< 2 Chronicles 1 >
1 Solomon the son of David was strengthened in his kingdom, and the LORD his God was with him, and magnified him exceedingly.
Si Solomon na anak ni David ay naging matatag sa kaniyang pamumuno, at si Yahweh na kaniyang Diyos ay kasama niya at ginawa siyang makapangyarihan.
2 Solomon spoke to all Israel, to the captains of thousands and of hundreds, and to the judges, and to every prince in all Israel, the heads of the fathers' households.
At nagsalita si Solomon sa buong Israel at sa mga pinunong kawal ng libu-libo at sa daan-daan at sa mga hukom at sa bawat prinsipe sa buong Israel, sa mga pinuno ng mga ama ng tahanan.
3 So Solomon, and all the assembly with him, went to the high place that was at Gibeon; for there was the Tent of Meeting of God, which Moses the servant of the LORD had made in the wilderness.
Kaya si Solomon at ang buong kapulungang kasama niya ay pumunta sa dambana na nasa Gibeon; dahil naroon ang toldang tipanan ng Diyos na ginawa ni Moises na lingkod ni Yahweh sa ilang.
4 But David had brought the ark of God up from Kiriath Jearim to the place that David had prepared for it; for he had pitched a tent for it at Jerusalem.
Ngunit dinala ni David ang kaban ng Diyos mula sa Chiriath Jearim sa lugar na kaniyang inihanda para rito sapagkat nagtayo siya ng tolda para dito sa Jerusalem.
5 Moreover the bronze altar, that Bezalel the son of Uri, the son of Hur, had made, was there before the tabernacle of the LORD: and Solomon and the assembly were seeking counsel there.
Sa karagdagan, ang altar na tanso na ginawa ni Besalel na anak ni Uri na anak ni Hur ay nasa harapan ng tabernakulo ni Yahweh; pumanta roon sina Solomon at ang kapulungan.
6 Solomon went up there to the bronze altar before the LORD, which was at the Tent of Meeting, and offered one thousand burnt offerings on it.
Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
7 In that night God appeared to Solomon, and said to him, "Ask what I shall give you."
Nagpakita ang Diyos kay Solomon ng gabing iyon at sinabi sa kaniya, “Humiling ka! Ano ang dapat kong ibigay sa iyo?”
8 Solomon said to God, "You have shown great loving kindness to David my father, and have made me king in his place.
Sinabi ni Solomon sa Diyos, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan kay David na aking ama at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
9 Now, LORD God, let your promise to David my father be established; for you have made me king over a people like the dust of the earth in multitude.
Ngayon, Yahweh na Diyos, isakatuparan mo ang iyong pangako kay David na aking ama, dahil ginawa mo akong hari sa mga tao na ang bilang ay kasing dami ng mga alikabok sa lupa.
10 Now give me wisdom and knowledge, that I may go out and come in before this people; for who can judge this your people, that is so great?"
Ngayon bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamunuan ko ang mga taong ito, sapagkat sino ba ang huhukom sa iyong mga tao na napakarami ang bilang?”
11 God said to Solomon, "Because this was in your heart, and you have not asked riches, wealth, or honor, nor the life of those who hate you, neither yet have asked long life; but have asked wisdom and knowledge for yourself, that you may judge my people, over whom I have made you king:
Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil ito ang nasa iyong puso at dahil hindi ka humiling ng mga yaman, kayamanan o karangalan at hindi mo hiningi ang buhay ng mga may galit sa iyo, o mahabang buhay para sa iyong sarili—ngunit dahil humiling ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang mapamunuan mo ang aking mga tao kung saan kita ginawang hari—
12 wisdom and knowledge is granted to you. I will give you riches, wealth, and honor, such as none of the kings have had who have been before you; neither shall there any after you have the like."
Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang karunungan at kaalaman; bibigyan din kita ng yaman, kayamanan, karangalan, higit pa sa nakamtan ng sinumang mga hari na nauna sa iyo at higit pa sa makakamtan ng sinuman na susunod sa iyo.”
13 So Solomon came from the high place that was at Gibeon, from before the Tent of Meeting, to Jerusalem; and he reigned over Israel.
At bumalik si Solomon sa Jerusalem mula sa dambana na nasa Gibeon, mula sa harapan ng toldang tipanan; naghari siya sa buong Israel.
14 Solomon gathered chariots and horsemen: and he had one thousand four hundred chariots, and twelve thousand horsemen, that he placed in the chariot cities, and with the king at Jerusalem.
Nagtipon si Solomon ng mga karwahe at mangangabayo: at nagkaroon siya ng 1, 400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo na inilagay niya sa lungsod na pinag-iimbakan ng mga karwahe, at sa kaniya rin, na hari ng Jerusalem.
15 The king made silver and gold to be in Jerusalem as stones, and cedars made he to be as the sycamore trees that are in the lowland, for abundance.
Ginawa ng hari ang pilak at ginto na pangkaraniwan sa Jerusalem na parang mga bato at ginawa niyang pangkaraniwan ang sedar na kahoy tulad ng mga puno ng sikamorong nasa mababang mga lupain.
16 The horses which Solomon had were brought out of Egypt and from Kue; the king's merchants purchased them from Kue.
Sa pag-aangkat ng mga kabayo mula sa Ehipto at Cilicia para kay Solomon, binili ng kaniyang mga mangangalakal ang mga ito mula sa Cilicia sa mataas na halaga.
17 They brought up and brought out of Egypt a chariot for six hundred pieces of silver, and a horse for one hundred fifty: and so for all the kings of the Hittites, and the kings of Aram, they brought them out by their means.
Nag-angkat sila ng karwahe mula sa Ehipto sa halagang anim na raang siklong pilak at kabayo sa halagang 150 siklo. Iniluluwas din nila ang mga ito sa mga hari ng Heteo at sa mga Arameo.