Aionian Verses

All his sons and all his daughters rose up to comfort him, but he refused to be comforted. And he said, "Indeed, I will go down to Sheol to my son mourning." And his father wept for him. (Sheol h7585)
Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya. (Sheol h7585)
But he said, "My son will not go down with you, for his brother is dead, and he alone is left. If harm should happen to him on the journey you are taking, then you will bring down my gray hairs with sorrow to Sheol." (Sheol h7585)
Sinabi ni Jacob, “Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol.” (Sheol h7585)
If you take this one also from me, and harm happens to him, you will bring down my gray hairs with sorrow to Sheol. (Sheol h7585)
At kung kukunin rin ninyo itong isa sa akin at muling mapahamak, dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan.' (Sheol h7585)
it will happen, when he sees that the boy is not with us, that he will die. Your servants will bring down the gray hairs of your servant our father with sorrow to Sheol. (Sheol h7585)
kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan. (Sheol h7585)
But if the LORD make a new thing, and the ground open its mouth, and swallow them up, with all that appertain to them, and they go down alive into Sheol; then you shall understand that these men have despised the LORD." (Sheol h7585)
Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh. (Sheol h7585)
So they, and all that appertained to them, went down alive into Sheol: and the earth closed on them, and they perished from among the assembly. (Sheol h7585)
Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan. (Sheol h7585)
For a fire is kindled in my anger, and burns to the lowest Sheol, and devours the earth with its increase, and sets the foundations of the mountains on fire. (Sheol h7585)
Dahil isang apoy ang nag-aalab sa pamamagitan ng aking galit at sumusunog hanggang sa pinakamalalim na lugar ng mga patay; kinakain nito ang mundo at ang ani nito; sinusunog nito ang mga pundasyon ng mga bundok. (Sheol h7585)
The LORD kills, and makes alive. He brings down to Sheol, and brings up. (Sheol h7585)
Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas. (Sheol h7585)
The cords of Sheol were around me. The snares of death caught me. (Sheol h7585)
Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan. (Sheol h7585)
Do therefore according to your wisdom, and do not let his gray head go down to Sheol in peace. (Sheol h7585)
Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan. (Sheol h7585)
Now therefore do not hold him guiltless, for you are a wise man; and you will know what you ought to do to him, and you shall bring his gray head down to Sheol with blood." (Sheol h7585)
Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.” (Sheol h7585)
As the cloud is consumed and vanishes away, so he who goes down to Sheol shall come up no more. (Sheol h7585)
Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol h7585)
They are high as heaven. What can you do? They are deeper than Sheol. What can you know? (Sheol h7585)
Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol h7585)
"Oh that you would hide me in Sheol, that you would keep me secret, until your wrath is past, that you would appoint me a set time, and remember me. (Sheol h7585)
O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako! (Sheol h7585)
If I look for Sheol as my house, if I have spread my couch in the darkness, (Sheol h7585)
Nang tumingin ako sa sheol bilang aking tahanan; mula nang lumaganap ang aking higaan sa kadiliman; (Sheol h7585)
Shall it go down with me to the gates of Sheol, or descend together into the dust?" (Sheol h7585)
Ang pag-asa ba ay bababa sa tarangkahan ng sheol kapag kami ay pumanaog sa alabok? (Sheol h7585)
They spend their days in prosperity. In an instant they go down to Sheol. (Sheol h7585)
Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. (Sheol h7585)
Drought and heat consume the snow waters, so does Sheol those who have sinned. (Sheol h7585)
Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala. (Sheol h7585)
Sheol is naked before him, and Abaddon has no covering. (Sheol h7585)
Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya. (Sheol h7585)
For in death there is no memory of you. In Sheol, who shall give you thanks? (Sheol h7585)
Dahil walang ala-ala tungkol sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol? (Sheol h7585)
The wicked shall be turned back to Sheol, even all the nations that forget God. (Sheol h7585)
Ang mga masasama ay binalik at pinadala sa sheol, ang patutunguhan ng mga bansa na lumimot sa Diyos. (Sheol h7585)
For you will not abandon my soul in Sheol, neither will you allow your Holy One to see decay. (Sheol h7585)
Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. (Sheol h7585)
The cords of Sheol were around me. The snares of death came on me. (Sheol h7585)
Nakapaligid sa akin ang mga lubid ng Sheol; ang patibong ng kamatayan ay binitag ako. (Sheol h7585)
LORD, you have brought up my soul from Sheol. You have kept me alive, that I should not go down to the pit. (Sheol h7585)
Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan. (Sheol h7585)
Let me not be disappointed, LORD, for I have called on you. Let the wicked be disappointed. Let them be silent in Sheol. (Sheol h7585)
Huwag mong hayaan na mapahiya ako, Yahweh; dahil nananawagan ako sa iyo! Nawa ang masama ay mapahiya! Nawa (sila) ay mapatahimik sa Sheol. (Sheol h7585)
They are appointed as a flock for Sheol. Death shall be their shepherd. The upright shall have dominion over them in the morning. Their beauty shall decay in Sheol, far from their mansion. (Sheol h7585)
Itinatalaga (sila) tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan. (Sheol h7585)
But God will redeem my soul from the power of Sheol, for he will receive me. (Selah) (Sheol h7585)
Pero tutubusin ng Diyos ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng sheol; ako ay kaniyang tatanggapin. (Selah) (Sheol h7585)
Let death come suddenly on them. Let them go down alive into Sheol. For wickedness is in their dwelling, in the midst of them. (Sheol h7585)
Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan (sila) namumuhay. (Sheol h7585)
For your loving kindness is great toward me. You have delivered my soul from the lowest Sheol. (Sheol h7585)
Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol. (Sheol h7585)
For my soul is full of troubles. My life draws near to Sheol. (Sheol h7585)
Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol. (Sheol h7585)
What man is he who shall live and not see death, who shall deliver his soul from the power of Sheol? (Selah) (Sheol h7585)
Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? (Selah) (Sheol h7585)
The cords of death surrounded me, the pains of Sheol got a hold of me. I found trouble and sorrow. (Sheol h7585)
Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan. (Sheol h7585)
If I ascend up into heaven, you are there. If I make my bed in Sheol, look, you are there. (Sheol h7585)
Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka. (Sheol h7585)
"As when one plows and breaks up the earth, our bones are scattered at the mouth of Sheol." (Sheol h7585)
Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.” (Sheol h7585)
let's swallow them up alive like Sheol, and whole, like those who go down into the pit. (Sheol h7585)
Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. (Sheol h7585)
Her feet go down to death. Her steps lead straight to Sheol. (Sheol h7585)
Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol. (Sheol h7585)
Her house is the way to Sheol, going down to the chambers of death. (Sheol h7585)
Ang kaniyang bahay ay daan patungo sa sheol; ito ay patungo pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol h7585)
But he doesn't know that the dead are there, that her guests are in the depths of Sheol. (Sheol h7585)
Pero hindi niya alam na nandoon ang mga patay, na ang mga panauhin niya ay nasa kailaliman ng sheol. (Sheol h7585)
Sheol and Abaddon are before the LORD—how much more then the hearts of human beings. (Sheol h7585)
Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan? (Sheol h7585)
The path of life leads upward for the wise, to keep him from going downward to Sheol. (Sheol h7585)
Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim. (Sheol h7585)
Punish him with the rod, and save his soul from Sheol. (Sheol h7585)
dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol. (Sheol h7585)
Sheol and Abaddon are never satisfied; and a man's eyes are never satisfied. (Sheol h7585)
Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman. (Sheol h7585)
Sheol, the barren womb; the earth that is not satisfied with water; and the fire that doesn't say, 'Enough.' (Sheol h7585)
Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.” (Sheol h7585)
Whatever your hand finds to do, do it with your might; for there is no work, nor device, nor knowledge, nor wisdom, in Sheol, where you are going. (Sheol h7585)
Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta. (Sheol h7585)
Set me as a seal on your heart, as a seal on your arm; for love is strong as death. Jealousy is as cruel as Sheol. Its flashes are flashes of fire, a very flame of the LORD. (Sheol h7585)
Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy. (Sheol h7585)
Therefore Sheol has enlarged its desire, and opened its mouth without measure; and their glory, their multitude, their pomp, and he who rejoices among them, descend into it. (Sheol h7585)
Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol. (Sheol h7585)
"Ask a sign of the LORD your God; ask it either in the depth, or in the height above." (Sheol h7585)
“Humingi ka ng tanda ni Yahweh, ang iyong Diyos; hingin mo ito sa kailaliman o sa kataas-taasan.” (Sheol h7585)
Sheol from beneath has moved for you to meet you at your coming. It stirs up the dead for you, even all the rulers of the earth. It has raised up from their thrones all the kings of the nations. (Sheol h7585)
Sabik kang sasalubungin ng Sheol kapag bumaba ka doon. Papabangunin nito ang mga patay para sa iyo, lahat ng hari sa mundo, itataas sila mula sa kanilang mga trono. (Sheol h7585)
Your pomp is brought down to Sheol, with the sound of your stringed instruments. Maggots are spread out under you, and worms cover you. (Sheol h7585)
Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol kasama ng tunog ng iyong instrumentong may kuwerdas. Nakakalat ang mga uod sa iyong ilalim, at nakabalot ang mga bulate sa iyo. (Sheol h7585)
Yet you shall be brought down to Sheol, to the depths of the Pit. (Sheol h7585)
Pero ngayon nadala ka dito pababa sa Sheol, sa ilalim ng hukay. (Sheol h7585)
"Because you have said, 'We have made a covenant with death, and with Sheol are we in agreement. When the overflowing scourge passes through, it won't come to us; for we have made lies our refuge, and we have hidden ourselves under falsehood.'" (Sheol h7585)
Sinabi ninyo, “Nakipagtipan kami sa kamatayan; nakipagkasundo kami sa Sheol. Kaya kapag dumaan ang umaapaw na paghatol, hindi nito kami aabutan, sapagkat ginawa naming kanlungan ang isang kasinungalingan, at sa kabulaanan kami ay nagtago.” (Sheol h7585)
Your covenant with death shall be annulled, and your agreement with Sheol shall not stand. When the overflowing scourge passes through, then you will be trampled down by it. (Sheol h7585)
Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito. (Sheol h7585)
I said, "In the middle of my life I go into the gates of Sheol. I am deprived of the residue of my years." (Sheol h7585)
sinabi ko na sa kalahati ng aking buhay na mapupunta ako sa tarangkahan ng sheol; mananatili ako doon sa nalalabing mga taon ko. (Sheol h7585)
For Sheol can't praise you. And death can't celebrate you. And those who go down into the pit can't hope for your truth. (Sheol h7585)
Dahil hindi nagpapasalamat sa iyo ang sheol; hindi ka pinupuri ng kamatayan; silang nananaog sa hukay ay hindi umaasa sa iyong pagkamapagkakatiwalaan. (Sheol h7585)
You went to the king with oil, and increased your perfumes, and sent your ambassadors far off, and debased yourself even to Sheol. (Sheol h7585)
Kayo ay pumunta sa hari na may langis; pinarami ninyo ang inyong mga pabango. Ipinadala ninyo sa malayo ang inyong mga kinatawan; kayo ay bumaba sa sheol. (Sheol h7585)
"Thus says the LORD: 'In the day when he went down to Sheol I caused a mourning: I covered the deep for him, and I restrained its rivers; and the great waters were stayed; and I caused Lebanon to mourn for him, and all the trees of the field fainted for him. (Sheol h7585)
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya. (Sheol h7585)
I made the nations to shake at the sound of his fall, when I cast him down to Sheol with those who descend into the pit; and all the trees of Eden, the choice and best of Lebanon, all that drink water, were comforted in the lower parts of the earth. (Sheol h7585)
Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig! (Sheol h7585)
