< 2 Samuel 12 >
1 So then Yahweh sent Nathan the prophet unto David, —who therefore came unto him and said to him—Two men, there were in a certain city, the one, rich, and, the other, poor.
Pagkatapos ipinadala ni Yahweh si Natan kay David. Pumunta siya sa kaniya at sinabi, “May dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa.
2 The, rich, man had flocks and herds exceeding many;
Maraming bakahan at kawan ang mayamang lalaki,
3 whereas the, poor, man had, nothing, —save one little lamb, which he had made his own, and sustained, and it had grown up with him and with his children, all together, —of his own morsel, used it to eat, and, out of his own cup, used it to drink, and, in his own bosom, used it to lie, and it was to him, as a daughter.
pero ang mahirap na lalaki ay wala maliban sa isang maliit na babaeng tupa na binili niya at pinakain at pinalaki. Lumaki iyon kasama niya at kasama ng kaniyang mga anak. Kumakain ang tupa kasama niya at umiinom mula sa kaniyang sariling tasa at natutulog iyon sa kaniyang mga bisig at parang isang anak na babae sa kaniya.
4 Now there came a traveller to the rich man, but he thought it a pity to take of his own flock, or his own herd, to make ready for the wayfarer who had come to him, —so he took the lamb of his poor neighbour, and made ready for the man who had come to him.
Isang araw may isang panauhin ang dumating sa mayamang lalaki, pero ayaw ng mayamang lalaki na kumuha ng isang hayop mula sa kaniyang sariling bakahan at mga kawan para magbigay ng pagkain para sa kaniya. Sa halip kinuha niya ang babaeng tupa ng mahirap na lalaki at niluto ito para sa kaniyang panauhin.”
5 Then was kindled the anger of David against the man, fiercely, —and he said unto Nathan, By the life of Yahweh, doomed to death, is the man that hath done this;
Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito.
6 and, the lamb, shall he pay back sevenfold, —because he did this thing, and, for that he had no pity.
Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki.”
7 Then said Nathan unto David: Thou, art the man! Thus, saith Yahweh, God of Israel—I, anointed thee to be king over Israel, and, I, delivered thee out of the hand of Saul;
Pagkatapos sinabi ni Nathan kay David, “Ikaw ang lalaking iyon! Sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pinahiran kita ng langis para maging hari ng buong Israel at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul.
8 and gave unto thee the household of thy lord, and the wives of thy lord, into thy bosom, and gave unto thee the house of Israel and Judah. And, if this had been too little, I could have further given thee more and more of such things.
Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong amo at ang mga asawa ng iyong amo sa iyong mga bisig. Ibinigay ko rin sa iyo ang bahay ng Israel at Juda. At kung kulang pa iyon, ibibigay ko pa sana sa iyo ang maraming bagay bilang karagdagan.
9 Wherefore, hast thou despised the word of Yahweh, by doing that which is wicked in mine eyes? Uriah the Hittite, hast thou smitten with the sword, and, his wife, hast thou taken to thyself to wife, yea, him, hast thou slain with the sword of the sons of Ammon!
Kaya bakit mo inalipusta ang mga utos ni Yahweh, para gumawa ng masama sa kaniyang paningin? Pinatay mo si Urias ang Heteo sa pamamagitan ng espada at kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong sariling asawa. Pinatay mo siya sa pamamagitan ng espada ng hukbo ng Ammon.
10 Now, therefore, the sword shall not depart from thy house, unto age-abiding times, —because thou hast despised me, and taken the wife of Uriah the Hittite to be thy wife.
Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.'
11 Thus, saith Yahweh, —Behold me! raising up over thee calamity out of thine own household, and I will take thy wives, before thine eyes, and give unto thy neighbour, and he will lie with thy wives, in the eyes of this sun.
Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
12 For, thou, didst it, in secret, —but, I, will do this thing, before all Israel, and before the sun.
Dahil palihim mong ginawa ang iyong kasalanan, pero gagawin ko ang bagay na ito sa harapan ng buong Israel, sa tanghaling-tapat.”'
13 And David said unto Nathan, I have sinned against Yahweh. Then said Nathan unto David, —Yahweh also, hath put away thy sin, thou shalt not die!
Pagkatapos sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako laban kay Yahweh.” Sumagot si Natan kay David, “Pinatawad na rin ni Yahweh ang iyong kasalanan. Hindi ka papatayin.
14 Nevertheless, because thou hast greatly blasphemed Yahweh, by this thing, the very son that is born to thee, shall, die.
Gayunman, dahil sa gawaing ito inalipusta mo si Yahweh, tiyak na mamamatay ang batang isisilang sa iyo.”
15 And Nathan departed unto his own house, —and Yahweh struck the child that the wife of Uriah had borne unto David, and it fell sick.
Pagkatapos umalis si Natan at umuwi. Sinaktan ni Yahweh ang anak ng asawa ni Urias kay David at lubha siyang nagkasakit.
