< Mark 4 >

1 And again he began to teach by the shore of the lake; and there was gathered to him a very great multitude, so that he went into a boat, and sat down in it upon the lake; and all the multitude was by the lake on the land.
Muli siyang nagsimulang mangaral sa tabi ng dagat. At nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa paligid niya, kaya sumakay siya sa bangka na nasa dagat at naupo. Ang mga tao ay nasa tabi ng dagat sa dalampasigan.
2 And he taught them many things in parables, and said to them in his teaching,
At tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, at sinabi niya sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
3 Hearken: Behold, a sower went forth to sow.
“Makinig kayo, lumabas ang manghahasik upang maghasik.
4 And it came to pass, as he sowed some seeds fell by the way-side; and the birds came and devoured them.
Habang siya ay naghahasik, mayroong mga binhing napunta sa daan at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito.
5 And others fell on rocky ground, where they had not much earth; and they sprung up immediately, because they had no depth of earth.
Ang ibang mga binhi ay napunta sa mabatong lupa na kung saan ang lupa ay kakaunti lamang. Agad silang tumubo dahil hindi malalim ang lupa nito.
6 But when the sun was up, they were scorched; and because they had no root, they withered away.
Ngunit nang sumikat ang araw, nalanta ang mga ito at dahil wala silang ugat natuyo ang mga ito.
7 And others fell among thorns; and the thorns grew up, and choked them, and they yielded no fruit.
Ang ibang mga binhi ay napunta sa tinikan. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito, at hindi ito nakapamunga ng kahit isang butil.
8 And others fell on good ground, and shooting up and growing yielded fruit; and bore as much as thirty, and sixty, and a hundred fold.
Napunta sa matabang lupa ang ibang binhi at nagkabutil habang lumalago at dumarami, at may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisangdaan”.
9 And he said, He that hath ears to hear, let him hear.
At sinabi niya, “Sinuman ang may taingang pandinig, makinig!”
10 And when he was in private, they who were about him, with the twelve, asked him about the parables.
Nang nag-iisa na si Jesus, nagtanong ang mga malalapit sa kaniya kasama ang Labindalawa tungkol sa talinghaga.
11 And he said to them, To you hath been given the mystery of the kingdom of God; but to them, who are without, all things are done in parables; t
Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos. Ngunit sa ibang nasa labas ang lahat ay mga talinghaga,
12 hat seeing they may see, and not perceive, and hearing they may hear, and not understand; lest they should turn, and be forgiven.
nang sa gayon, kapag sila ay tumingin, oo titingin sila, ngunit hindi sila makakakita, at kapag sila ay nakinig, oo makaririnig sila, ngunit hindi sila makauunawa, o kundi sila ay manumbalik at patatawarin sila ng Diyos.”
13 And he saith to them, Know ye not this parable? and how will ye know all the parables?
At sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga?
14 The sower soweth the word.
Ang manghahasik ay naghasik ng salita.
15 And these are they by the wayside, those where the word is sown, and when they have heard, Satan cometh immediately, and taketh away the word that was sown in them.
Ang ilan sa mga ito ay ang nahulog sa tabi ng daan, kung saan ang salita ay naihasik. At nang marinig nila ito, agad na dumating si Satanas upang alisin ang salitang naitanim sa kanila.
16 And these in like manner are they that are sown on the rocky places, those, who, when they have heard the word, immediately receive it with joy,
At ang iba ay ang mga naitanim sa mabatong lupa, nang makarinig sila ng salita, agad nila itong tinatanggap nang may kagalakan.
17 and have no root in themselves, but endure only for a time; then, when affliction or persecution ariseth on account of the word, they immediately fall away.
At hindi sila nakapag-ugat kaya sila nakatiis lang ng maikling panahon. At dumating ang mga pagdurusa o pag-uusig dahil sa salita at agad silang nadapa.