They also went down into Sheol with him to those who are slain by the sword; yes, those who were his arm, that lived under his shadow in the midst of the nations. (Sheol h7585)
Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim. (Sheol h7585)
The strong among the mighty shall speak to him out of the midst of Sheol with those who help him: 'They are gone down, they lie still, even the uncircumcised, slain by the sword.' (Sheol h7585)
Ang pinakamalakas na mandirigma sa sheol ay magpapahayag tungkol sa Egipto at sa kaniyang mga kaanib, 'Bumababa na sila rito! Hihiga sila kasama ang mga hindi tuli na namatay sa pamamagitan ng espada!' (Sheol h7585)
And they are not buried with the fallen warriors of ancient times, who went down to Sheol with their weapons of war, and having their swords placed under their heads, but the punishment for their iniquity rested on their bones; for they were the terror of the mighty in the land of the living. (Sheol h7585)
Hindi ba sila hihiga kasama ng mga bumagsak na mandirigma na hindi tuli na bumaba sa sheol dala-dala ang lahat ng kanilang mga sandata sa pakikipagdigma, at ang kanilang mga espada na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga ulo? Ang kanilang mga kalasag ay nakalagay sa ibabaw ng kanilang mga buto. Sapagkat sila ang mga mandirigmang kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! (Sheol h7585)
I will ransom them from the power of Sheol. I will redeem them from death. Death, where is your victory? Sheol, where is your sting? "Compassion will be hidden from my eyes. (Sheol h7585)
Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa Kamatayan? Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito. Nakatago mula sa aking mga mata ang kahabagan.” (Sheol h7585)
Though they dig into Sheol, there my hand will take them; and though they climb up to heaven, there I will bring them down. (Sheol h7585)
Kahit na maghukay sila hanggang sa Sheol, naroon ang aking kamay upang kunin sila. Kahit na umakyat sila patungo sa langit, mula roon hihilain ko sila pababa. (Sheol h7585)
He said, "I called because of my affliction to the LORD. He answered me. Out of the belly of Sheol I cried. You heard my voice. (Sheol h7585)
Sinabi niya, “Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig. (Sheol h7585)
And moreover, wealth is treacherous; a proud man will not endure. He enlarges his desire as Sheol, and he is like death, and can't be satisfied. He gathers all nations to himself, and collects to himself all peoples. (Sheol h7585)
Sapagkat ang alak ay isang mapanlinlang sa mayabang na binata upang hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais gaya ng libingan at gaya ng kamatayan, at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili. (Sheol h7585)
But I tell you, that everyone who is angry with his brother without a cause will be liable to judgment; and whoever will say to his brother, 'Raqa,' will be in danger of the council; and whoever will say, 'You fool,' will be in danger of the fire of hell. (Geenna g1067)
Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno. (Geenna g1067)
And if your right eye causes you to stumble, pluck it out and throw it away from you. For it is more profitable for you that one of your members should perish, than for your whole body to be cast into hell. (Geenna g1067)
At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. (Geenna g1067)
And if your right hand causes you to stumble, cut it off, and throw it away from you. For it is more profitable for you that one of your members should perish, than for your whole body to be cast into hell. (Geenna g1067)
At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno. (Geenna g1067)
And do not be afraid of those who kill the body, but are not able to kill the soul. Rather, fear him who is able to destroy both soul and body in hell. (Geenna g1067)
Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno. (Geenna g1067)
And you, Capernaum, who are exalted to heaven, you will be brought down to hell. For if the mighty works had been done in Sodom which were done in you, it would have remained until this day. (Hadēs g86)
Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon. (Hadēs g86)
And whoever speaks a word against the Son of Man, it will be forgiven him; but whoever speaks against the Holy Spirit, it will not be forgiven him, neither in this age, nor in that which is to come. (aiōn g165)
Sinumang magbigkas ng anumang salita laban sa Anak ng Tao, siya ay mapapatawad. Ngunit sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, siya ay hindi mapapatawad, maging dito sa mundo o sa darating. (aiōn g165)
And what was sown among the thorns, this is he who hears the word, but the cares of the world and the deceitfulness of riches choke the word, and he becomes unfruitful. (aiōn g165)
Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. (aiōn g165)
and the enemy who sowed them is the devil, and the harvest is the end of the age, and the reapers are angels. (aiōn g165)
at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel. (aiōn g165)
As therefore the tares are gathered up and burned with fire; so will it be at the end of the age. (aiōn g165)
Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. (aiōn g165)
So will it be in the end of the world. The angels will come forth, and separate the wicked from among the righteous, (aiōn g165)
Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. (aiōn g165)
I also tell you that you are Peter, and on this Rock I will build my church, and the gates of hell will not prevail against it. (Hadēs g86)
Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito. (Hadēs g86)
If your hand or your foot causes you to stumble, cut it off, and cast it from you. It is better for you to enter into life maimed or crippled, rather than having two hands or two feet to be cast into the everlasting fire. (aiōnios g166)
Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa. (aiōnios g166)
If your eye causes you to stumble, pluck it out, and cast it from you. It is better for you to enter into life with one eye, rather than having two eyes to be cast into the fire of hell. (Geenna g1067)
Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata. (Geenna g1067)
And look, someone came to him and said, "Teacher, what good thing must I do, that I may have everlasting life?" (aiōnios g166)
Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
