< Judges 10 >

1 After Abimelech there arose to save Israel Tola the son of Puah, the son of Dodo, a man of Issachar; and he lived in Shamir in the hill country of Ephraim.
Matapos kay Abimelec, si Tola na anak na lalaki ni Pua na anak ni Dodo, isang tao na mula kay Issacar na nakatira sa Samir, sa burol ng Efraim, ay tumayo para iligtas ang Israel.
2 He judged Israel twenty-three years, and died, and was buried in Shamir.
Pinamunuan niya ang Israel ng dalawampu't tatlong taon. Namatay at inilibing siya sa Samir.
3 After him arose Jair, the Gileadite; and he judged Israel twenty-two years.
Sinundan siya ni Jair ang Galaadita. Pinamunuan niya ang Israel ng dalawamput-dalawang taon.
4 He had thirty sons who rode on thirty donkeys, and they had thirty towns, which are called Havvoth Jair to this day, which are in the land of Gilead.
Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki na nakasakay sa tatlumpung asno at mayroon silang tatlumpung lungsod, na tinatawag na Havot Jair hanggang sa araw na ito, na nasa lupain ng Galaad.
5 Jair died, and was buried in Kamon.
Namatay si Jair at inilibing sa Kamon.
6 The children of Israel again did that which was evil in the sight of the LORD, and served the Baals, and the Ashtaroth, and the gods of Aram, and the gods of Sidon, and the gods of Moab, and the gods of the people of Ammon, and the gods of the Philistines; and they forsook the LORD, and did not serve him.
Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh.
7 The anger of the LORD was kindled against Israel, and he sold them into the hand of the Philistines, and into the hand of the people of Ammon.
Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin.
8 And they shattered and oppressed the children of Israel that year. Eighteen years they oppressed all the children of Israel that were beyond the Jordan in the land of the Amorites, which is in Gilead.
Dinurog at inapi nila ang bayan ng Israel nang taong iyon at sa loob ng labingwalong taon inapi nila ang bayan ng Israel na nasa ibayo ng Jordan sa lupain ng mga Amoreo, na nasa Galaad.
9 The people of Ammon passed over the Jordan to fight also against Judah, and against Benjamin, and against the house of Ephraim; so that Israel was very distressed.
At ang mga Amonita ay tumawid sa Jordan para makipaglaban sa Juda, laban sa Benjamin at laban sa sambahayan ni Efraim, kaya ang Israel ay lubhang naglamhati.
10 The children of Israel cried to the LORD, saying, "We have sinned against you, even because we have forsaken our God, and have served the Baals."
Pagkatapos tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, sinabing, “Nagkasala kami laban sa iyo, dahil iniwan namin ang aming Diyos at sinamba ang mga Baal.”
11 The LORD said to the children of Israel, "Did I not save you from the Egyptians, and from the Amorites, from the people of Ammon, and from the Philistines?
Sinabi ni Yahweh sa bayan ng Israel, “Hindi ko ba kayo iniligtas mula sa mga taga-Ehipto, ang mga Amoreo, ang mga Amonita, ang mga Filisteo
12 Also the Sidonians, and Amalek, and Midian oppressed you; and you cried to me, and I saved you out of their hand.
at gayundin mula sa mga Sidonia? Inapi kayo ng mga Amalekita at mga Maonita; tumawag kayo sa akin, at iniligtas ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan.
13 Yet you have forsaken me, and served other gods. Therefore I will save you no more.
Pero iniwan ninyo akong muli at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan. kaya, hindi ako patuloy na magdadagdag sa mga panahon na iniligtas ko kayo.
14 Go and cry to the gods which you have chosen; let them save you in the time of your distress."
Humayo at tawagin ninyo ang ibang mga diyus-diyosan na inyong sinamba. Hayaan silang magligtas sa inyo kapag kayo ay nagkaroon ng gulo.”
15 The children of Israel said to the LORD, "We have sinned. Do to us whatever seems good to you; only deliver us, please, this day."
Sinabi ng bayan ng Israel kay Yahweh, “Nagkasala kami. Gawin sa amin anuman ang mabuti para sa iyo. Tangi naming pakiusap, iligtas mo kami sa araw na ito.”
16 They put away the foreign gods from among them, and served the LORD; and his soul was grieved with the misery of Israel.
Lumayo sila mula sa mga dayuhang diyus-diyosan na pag-aari nila at sinamba si Yahweh. At hindi na niya matiis ang paghihirap ng Israel.
17 Then the people of Ammon were gathered together, and camped in Gilead. The children of Israel assembled themselves together, and camped at Mizpah.
Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga Amonita at nagtayo ng kampo sa Galaad. Sama-samang dumating ang mga Israelita at nagtayo ng kanilang kampo sa Mizpa.
18 And the people, the leaders of Gilead, said to each other, "What man is he who will begin to fight against the people of Ammon? He shall be head over all the inhabitants of Gilead."
Sinabi ng mga pinuno ng mga tao ng Galaad sa bawat isa, “Sino ang taong magpapasimula ng pakikipaglaban sa mga Amonita? Magiging pinuno siya sa lahat ng naninirahan sa Galaad.”

< Judges 10 >