< 2 Chronicles 9 >

1 And, the queen of Sheba, heard the report of Solomon, so she came to prove Solomon with abstruse questions, in Jerusalem, with a very great train, and camels bearing spices, and gold in abundance, and precious stones, —and, when she was come to Solomon, she spake with him, as to all that was near her heart.
Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem upang subukin siya ng mga mahihirap na tanong. Dumating siya nang may napakaraming dala at kasama, mga kamelyo na may pasang mga pampalasa, maraming ginto, at maraming mamahaling bato.
2 And Solomon answered her all her questions, —and there was nothing hidden from Solomon, which he told her not.
Nang pumunta siya kay Solomon, sinabi niya sa kaniya ang lahat ng nasa kaniyang puso. Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang tanong; walang mahirap para kay Solomon; walang tanong na hindi niya nasagot.
3 And, when the queen of Sheba had seen the wisdom of Solomon, and the house which he had built;
Nang makita ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at ang palasyo na kaniyang itinayo,
4 and the food of his table, and the seats of his servants, and the standing of his attendants, with their apparel, and his cupbearers, and their apparel, and his ascent whereby he used to ascend the house of Yahweh, then was there in her no more spirit.
ang pagkain sa kaniyang mesa, ang ayos ng kaniyang mga lingkod, ang mga gawain ng kaniyang mga lingkod at ang kanilang kasuotan, gayundin ang kaniyang mga tagahawak ng saro at ang kanilang kasuotan, at ang pamamaraan ng kaniyang paghahandog ng handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh, nawalan siya ng loob.
5 And she said unto the king, True was the word, which I heard in my own land, —concerning thine affairs, and concerning thy wisdom.
Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang balita na narinig ko sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga salita at karunungan.
6 Howbeit I believed not their words, until I had come and mine own eyes had seen, when lo! there had not been told me, the half of the fulness of thy wisdom, —thou dost exceed the report which I heard.
Hindi ako naniwala sa aking narinig hanggang sa nakarating ako dito at ngayon, nakita ito ng aking mga mata. Wala pa sa kalahati ang sinabi sa akin tungkol sa iyong karunungan at kayamanan! Nahigitan mo ang katanyagan na aking narinig.
7 How happy! are thy men, and how happy! are these thy servants, —who are standing before thee continually, and hearing thy wisdom.
Pinagpala ang iyong mga tao at ang iyong mga tagapaglingkod na palaging nakatayo sa iyong harapan dahil naririnig nila ang iyong karunungan.
8 Yahweh thy God be blessed, who hath delighted in thee, to set thee upon his throne as king unto Yahweh thy God. Because of the love of thy God unto Israel, to establish them unto times age-abiding, therefore hath he set thee over them, as king, to execute justice and righteousness.
Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!”
9 And she gave unto the king, a hundred and twenty talents of gold, and spices in great abundance and precious stones, —and there was none like that spice, which the queen of Sheba gave unto King Solomon.
Binigyan niya ang hari ng 120 talento ng ginto at napakaraming sangkap at mga mamahaling bato. Hindi na nakatanggap si Haring Solomon ng kasing dami ng mga sangkap na ibinigay sa kaniya ng reyna ng Sheba
10 Moreover also, the servants of Huram, and the servants of Solomon, who brought gold from Ophir, brought sandal-wood and precious stones.
Ang mga lingkod ni Hiram at ang mga lingkod ni Solomon, na nag-uwi ng mga ginto mula sa Ofir ay nagdala rin ng mga kahoy na algum at mga mamahaling bato.
11 And the king made of the sandal-wood, stairs unto the house of Yahweh, and unto the house of the king, also lyres and harps, for the singers, —and there were none seen like them before, in the land of Judah.
Gamit ang kahoy na algum, gumawa ang hari ng mga hagdan para sa tahanan ni Yahweh at para sa kaniyang tahanan, at ng mga arpa at liro para sa mga musikero. Walang pang nakikitang kahoy na katulad nito nang panahong iyon sa lupain ng Juda.
12 And, King Solomon, gave to the queen of Sheba all her desire, whatsoever she asked, besides [a return for] that which she had brought unto the king, —so she turned, and went away to her own land, she, and her servants.
Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng gusto niya, anuman ang hiniling niya, na karagdagan sa kaniyang dinala sa hari. Kaya umalis siya at umuwi sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod.
