< Revelation 3 >
1 "And to the angel of the church in Sardis write: "He who has the seven Spirits of God, and the seven stars says these things: "I know your works, that you have a reputation of being alive, but you are dead.
“Sa anghel ng iglesya ng Sardis isulat: 'Ang mga salita ng isa na siyang hawak ang pitong mga espiritu ng Diyos at ng pitong mga bituin. “'Alam ko ang inyong ginawa. Mayroon kayong isang dangal na kayo ay buhay, pero kayo ay patay.
2 Wake up, and keep the things that remain, which were about to die, for I have found no works of yours perfected before my God.
Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.
3 Remember therefore how you have received and heard. Keep it, and repent. If therefore you do not wake up, I will come as a thief, and you won't know what hour I will come to you.
Kaya tandaan, kung ano ang inyong tinanggap at narinig. Sundin ito, at magsisi. Pero kung hindi kayo gigising, darating ako na parang isang magnanakaw, at hindi ninyo malalaman kung anong oras ako darating laban sa inyo.
4 Nevertheless you have a few names in Sardis that did not defile their garments. They will walk with me in white, for they are worthy.
Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.
5 He who overcomes will be arrayed in white garments, and I will in no way blot his name out of the Book of Life, and I will confess his name before my Father, and before his angels.
Ang isa na siyang nakalupig ay susuotan ng puting damit, at hindi ko kailanman buburahin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sasabihin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
6 He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches.
Kung mayroon kayong tainga, pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
7 "To the angel of the church in Philadelphia write: "These are the words of the Holy One, the True One, he who has the key of David, he who opens and no one can shut, and who shuts and no one opens:
“Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay — hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas.
8 "I know your works. Look, I have set before you an open door, which no one can shut. For you have a little power, and have kept my word, and did not deny my name.
Alam ko ang inyong ginawa. Tingnan ninyo, Inilagay ko sa inyong harap ang isang pintuang bukas na walang sinuman ang maaaring ikulong. Alam kong mayroon kayong kaunting kalakasan, gayunman sinunod ninyo ang aking salita at hindi itinanggi ang aking pangalan.
9 Look, I give of the synagogue of Satan, of those who say they are Jews, and they are not, but lie; look, I will make them to come and worship before your feet, and to know that I have loved you.
Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, — sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo.
10 Because you kept my command to endure, I also will keep you from the hour of testing, which is to come on the whole world, to test those who dwell on the earth.
Yamang pinanatili ninyo ang aking utos na matiyagang pagtitiis. Iingatan ko rin kayo mula sa oras ng pagsubok na darating sa buong mundo, para subukin sila na siyang nakatira sa mundo.
11 I am coming quickly. Hold firmly that which you have, so that no one takes your crown.
Ako ay malapit nang dumating. Mahigpit na panghawakan kung anong mayroon kayo kaya walang sinuman ang maaaring mag-alis ng inyong korona.
12 He who overcomes, I will make him a pillar in the temple of my God, and he will go out from there no more. I will write on him the name of my God, and the name of the city of my God, the new Jerusalem, which comes down out of heaven from my God, and my own new name.
Gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos ang isa na siyang nakalupig, at hindi na siya kailanman lalabas dito. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos (ang bagong Jerusalem, na bumababa sa langit mula sa aking Diyos), at ang aking bagong pangalan.
13 He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches.
Ang isa na siyang may tainga, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
14 "To the angel of the church in Laodicea write: "The Amen, the Faithful and True Witness, the Head of God's creation, says these things:
Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos.
15 "I know your works, that you are neither cold nor hot. I wish you were cold or hot.
Alam ko kung ano ang inyong ginawa, at kayo na sinumang malamig o mainit. Nais ko na kayo ay maging malamig ni mainit!
16 So, because you are lukewarm, and neither hot nor cold, I will vomit you out of my mouth.
Kaya, dahil kayo ay maligamgam — ni mainit o malamig — malapit ko na kayong isuka buhat sa aking bibig.
17 Because you say, 'I am rich, and have gotten riches, and have need of nothing;' and do not know that you are wretched, miserable, poor, blind, and naked;
Dahil sinabi mo, “Mayaman ako, marami akong materyal na pag-aari, at wala akong pangangailangan.” Pero hindi mo alam na ikaw ang pinakamalungkot, kaawa-awa, dukha, bulag at hubad.
18 I counsel you to buy from me gold refined by fire, that you may become rich; and white garments, that you may clothe yourself, and that the shame of your nakedness may not be revealed; and eye salve to put on your eyes, that you may see.
Pakinggan ang aking payo: Bumili ka mula sa akin ng gintong pinino sa pamamagitan ng apoy kaya maaari kang maging mayaman, at makinang na mga puting damit kaya maaari mong damitan ang iyong sarili at hindi makikita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at papanatag para pahiran ang iyong mga mata kaya maaari kang makakita.
19 As many as I love, I rebuke and discipline. Be zealous therefore, and repent.
Bawat isa na mahal ko ay sinasanay ko at tinuturuan sila paano dapat mamuhay. Kaya, maging masigasig at magsisi.
20 Look, I stand at the door and knock. If anyone hears my voice and opens the door, I will come in to him, and will dine with him, and he with me.
Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.
21 He who overcomes, I will give to him to sit down with me on my throne, as I also overcame, and sat down with my Father on his throne.
Ang isa na siyang nakalupig, bibigyan ko ng karapatang umupo kasama ko sa aking trono, gaya nang ako ay nakalupig at umupo kasama ng aking Ama sa kaniang trono.
22 He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches."
Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.