16 David therefore earnestly sought God in behalf of the boy, —and David kept a fast, and used to go in and pass the night, and lie upon the ground.
Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig.
17 And the elders of his house stood up over him, to raise him from the ground, —but he would not, neither would he eat food with them.
Bumangon at tumayo sa tabi niya ang mga nakatatanda sa kaniyang bahay, para ibangon siya mula sa sahig, pero hindi siya bumangon at hindi siya kumain kasama nila.
18 And it came to pass, on the seventh day, that the child died, —but the servants of David feared to tell him that the child was dead, for said they—Lo! while the child was living, we spake unto him, and he hearkened not unto our voice, how then can we say unto him, The child is dead, and so he do [himself] harm?
Nangyari na sa ika-pitong araw namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniya na patay na ang bata, dahil sinabi nila, “Tingnan mo, habang buhay pa ang bata kinausap natin siya at hindi siya nakinig sa ating boses. Baka kung ano gawin niya sa kanyang sarili kung sasabihin natin sa kaniyang patay na ang bata?!”
19 But, when David saw that his servants were whispering among themselves, then understood David that the child was dead, —and David said unto his servants—Is the child, dead? And they answered—Dead!
Pero nang makita ni David na nagbubulungan ang kaniyang mga lingkod, naghinala si David na patay na ang bata. Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na siya.”
20 Then David arose from the ground, and bathed and anointed, and changed his apparel, and, entering into the house of Yahweh, bowed himself down, —then came he into his own house, and asked, and they set before him food, and he did eat.
Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig at hinugasan ang kaniyang sarili, pinahiran ng langis ang kaniyang sarili at pinalitan ang kaniyang mga damit. Pumunta siya sa tabernakulo ni Yahweh at sumamba doon at pagkatapos bumalik sa kaniyang sariling palasyo. Nang hilingin niya ito, naghanda sila ng pagkain sa kanyang harapan at kumain siya.
21 Then said his servants unto him, What is this thing that thou hast done? For the child’s sake, while living, thou didst fast and weep, but, as soon as the child was dead, thou didst arise and eat food.
Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, “Bakit mo ginawa ito? Nag-ayuno ka at umiyak para sa bata habang nabubuhay pa siya, pero nang namatay ang bata, bumangon ka at kumain.”
22 And he said, —While yet the child lived, I fasted, and wept, —for I said—Who knoweth whether Yahweh may not grant me favour, and the child live?
Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?'
23 But, now, that he is dead, wherefore should I go on fasting? can I bring him back again? I am going unto him, but, he, will not come back unto me.
Pero ngayon patay na siya, bakit pa ako mag-ayuno? Maibabalik ko ba siyang muli? Pupunta ako sa kaniya, pero hindi siya babalik sa akin.”
24 And David consoled Bath-sheba his wife, and went in unto her, and lay with her, —and she bare a son, and called his name, Solomon, and Yahweh loved him.
Inaliw ni David ang kaniyang asawang si Batsheba at pumunta sa kaniya at sumiping sa kaniya. Kaya nagkaanak siya ng isang batang lalaki at pinangalanang Solomon ang bata. Mahal siya ni Yahweh,
25 And he sent by the hand of Nathan the prophet, and called his name Jedidiah ["Beloved of Yah"], for Yahweh’s sake.
kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh.
26 And Joab fought against Rabbah, of the sons of Ammon, —and captured the royal city.
Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito.
27 Then Joab sent messengers unto David, —and said—I have fought against Rabbah, I have also captured the city of the waters.
Kaya nagpadala si Joab ng mga mensahero kay David at sinabi, “Nakipaglaban ako sa Rabba at nakuha ko ang ipunan ng tubig ng lungsod.
28 Now, therefore, gather thou together the rest of the people, and encamp against the city, and capture it, —lest, I, capture the city, and it be called by my name.
Ngayon samakatwid sama-samang ipunin ang natitirang hukbo at magkampo laban sa lungsod at kunin ito, dahil kung kukunin ko ang lungsod, ipapangalan ito sa akin.”
29 So David gathered together all the people, and went to Rabbah, —and fought against it, and captured it.
Kaya sama-samang tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo at pumunta sa Rabba; nakipaglaban siya sa lungsod at nabihag ito.
30 Then took he the crown of Milcom from off his head, the weight thereof, being a talent of gold, with the precious stones, and it remained on the head of David, —the spoil of the city also, brought he forth in great abundance;
Kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang hari—tumitimbang ito ng isang talentong ginto at may isang mamahaling bato rito. Inilagay ang korona sa sariling ulo ni David. Pagkatapos inilabas niya ang nakuha sa panloloob ng lungsod na may malalaking kabuuan.
31 the people also that were therein, brought he forth, and put them to the saw, and to threshing sledges of iron, and to axes of iron, and made them pass through the brickkiln, and thus used he to do unto all the cities of the sons of Ammon. And David and all the people returned unto Jerusalem.
Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.