18 And others are they that are sown among the thorns; these are they who hear the word,
At ang iba naman ay naihasik sa tinikan. Narinig nila ang salita at tinanggap ito,
19 but the cares of the world, and the deceitfulness of riches, and the lusts of other things entering in, choke the word, and it becometh unfruitful. (aiōn g165)
ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. (aiōn g165)
20 And these are they who are sown on the good ground; such as hear the word, and receive it; and bear fruit, thirty, sixty, and a hundred fold.
At mayroon namang naihasik sa matabang lupa. Narinig nila ang salita at tinanggap ito at nakapamunga: may tatlumpu, may animnapu, at may isangdaan.”
21 And he said to them, Is a lamp brought to be put under the bushel, or under the bed, and not to be set on the lamp-stand?
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara.
22 For there is nothing secret, unless to be made known; nor was any thing hidden, but that it should come to light.
Sapagkat walang itinatago na hindi maihahayag at walang lihim na hindi maibubunyag.
23 If any one hath ears to hear, let him hear.
Sinuman ang may taingang pandinig, makinig.
24 And he said to them, Take heed what ye hear. With what measure ye mete, it will be measured to you, and more will be added to you.
Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan ninyong mabuti ang inyong naririnig, ang panukat na inyong ginagamit ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo.
25 For he that hath, to him will be given; and he that hath not, from him will be taken away even what he hath.
Dahil sinumang mayroon ay pagkakalooban ng higit pa, at sinumang wala, kukunin maging ang anumang nasa kaniya.”
26 And he said, Thus is the kingdom of God, as when a man has cast seed upon the ground,
At sinabi niya, “Ang kaharian ng Diyos ay tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi sa lupa.
27 and sleeps and rises night and day, and the seed springs and grows up, he knows not how.
Sa gabi siya ay natutulog at sa umaga siya ay bumabangon, at ang binhi ay sumisibol at tumutubo, ngunit hindi niya alam kung paano.
28 For the earth brings forth fruit of itself, first the blade, then the ear, then the full grain in the ear.
Ang lupa sa sarili niya ay namumunga ng butil: una ang sibol, sunod ang mga tangkay, sunod ang mga hinog na butil sa tangkay.
29 But when the fruit puts itself forth, immediately he sends out the sickle, because the harvest is come.
At kapag nahinog na ang butil, agad niyang ipinadadala ang panggapas sapagkat dumating na ang anihan.”
30 And he said, To what shall we liken the kingdom of God? or under what comparison shall we set it forth?
At sinabi niya, “Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito?
31 It is like a grain of mustard, which, when it is sown in the earth, is less than all the seeds that are in the earth;
Ito ay katulad ng buto ng mustasa na kapag ito ay itinanim, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga buto sa daigdig.
32 and when it is sown, it grows up, and becomes greater than all the herbs, and puts forth great branches, so that the birds of the air can lodge under its shade.
Gayunpaman, kapag ito ay naitanim, tumutubo ito at nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga tanim sa bukirin at nagkakaroon ito ng malalaking sanga, kaya ang mga ibon sa himpapawid ay nakakapamugad sa lilim nito.
33 And with many such parables he spoke the word to them, as they were able to hear.
Ipinangaral niya ang salita sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, hanggang sa kaya nilang maunawaan,
34 But without a parable he did not speak to them; but in private he explained all things to his own disciples.
at hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ngunit kapag siya ay nag-iisa na lamang, ipinapaliwanag niya ang lahat sa kaniyang sariling mga alagad.
35 And on the same day, when the evening was come, he saith to them, Let us pass over to the other side.
Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang dako.”
36 And leaving the multitude, they take him with them, as he was, in the boat; and there were also other boats with him.
Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya.
37 And there arose a great storm of wind, and the waves heat into the boat, so that it was already filling.
Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig.
38 And he was in the stern, asleep on the pillow; and they awake him, and say to him, Teacher, carest thou not that we are perishing?
Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay?
39 And he arose, and rebuked the wind, and said to the waves, Peace! be still! And the wind ceased, and there was a great calm.
At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
40 And he said to them, Why are ye so fearful? How is it that ye have not faith?
At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?”
41 And they feared exceedingly, and said one to another, Who then is this, that even the wind and the waves obey him?
Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, “Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”

< Mark 4 >