< Psalms 78 >

1 A maskil of Asaph. My people, attend to my teaching: bend your ears to the words of my mouth,
Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 as I open my mouth in a poem on the riddling story of the past.
Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
3 What we have heard and known, and what our ancestors have told us,
Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 we will not hide from their children. We will tell to the next generation the praises and might of the Lord, and the wonders that he has done.
Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 He set up a testimony in Jacob, a law he appointed in Israel, which he commanded our ancestors to make known to their children,
Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 that the next generation should know it, that the children yet to be born should arise and tell their children;
Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 that in God they might put their confidence, and not forget God’s works; but that they might keep his commandments,
Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 and not be like their ancestors, a generation defiant and stubborn, a generation with heart unsteady, and spirit unfaithful towards God.
At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ephraimites, armed bowmen, turned back in the day of battle.
Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 They did not keep God’s covenant, they refused to walk in his law.
Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 They forgot what he had done, and the wonders he had shown them.
At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 He did wonders before their ancestors in the country of Zoan in Egypt.
Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan.
13 Through the sea which he split he brought them, making waters stand up like a heap;
Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya (sila) at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 he led them by day with a cloud, all the night with a light of fire.
Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan (sila) sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 From the rocks which he split in the wilderness, he gave them to drink as of ocean’s abundance.
Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya (sila) ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 He brought streams out of the rock, and made water run down like rivers.
Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Yet they still went on sinning against him, they defied the Most High in the desert.
Gayon ma'y nagkasala uli (sila) laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 They willfully challenged God, demanding the food that they longed for.
At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 “Is God able,” such was their challenge, “to spread in the desert a table?
Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 From the rock that he struck there gushed water, and torrents that overflowed; but can he also give bread, or provide his people with meat?”
Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 When the Lord heard this, he was furious, and fire was kindled on Jacob, anger flared up against Israel.
Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 For they put no trust in God, no confidence in his help.
Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 So he summoned the clouds above; and, opening the doors of heaven,
Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 he rained manna upon them for food, and grain of heaven he gave them.
At pinaulanan niya (sila) ng mana upang makain. At binigyan (sila) ng trigo ng langit.
25 Everyone ate the bread of angels; he sent them food to the full.
Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya (sila) ng pagkain hanggang sa nangabusog.
26 He launched the east wind in the heavens, and guided the south by his power.
Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 He rained meat upon them like dust, winged bird like the sand of the sea.
Pinaulanan naman niya (sila) ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 In the midst of their camp he dropped it, all around their tents.
At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 They ate and were more than filled; he had brought them the thing they desired.
Sa gayo'y nagsikain (sila) at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita.
30 But the thing they desired became loathsome: while their food was still in their mouths,
Hindi (sila) nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 the wrath of God rose against them. He slew the stoutest among them, and laid low the young men of Israel.
Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Yet for all this they sinned yet more, and refused to believe in his wonders.
Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa (sila) at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 So he ended their days in a breath, and their years in sudden dismay.
Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 When he slew them, then they sought after him, they turned and sought God with diligence.
Nang kaniyang patayin (sila) sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 They remembered that God was their rock, and the Most High God their redeemer.
At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
36 But they flattered him with their mouth, and lied to him with their tongue.
Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Their heart was not steady with him, they were faithless to his covenant.
Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man (sila) sa kaniyang tipan.
38 But he is full of pity: he pardons sin and destroys not. Often he turns his anger away, without stirring his wrath at all.
Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi (sila) nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 So he remembered that they were but flesh, breath that passes and does not return.
At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 But how often they rebelled in the desert, and caused him grief in the wilderness,
Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
41 tempting God again and again, provoking the Holy One of Israel.
At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
42 They did not remember his strength, nor the day he redeemed from the foe,
Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin (sila) sa kaaway.
43 how he set his signs in Egypt, in the country of Zoan his wonders.
Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 He turned their canals into blood, their streams undrinkable.
At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi (sila) makainom.
45 He sent forth flies, which devoured them; frogs, too, which destroyed them.
Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Their crops he gave to the caterpillar, and the fruits of their toil to the locust.
Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
47 He slew their vines with hail, and their sycamore trees with frost.
Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 He delivered their cattle to the hail, and their flocks to bolts of fire.
Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 He let loose his hot anger among them, fury and wrath and distress, a band of destroying angels.
Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 He cleared a path for his anger, did not spare them from death, but gave them over to pestilence.
Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 He struck down all the firstborn in Egypt, the first fruits of their strength in the tents of Ham.
At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
52 He led forth his people like sheep, he was guide to his flock in the desert.
Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan (sila) sa ilang na parang kawan.
53 Securely he led them, and free from fear, while their foes were drowned in the sea.
At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi (sila) nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 To his holy realm he brought them, to the mountain his right hand had purchased.
At dinala niya (sila) sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 He drove out the nations before them, and allotted their land for possession, and their tents for Israel to live in.
Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Yet they tempted and angered the Most High God, they did not observe his decrees.
Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik (sila) laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 They drew back, false like their ancestors; they failed like a treacherous bow.
Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.
58 Their shrines stirred him to anger, their idols moved him to jealousy.
Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 When God heard of this, he was furious, and he spurned Israel utterly.
Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel:
60 He abandoned his home in Shiloh, the tent he had pitched among people.
Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 He gave his strength up to captivity, his glory to the hands of the foe.
At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 He gave his people to the sword, he was furious with his own.
Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana.
63 Fire devoured their young men, and their maidens had no marriage-song.
Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 Their priests fell by the sword, and their widows could not weep.
Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Then the Lord awoke as from sleep, like a warrior flushed with wine;
Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 and he beat back his foes, putting them to perpetual scorn.
At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya (sila) sa laging kadustaan.
67 He disowned the tent of Joseph, he rejected the tribe of Ephraim;
Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 but he chose the tribe of Judah, Mount Zion, which he loves.
Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig.
69 And he built like the heights his sanctuary, like the earth which he founded forever.
At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 And he chose David his servant, taking him from the sheepfolds.
Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 From the mother-ewes he brought him, to be shepherd to Jacob his people, and to Israel his inheritance.
Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 With upright heart did he shepherd them, and with skilful hands did he guide them.
Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya (sila) sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

< Psalms 78 >