Everyone who has left houses, or brothers, or sisters, or father, or mother, or wife, or children, or lands, for my name's sake, will receive one hundred times, and will inherit everlasting life. (aiōnios g166)
Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Seeing a fig tree by the road, he came to it, and found nothing on it but leaves. He said to it, "Let there be no fruit from you forever." Immediately the fig tree withered away. (aiōn g165)
Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo. (aiōn g165)
"Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites. For you travel around by sea and land to make one proselyte; and when he becomes one, you make him twice as much of a son of hell as yourselves. (Geenna g1067)
Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang karagatan at lupain upang makahikayat ng isang mananampalataya. At kung maging mananampalataya na siya, dalawang beses ninyo siyang ginawang anak ng impyerno na katulad ninyo mismo. (Geenna g1067)
You serpents, you offspring of vipers, how will you escape the judgment of hell? (Geenna g1067)
Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno? (Geenna g1067)
As he sat on the Mount of Olives, the disciples came to him privately, saying, "Tell us, when will these things be? And what will be the sign of your coming, and of the end of the age?" (aiōn g165)
Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?” (aiōn g165)
Then he will say also to those on the left hand, 'Depart from me, you cursed, into the everlasting fire which is prepared for the devil and his angels; (aiōnios g166)
At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel, (aiōnios g166)
These will go away into everlasting punishment, but the righteous into everlasting life." (aiōnios g166)
Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan.” (aiōnios g166)
teaching them to obey all things that I commanded you. And look, I am with you every day, even to the end of the age." (aiōn g165)
Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.” (aiōn g165)
but whoever may blaspheme against the Holy Spirit never has forgiveness, but is guilty of an everlasting sin"— (aiōn g165, aiōnios g166)
ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan.” (aiōn g165, aiōnios g166)
and the cares of the age, and the deceitfulness of riches, and the lusts of other things entering in choke the word, and it becomes unfruitful. (aiōn g165)
ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. (aiōn g165)
If your hand causes you to stumble, cut it off. It is better for you to enter into life maimed, rather than having your two hands to go into hell, into the unquenchable fire, (Geenna g1067)
Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. (Geenna g1067)
If your foot causes you to stumble, cut it off. It is better for you to enter into life lame, rather than having your two feet to be cast into hell. (Geenna g1067)
Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. (Geenna g1067)
If your eye causes you to stumble, cast it out. It is better for you to enter into the Kingdom of God with one eye, rather than having two eyes to be cast into hell, (Geenna g1067)
Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, (Geenna g1067)
As he was going out into the way, one ran to him, knelt before him, and asked him, "Good Teacher, what must I do that I may inherit everlasting life?" (aiōnios g166)
At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
but he will receive one hundred times more now in this time, houses, brothers, sisters, mothers, children, and land, with persecutions; and in the age to come, everlasting life. (aiōn g165, aiōnios g166)
ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. (aiōn g165, aiōnios g166)
Jesus told it, "May no one ever eat fruit from you again." and his disciples heard it. (aiōn g165)
Kinausap niya ito, “Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad. (aiōn g165)
and he will reign over the house of Jacob forever. There will be no end to his Kingdom." (aiōn g165)
Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.” (aiōn g165)
As he spoke to our fathers, to Abraham and his offspring forever." (aiōn g165)
(na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.” (aiōn g165)
(as he spoke by the mouth of his holy prophets who have been from of old), (aiōn g165)
tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. (aiōn g165)
They pleaded with him that he would not command them to go into the abyss. (Abyssos g12)
Patuloy silang nagsusumamo sa kaniya na huwag silang utusang itapon sa bangin na napakalalim. (Abyssos g12)
And you, Capernaum, will you be exalted to heaven? You will be brought down to hell. (Hadēs g86)
Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades. (Hadēs g86)
And look, a certain Law scholar stood up and tested him, saying, "Teacher, what must I do to inherit everlasting life?" (aiōnios g166)
Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?” (aiōnios g166)
But I will warn you whom you should fear. Fear him, who after he has killed, has power to cast into hell. Yes, I tell you, fear him. (Geenna g1067)
Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. (Geenna g1067)
"His lord commended the dishonest manager for his shrewdness, for the people of this age are more shrewd in dealing with their own generation than the people of light. (aiōn g165)
At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. (aiōn g165)
And I say to you, make friends for yourselves by means of unrighteous mammon, so that when it is gone they may welcome you into the everlasting dwellings. (aiōnios g166)
Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan. (aiōnios g166)
In hell, he lifted up his eyes, being in torment, and saw Abraham far off, and Lazarus at his bosom. (Hadēs g86)
at doon sa hades, sa kaniyang pagdurusa, tumingala siya at nakita si Abraham sa malayo at si Lazarus na nasa tabi niya. (Hadēs g86)
A certain ruler asked him, saying, "Good Teacher, what must I do to inherit everlasting life?" (aiōnios g166)
Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya, sinasabi, “Mabuting guro, ano ang kailangan kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
who will not receive many times more in this time, and in the world to come, everlasting life." (aiōn g165, aiōnios g166)
ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan.” (aiōn g165, aiōnios g166)
Jesus said to them, "The people of this age marry and are given to someone to marry. (aiōn g165)
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn g165)
