thou in the land of Egypt, —therefore, am I commending thee to do this thing.
At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.

< Deuteronomy 24 >