< Revelation 20 >

1 I saw an angel coming down out of heaven, having the key of the abyss and a great chain in his hand. (Abyssos g12)
At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos g12)
2 He seized the serpent, the ancient snake, which is the devil and Satan, and bound him for a thousand years,
At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 and cast him into the abyss, and shut it, and sealed it over him, that he should deceive the nations no more, until the thousand years were finished. After this, he must be freed for a short time. (Abyssos g12)
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos g12)
4 I saw thrones, and they sat on them, and judgment was given to them. I saw the souls of those who had been beheaded for the testimony of Jesus, and for the word of God, and such as did not worship the beast nor his image, and did not receive the mark on their forehead and on their hand. They lived, and reigned with Christ for a thousand years.
At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5 The rest of the dead did not live until the thousand years were finished. This is the first resurrection.
Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
6 Blessed and holy is he who has part in the first resurrection. Over these, the second death has no power, but they will be priests of God and of Christ, and will reign with him one thousand years.
Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 And after the thousand years, Satan will be released from his prison,
At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
8 and he will come out to deceive the nations which are in the four quarters of the earth, Gog and Magog, to gather them together to the war; the number of whom is as the sand of the sea.
At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 They went up over the breadth of the earth, and surrounded the camp of the saints, and the beloved city, and fire came down out of heaven and devoured them.
At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
10 The devil who deceived them was thrown into the lake of fire and sulfur, where the beast and the false prophet are also. They will be tormented day and night forever and ever. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
11 I saw a great white throne, and him who sat on it, from whose face the earth and the heaven fled away. There was found no place for them.
At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
12 I saw the dead, the great and the small, standing before the throne, and they opened books. Another book was opened, which is the Book of Life. The dead were judged out of the things which were written in the books, according to their works.
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
13 The sea gave up the dead who were in it. Death and hell gave up the dead who were in them. They were judged, each one according to his works. (Hadēs g86)
At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs g86)
14 Death and hell were thrown into the lake of fire. This is the second death, the lake of fire. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
15 If anyone was not found written in the Book of Life, he was cast into the lake of fire. (Limnē Pyr g3041 g4442)
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr g3041 g4442)

< Revelation 20 >