But those who are regarded as worthy of a place in that age and the resurrection from the dead neither marry nor are given to someone to marry. (aiōn g165)
Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn g165)
so that everyone who believes in him may have life without end. (aiōnios g166)
upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
For this is how God loved the world: he gave his only Son, so that everyone who believes in him will not perish but have life without end. (aiōnios g166)
Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Whoever believes in the Son has everlasting life, but whoever refuses to believe in the Son won't see life, but the wrath of God remains on him." (aiōnios g166)
Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya.” (aiōnios g166)
but whoever drinks of the water that I will give him will never thirst again; but the water that I will give him will become in him a well of water springing up to everlasting life." (aiōn g165, aiōnios g166)
ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.” (aiōn g165, aiōnios g166)
He who reaps receives wages, and gathers fruit to everlasting life; that both he who sows and he who reaps may rejoice together. (aiōnios g166)
Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang. (aiōnios g166)
"Truly, truly, I tell you, he who hears my word, and believes him who sent me, has everlasting life, and does not come into judgment, but has passed out of death into life. (aiōnios g166)
Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay. (aiōnios g166)
You search the Scriptures, because you think that in them you have everlasting life; and these are they which testify about me. (aiōnios g166)
Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin, (aiōnios g166)
Do not work for the food which perishes, but for the food which remains to everlasting life, which the Son of Man will give to you. For God the Father has sealed him." (aiōnios g166)
Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (aiōnios g166)
This is the will of my Father, that everyone who sees the Son, and believes in him, should have everlasting life; and I will raise him up at the last day." (aiōnios g166)
Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw. (aiōnios g166)
Truly, truly, I tell you, he who believes has everlasting life. (aiōnios g166)
Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
I am the living bread which came down out of heaven. If anyone eats of this bread, he will live forever; and the bread which I will give for the life of the world is my flesh." (aiōn g165)
Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo. (aiōn g165)
He who eats my flesh and drinks my blood has everlasting life, and I will raise him up at the last day. (aiōnios g166)
Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. (aiōnios g166)
This is the bread which came down out of heaven—not as the fathers ate, and died. He who eats this bread will live forever." (aiōn g165)
Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. (aiōn g165)
Simon Peter answered him, "Lord, to whom would we go? You have the words of everlasting life. (aiōnios g166)
Sinagot siya ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, (aiōnios g166)
A slave does not live in the house forever. A son remains forever. (aiōn g165)
Ang alipin ay hindi laging nananatili sa tahanan; ang anak ay laging nananatili. (aiōn g165)
Truly, truly, I tell you, if a person keeps my word, he will never see death." (aiōn g165)
Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan. (aiōn g165)
Then the Judeans said to him, "Now we know that you have a demon. Abraham died, and the prophets; and you say, 'If anyone keeps my word, he will never taste of death.' (aiōn g165)
Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.' (aiōn g165)
Since the world began it has never been heard of that anyone opened the eyes of someone born blind. (aiōn g165)
Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag. (aiōn g165)
I give everlasting life to them. They will never perish, and no one will snatch them out of my hand. (aiōn g165, aiōnios g166)
Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay. (aiōn g165, aiōnios g166)
And whoever lives and believes in me will never die. Do you believe this?" (aiōn g165)
at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” (aiōn g165)
He who loves his life loses it, and he who hates his life in this world will keep it to everlasting life. (aiōnios g166)
Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay. (aiōnios g166)
The crowd answered him, "We have heard out of the law that the Messiah remains forever. Then how can you say, 'The Son of Man must be lifted up?' Who is this Son of Man?" (aiōn g165)
At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?” (aiōn g165)
I know that his commandment is everlasting life. The things therefore which I speak, even as the Father has said to me, so I speak." (aiōnios g166)
Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; kaya iyong mga sinasabi ko—na ayon sa sinasabi ng Ama sa akin, ay sinasabi ko sa kanila.” (aiōnios g166)
Peter said to him, "You will never wash my feet." Jesus answered him, "If I do not wash you, you have no part with me." (aiōn g165)
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” (aiōn g165)
I will pray to the Father, and he will give you another Helper, that he may be with you forever, — (aiōn g165)
At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman, (aiōn g165)
even as you gave him authority over all flesh, he will give everlasting life to all whom you have given him. (aiōnios g166)
tulad ng pagbigay mo sa kaniya ng kapangyarihan sa lahat ng laman upang siya ay makapagbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sinumang ibinigay mo sa kaniya. (aiōnios g166)
This is everlasting life, that they may know you, the only true God, and him whom you sent, Jesus (the) Messiah. (aiōnios g166)
Ito ang buhay na walang hanggan: na ikaw ay dapat nilang makilala, ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang isinugo mong si Jesu-Cristo. (aiōnios g166)
because you will not abandon my soul in Sheol, neither will you allow your Holy One to see decay. (Hadēs g86)
Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. (Hadēs g86)
he foreseeing this spoke about the resurrection of the Messiah, that neither was he left in Sheol, nor did his flesh see decay. (Hadēs g86)
Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' (Hadēs g86)
whom heaven must receive until the times of restoration of all things, which God spoke long ago by the mouth of his holy prophets. (aiōn g165)
Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. (aiōn g165)
Paul and Barnabas spoke out boldly, and said, "It was necessary that God's word should be spoken to you first. Since indeed you thrust it from you, and judge yourselves unworthy of everlasting life, look, we turn to the non-Jewish people. (aiōnios g166)
Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. (aiōnios g166)
As the non-Jewish people heard this, they were glad, and glorified the word of the Lord. As many as were appointed to everlasting life believed. (aiōnios g166)
Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
known from long ago.' (aiōn g165)
Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan. (aiōn g165)
For since the creation of the world his invisible attributes, his eternal power and divine nature, have been clearly seen, being understood from what has been made. So they are without excuse. (aïdios g126)
Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan. (aïdios g126)
who exchanged the truth of God for a lie, and worshiped and served the creation rather than the Creator, who is blessed forever. Amen. (aiōn g165)
Sila iyong mga ipinagpalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan, at mga sumamba at naglingkod sa nilikha sa halip na ang Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
to those who by perseverance in good works seek glory and honor and immortality -- everlasting life. (aiōnios g166)
sa mga patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay na naghangad ng papuri, karangalan at ng hindi pagkasira, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
that as sin reigned in death, even so grace might reign through righteousness to everlasting life through Jesus (the) Messiah our Lord. (aiōnios g166)
Nangyari ito upang, gaya ng kamatayan na naghahari sa kamatayan, gayon din naman ang biyaya ay maghari sa pamamagitan ng katuwiran para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon. (aiōnios g166)
But now, being made free from sin, and having become slaves of God, you have your fruit of sanctification, and the result of everlasting life. (aiōnios g166)
Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
For the wages of sin is death, but the free gift of God is everlasting life in Messiah Jesus our Lord. (aiōnios g166)
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon. (aiōnios g166)
of whom are the patriarchs, and from whom is the Messiah, as concerning the flesh, who is over all, God, blessed forever. Amen. (aiōn g165)
Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
or, 'Who will go down into the deep?' (that is, to bring Messiah up from the dead.)" (Abyssos g12)
At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'” (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.) (Abyssos g12)
For God has bound everyone over to disobedience, that he might have mercy on all. (eleēsē g1653)
Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat. (eleēsē g1653)
For from him and by him and in him are all things. To him be the glory for ever. Amen. (aiōn g165)
Sapagkat mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
And do not be conformed to this world, but be transformed by the renewing of your mind, so that you may prove what is the good, well-pleasing, and perfect will of God. (aiōn g165)
Huwag kayong umayon sa mundong ito, ngunit mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang malaman ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos. (aiōn g165)
Now to him who is able to establish you according to my gospel and the proclamation of Jesus (the) Messiah, according to the revelation of the mystery which has been kept secret through long ages, (aiōnios g166)
Ngayon sa kaniya na may kakayahang kayo ay pagtibayin ayon sa aking ebanghelyo at sa pangangaral ni Jesu-Cristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na itinago mula pa noon, (aiōnios g166)
but now is revealed, and by the Scriptures of the prophets, according to the commandment of the eternal God, is made known for obedience of faith to all the nations; (aiōnios g166)
ngunit sa ngayon ay inilahad na at nalaman sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta ayon sa kautusan ng walang hanggang Diyos, para sa pagsunod ng mga Gentil dahil sa kanilang pananampalataya? (aiōnios g166)
to the only wise God, through Jesus (the) Messiah, to whom be the glory forever. Amen. (aiōn g165)
sa iisang Diyos na matalino, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
Where is the wise? Where is the scribe? Where is the debater of this age? Hasn't God made foolish the wisdom of the world? (aiōn g165)
Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa? Nasaan ang debatista ng mundong ito? Hindi ba't pinalitan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito ng kamangmangan? (aiōn g165)
We speak wisdom, however, among those who are mature, but a wisdom not of this age or of the rulers of this age, who are passing away. (aiōn g165)
Ngayon nagsasalita kami ng karunungan sa mga ganap, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga namumuno sa kapanahunang ito, na lumilipas. (aiōn g165)
But we speak God's wisdom in a mystery, the wisdom that has been hidden, which God determined in advance before the ages for our glory, (aiōn g165)
Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian. (aiōn g165)
which none of the rulers of this age has understood. For had they known it, they would not have crucified the Lord of glory. (aiōn g165)
Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. (aiōn g165)
Let no one deceive himself. If anyone thinks that he is wise among you in this age, let him become a fool, that he may become wise. (aiōn g165)
Huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-iisip na siya ay marunong sa panahong ito, hayaan siyang maging “mangmang” upang magtamo siya ng karunungan. (aiōn g165)
Therefore, if food causes my brother to stumble, I will eat no meat forevermore, that I do not cause my brother to stumble. (aiōn g165)
Kaya nga, kung pagkain ang magiging sanhi na matisod ang aking mga kapatid, hindi na ako kailanman kakain ng karne upang hindi ako maging sanhi ng pagbagsak ng aking mga kapatid. (aiōn g165)
Now these things happened to them by way of example, and they were written for our admonition, on whom the ends of the ages have come. (aiōn g165)
Ngayon nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin. Ito ay mga alituntunin na naisulat-para sa atin sa mga huling panahon. (aiōn g165)
