< Romans 13 >

1 Let every person be subject to the governing authorities, for there is no authority except from God, and those that exist have been instituted by God.
Ang bawat kaluluwa ay maging masunurin sa mga matataas na kapangyarihan, dahil walang kapangyarihan na hindi nanggagaling sa Diyos. At ang mga may kapangyarihang umiiral ay itinalaga ng Diyos.
2 Therefore he who resists the authority resists the ordinance of God, and those who resist will incur judgment.
Samakatuwid ang lumalaban sa kapangyarihang iyon ay sumasalungat sa mga utos ng Diyos, at ang mga sumasalungat dito ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang mga sarili.
3 For rulers are not a terror to the good work, but to the evil. Do you desire to have no fear of the authority? Do that which is good, and you will have praise from the same,
Sapagkat ang mga namumuno ay hindi kilabot sa mga mabubuting gawain, kundi sa mga masasama gawain. Nais mo bang hindi matakot sa may kapangyarihan? Gawin mo ang mabuti, at makatatanggap ka ng papuri dahil dito.
4 for it is a servant of God to you for good. But if you do that which is evil, be afraid, for it does not bear the sword in vain. It is God's servant to administer retribution on those who do what is wrong.
Sapagkat siya ay isang lingkod ng Diyos para sa kabutihan. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, matakot ka. Sapagkat hindi niya dala-dala ang espada ng walang dahilan. Sapagkat siya ay isang lingkod ng Diyos, isang tagapaghiganti ng poot sa mga gumagawa ng masama.
5 Therefore it is necessary to be in subjection, not only because of this retribution, but also as a matter of conscience.
Samakatuwid dapat kayong sumunod, hindi lang dahil sa matinding poot, ngunit dahil din sa konsensya.
6 For this reason you also pay taxes, for they are servants of God, concerned with this very thing.
Dahil dito nagbabayad din kayo ng mga buwis. Sapagkat ang mga may kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos na patuloy na nangangasiwa nito.
7 Give therefore to everyone what you owe: taxes to whom taxes are due; customs to whom customs; respect to whom respect; honor to whom honor.
Bayaran ninyo ang lahat kung ano man ang inutang ninyo sa kanila: magbuwis sa dapat pagbayaran ng buwis, magbayad ng upa sa kung sinuman ang inuupahan; matakot sa nararapat katakutan; parangalan ang nararapat parangalan.
8 Owe no one anything, except to love one another; for he who loves his neighbor has fulfilled the law.
Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, maliban sa pagmamahal sa isa't isa. Sapagkat ang sinumang nagmamahal sa kaniyang kapwa ay tumutupad sa kautusan.
9 For the commandments, "Do not commit adultery," "Do not murder," "Do not steal," "Do not give false testimony," "Do not covet," and whatever other commandments there are, are all summed up in this saying, namely, "You are to love your neighbor as yourself."
Sapagkat, “Hindi ka mangangalunya, hindi ka papatay, hindi ka magnanakaw, hindi ka mag-iimbot,” at kung may iba ring kautusan, pinagsama-sama ito sa pangugusap na ito: “Mamahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.”
10 Love does not harm a neighbor. Love therefore is the fulfillment of the law.
Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa. Kaya, pag-ibig ang katuparan ng kautusan.
11 Do this, knowing the time, that it is already time for you to awaken out of sleep, for salvation is now nearer to us than when we first believed.
Dahil dito, nalalaman niyo ang oras, na ito na ang oras upang kayo ay magising mula sa inyong pagkakatulog. Sapagkat ngayon, ang ating kaligtasan ay mas malapit na kaysa noong una tayong nanampalataya.
12 The night is far gone, and the day is near. Let us therefore throw off the works of darkness, and let us put on the armor of light.
Palipas na ang gabi at malapit ng mag-umaga. Kaya iisantabi natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isuot ang baluti ng liwanag.
13 Let us walk decently, as in the daytime; not in carousing and drunkenness, not in sexual immorality and lustful acts, and not in dissension and jealousy.
Lumakad tayo nang nararapat, gaya ng sa liwanag, hindi sa magulong pagdiriwang o sa paglalasing. At huwag tayong mamuhay sa kahalayan o sa pagnanasang walang pagpipigil, at hindi sa alitan o pagkainggit.
14 But put on the Lord Jesus (the) Messiah, and make no provision for the flesh, for its lusts.
Ngunit paghariin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo at huwag pagbigyan ang kagustuhan ng laman, para sa mga pagnanasa nito.

< Romans 13 >