13 Now, the weight of gold that came to Solomon in one year, was six hundred and sixty-six talents of gold;
Ang timbang ng gintong dumadating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
14 besides what came in from the subjugated, and what the travelling merchants were bringing in, —and, all the kings of Arabia and the pashas of the land, were bringing gold and silver, unto Solomon.
hindi pa kabilang ang ginto na idinadala sa kaniya ng mga negosyante at mangangalakal. Nagdala rin ng ginto at pilak kay Solomon ang lahat ng hari sa Arabia at mga gobernador sa bansa.
15 And King Solomon made two hundred shields of beaten gold, —six hundred [shekels] of beaten gold, overlay one shield;
Gumawa si Haring Solomon ng dalawang daan na malalaking mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Anim na raang siklo ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa.
16 also three hundred bucklers of beaten gold, three hundred [shekels] of gold, overlay one buckler, —and the king placed them in the house of the forest of Lebanon.
Gumawa rin siya ng tatlong daang mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Tatlong mina ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa. Inilagay ng hari ang mga ito sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon.
17 And the king made a great throne of ivory, —and overlaid it with pure gold;
At nagpagawa ang hari ng isang napakalaking trono ng garing at binalot ito ng pinakamagandang ginto.
18 and there were six steps to the throne, and a footstool in gold, unto the throne, made fast, and supports, on this side and on that, unto the seat, —and, two lions, standing by the supports;
Mayroon anim na baitang paakyat sa trono at pabilog ang likod ng tuktok ng trono. May mga patungan ng kamay sa magkabilang bahagi ng trono at may dalawang leon na nakatayo sa magkabilang bahagi ng patungan ng kamay.
19 and, twelve lions, standing there upon the six steps, on this side and on that, —there was never made the like, for any kingdom.
May labindalawang imahe ng leon ang nakatayo sa bawat baitang, isa sa bawat gilid ng bawat anim na baitang. Walang tronong katulad nito sa ibang kaharian.
20 And, all the drinking vessels of King Solomon, were of gold, and, all the vessels of the house of the forest of Lebanon, were of purified gold, —there was no silver, it was esteemed, in the days of Solomon, as nothing.
Ang lahat ng kopang iniinuman ni Haring Solomon ay mga ginto at ang lahat ng kopang iniinuman sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon ay mga purong ginto. Walang pilak dahil ang pilak itinuturing na hindi mahalaga sa kapanahunan ni Solomon.
21 For, the ships of the king, used to go to Tarshish, with the servants of Huram, —once in three years, came in the ships of Tarshish, bearing gold and silver, ivory and apes, and peacocks.
Ang hari ay may pangkat ng mga barko sa karagatan kasama ang mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat ika-tatlong taon, nagdadala ang pangkat ng mga barko ng ginto, pilak at garing at ng mga gorilya at malalaking unggoy.
22 And so King Solomon became greater than all the kings of the earth, —as to riches, and wisdom.
Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng mga hari sa buong mundo sa kayamanan at karunungan.
23 And, all the kings of the earth, were seeking the face of Solomon, —to hear his wisdom, which God had put in his heart;
Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.
24 and, they, were bringing in every man his present—utensils of silver, and utensils of gold, and mantles, armour, and spices, horses and mules, —the need of a year in a year.
Nagdadala ang mga bumibisita ng mga pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at ginto, mga damit, baluti at mga sangkap, gayundin ng mga kabayo at mola. Nagpatuloy ito taun-taon.
25 And Solomon had four thousand stalls of horses, and chariots, and twelve thousand horsemen, —and he settled them in the chariot cities, and with the king in Jerusalem.
May apat na libong kuwadra si Solomon para sa mga kabayo at mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniya sa Jerusalem.
26 And he ruled over all the kings, —from the river [Euphrates], even up to the land of the Philistines, yea up to the bounds of Egypt.
Pinamumunuan niya ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.
27 And the king made the silver in Jerusalem like the stones, —and, the cedar trees, made he like the sycomores which are in the lowland, for abundance.
May pilak ang hari sa Jerusalem, na kasindami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang kahoy na sedar katulad ng punong sikamoro na nasa mababang lugar.
28 And they used to bring horses out of Egypt unto Solomon, and out of all lands.
Nagdala sila ng mga kabayo para kay Solomon galing sa Ehipto at mula sa lahat ng lupain.
29 Now, the rest of the acts of Solomon, first and last, are they not written in the records of Nathan the prophet, and in the prophecy of Ahijah the Shilonite, and in the visions of Iddo the seer, concerning Jeroboam son of Nebat?
Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?
30 And Solomon reigned in Jerusalem over all Israel, forty years.
Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon.
31 And Solomon slept with his fathers, and they buried him in the city of David his father, —and Rehoboam his son reigned in his stead.
At namatay siya at inilibing ng mga tao sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Rehoboam na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 2 Chronicles 9 >