"Death, where is your victory? Death, where is your sting?" (Hadēs g86)
“Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?” (Hadēs g86)
in whom the god of this world has blinded the minds of the unbelieving, so they would not see the light of the glorious gospel of Messiah, who is the image of God. (aiōn g165)
Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos. (aiōn g165)
For this momentary light affliction is working for us a far more exceeding and everlasting weight of glory; (aiōnios g166)
Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat. (aiōnios g166)
while we do not look at the things which are seen, but at the things which are not seen. For the things which are seen are temporal, but the things which are not seen are everlasting. (aiōnios g166)
Sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Ang mga bagay na nakikita ay panandalian, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan. (aiōnios g166)
For we know that if the earthly house of our tent is dissolved, we have a building from God, a house not made with hands, everlasting, in the heavens. (aiōnios g166)
Alam natin na kung nasira ang ating lupang tahanan na tinitirahan, mayroon tayong tahanan sa langit na ginawa ng Diyos. Ito ay tirahan na hindi ginawa ng kamay ng tao, kundi walang hanggang tahanan, sa langit. (aiōnios g166)
As it is written, "He has scattered, he has given to the poor; his righteousness endures forever." (aiōn g165)
Ito ay gaya ng nasusulat: “Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman.” (aiōn g165)
The God and Father of the Lord Jesus, he who is blessed forevermore, knows that I do not lie. (aiōn g165)
Ang Diyos at ang Ama ng Panginoong Jesus, siya na pinupuri magpakailanman, alam niya na hindi ako nagsisinungaling! (aiōn g165)
who gave himself for our sins, that he might deliver us out of this present evil age, according to the will of our God and Father— (aiōn g165)
na nagbigay ng kaniyang sarili alang-alang sa ating mga kasalanan upang mailigtas niya tayo sa kasalukuyang makasalanang panahon, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. (aiōn g165)
to whom be the glory forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. (aiōn g165)
For he who sows to his own flesh will from the flesh reap corruption. But he who sows to the Spirit will from the Spirit reap everlasting life. (aiōnios g166)
Sapagkat siya na nagtanim ng butil sa kaniyang likas na kasamaan ay aani din ng kapahamakan, ngunit siya na nagtanim ng butil ng Espiritu, ay aani ng buhay na walang hanggan na galing sa Espiritu. (aiōnios g166)
far above all rule, and authority, and power, and dominion, and every name that is named, not only in this age, but also in that which is to come. (aiōn g165)
Pinaupo niya si Cristo na pinakamataas sa lahat ng kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan, at bawat pangalan na pinangalanan. Pinaupo niya si Cristo hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa panahong darating. (aiōn g165)
in which you once walked according to the course of this world, according to the prince of the power of the air, the spirit who now works in the children of disobedience; (aiōn g165)
Sa ganito rin kayo minsang lumakad ayon sa panahon ng mundong ito. Lumalakad kayo ayon sa kapangyarihan ng namumuno sa hangin. Ito ang kaniyang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway. (aiōn g165)
that in the ages to come he might show the exceeding riches of his grace in kindness toward us in Messiah Jesus; (aiōn g165)
Ginawa niya ito upang sa darating na panahon, maipakita niya sa atin ang kaniyang dakila at masaganang biyaya. Ipinakita niya ito sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan kay Cristo Jesus. (aiōn g165)
and to bring to light for all what is the administration of the mystery which for ages has been hidden in God, who created all things; (aiōn g165)
Kailangan kong paliwanagan ang lahat ng mga tao patungkol sa lihim na plano ng Diyos. Ito ang plano na nilihim ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay noong una pang panahon. (aiōn g165)
according to the purpose of the ages which he purposed in Messiah Jesus our Lord; (aiōn g165)
Mangyayari ito ayon sa walang hanggang plano na tinupad niya kay Cristo Jesus na ating Panginoon. (aiōn g165)
to him be the glory in the church and in Messiah Jesus to all generations forever and ever. Amen. (aiōn g165)
sa kaniya ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi magpakailan man. Amen. (aiōn g165)
For our wrestling is not against flesh and blood, but against the rulers, against the powers, against the world's rulers of this darkness, and against the spiritual forces of wickedness in the heavenly places. (aiōn g165)
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo. Sa halip, ito ay laban sa pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng kaharian ng masamang kadiliman, laban sa mga masasamang espiritu sa kalangitan. (aiōn g165)
Now to our God and Father be the glory forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Ngayon, nawa'y sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
the mystery which has been hidden for ages and generations. But now it has been revealed to his saints. (aiōn g165)
Ito ang lihim na katotohanan na itinago sa panahon at sa mga salinlahi. Ngunit nahayag ito ngayon sa mga naniniwala sa kaniya. (aiōn g165)
who will pay the penalty: everlasting destruction from the face of the Lord and from the glory of his might, (aiōnios g166)
Sila ay daranas ng kaparusahan sa walang hanggang pagkawasak na malayo mula sa presensiya ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios g166)
Now our Lord Jesus (the) Messiah himself, and God our Father, who loved us and gave us everlasting comfort and good hope through grace, (aiōnios g166)
Ngayon, nawa ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo, at ang ating Diyos Ama na nagmamahal sa atin at nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa hinaharap sa pamamagitan ng biyaya, (aiōnios g166)
However, for this cause I obtained mercy, that in me first, Jesus (the) Messiah might display all his patience, for an example of those who were going to believe in him for everlasting life. (aiōnios g166)
Ngunit sa dahilang ito nabigyan ako ng habag, kaya't sa pamamagitan ko, bilang pangunahin, ay ipapakita ni Cristo Jesus ang buong pagtitiyaga. Ginawa niya ito bilang isang halimbawa sa mga magtitiwala sa kaniya para sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Now to the King eternal, immortal, invisible, the only God, be honor and glory forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Ngayon sa hari ng walang hanggang panahon, ang walang kamatayan, hindi nakikita, at nag-iisang Diyos, sa kaniya ang karangalan at luwalhati magpakailanpaman. Amen. (aiōn g165)
Fight the good fight of faith. Lay hold of the everlasting life to which you were called, and you confessed the good confession in the sight of many witnesses. (aiōnios g166)
Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti. (aiōnios g166)
who alone has immortality, dwelling in unapproachable light; whom no human has seen, nor can see: to whom be honor and eternal power. Amen. (aiōnios g166)
Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen. (aiōnios g166)
Charge those who are rich in this present world that they not be haughty, nor have their hope set on the uncertainty of riches, but on God, who richly provides us with everything to enjoy; (aiōn g165)
Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. (aiōn g165)
who saved us and called us with a holy calling, not according to our works, but according to his own purpose and grace, which was given to us in Messiah Jesus before time began, (aiōnios g166)
Ang Diyos ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag. Ginawa niya ito, hindi ayon sa ating mga gawa, ngunit ayon sa kaniyang layunin at biyaya. Ibinigay niya ang mga bagay na ito sa atin kay Cristo Jesus bago pa ang pasimula ng panahon. (aiōnios g166)
Therefore I endure all things for the chosen ones' sake, that they also may obtain the salvation which is in Messiah Jesus with everlasting glory. (aiōnios g166)
Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay para sa mga pinili, upang matamo din nila ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus, na may kaluwalhatian na walang hanggan. (aiōnios g166)
for Demas left me, having loved this present world, and went to Thessalonica; Crescens to Galatia, and Titus to Dalmatia. (aiōn g165)
Sapagkat iniwan ako ni Demas. Iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito at pumunta sa Tesalonica. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia. (aiōn g165)
And the Lord will deliver me from every evil deed, and will bring me safely into his heavenly kingdom. To him be the glory forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Sasagipin ako ng Panginoon sa bawat masasamang gawa at ililigtas ako para sa kaniyang kaharian sa langit. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
in hope of everlasting life, which God, who cannot lie, promised before time began; (aiōnios g166)
Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon. (aiōnios g166)
instructing us to say "No" to ungodliness and worldly desires, and to live soberly, righteously, and godly in this present age; (aiōn g165)
Ito ay nagsasanay sa atin na tumanggi sa walang kabanalan at makamundong pagkahumaling. Ito ang nagsanay sa ating mamuhay ng matino, makatarungan at sa makadiyos na paraan sa kapanahunan ngayon (aiōn g165)
that, being justified by his grace, we might be made heirs according to the hope of everlasting life. (aiōnios g166)
Ginawa Nya ito, upang, ang mga pinawalang sala sa pamamagitan ng kanyang biyaya, tayo'y maaring maging kabahagi sa kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
For perhaps he was therefore separated from you for a while, that you would have him forever, (aiōnios g166)
Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. (aiōnios g166)
in these last days has spoken to us by a Son, whom he appointed heir of all things, through whom also he made the ages. (aiōn g165)
Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo. (aiōn g165)
But of the Son he says, "Your throne, O God, is forever and ever, and the righteous scepter is the scepter of your Kingdom. (aiōn g165)
Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. (aiōn g165)
As he says also in another place, "You are a priest forever, after the order of Melchizedek." (aiōn g165)
Ito ay katulad lang din ng kaniyang sinabi sa ibang lugar, ''Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” (aiōn g165)
Having been made perfect, he became to all of those who obey him the author of everlasting salvation, (aiōnios g166)
Siya ay ginawang ganap at sa pamamaraang ito, siya ang dahilan ng walang hanggang kaligtasan para sa bawat isang sumusunod sa kaniya, (aiōnios g166)
of the teaching of washings, of laying on of hands, of resurrection of the dead, and of everlasting judgment. (aiōnios g166)
ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. (aiōnios g166)
and tasted the good word of God, and the powers of the age to come, (aiōn g165)
at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, (aiōn g165)
where as a forerunner Jesus entered for us, having become a high priest forever after the order of Melchizedek. (aiōn g165)
Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn g165)
for it is testified, "You are a priest forever, according to the order of Melchizedek." (aiōn g165)
Dahil ang kasulatan ay sumasaksi tungkol sa kaniya: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn g165)
for they indeed have been made priests without an oath, but he with an oath by him that says of him, "The Lord swore and will not change his mind, 'You are a priest forever, according to the order of Melchizedek.'" (aiōn g165)
Ngunit ang Diyos ay gumawa ng isang panunumpa nang sinabi niya ang tungkol kay Jesus, ''Ang Panginoon ay nangako at hindi na magbabago ang kaniyang isip: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman.''' (aiōn g165)
But he, because he lives forever, has his priesthood unchangeable. (aiōn g165)
Ngunit dahil nabubuhay si Jesus magpakailanman, ang kaniyang pagkapari ay hindi mapapalitan. (aiōn g165)
For the Law appoints men as high priests who have weakness, but the word of the oath which came after the Law appoints a Son forever who has been perfected. (aiōn g165)
Sapagkat ang kautusan ang humirang ng mga tao na may kahinaan katulad ng mga pinakapunong pari, ngunit ang salita ng panunumpa, na dumating matapos ang kautusan, ay naghirang ng isang Anak, na siyang ginawang ganap magpakailanman. (aiōn g165)
nor yet through the blood of goats and calves, but through his own blood, entered in once for all into the Holy Place, having obtained everlasting redemption. (aiōnios g166)
Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan. (aiōnios g166)
how much more will the blood of Messiah, who through the eternal Spirit offered himself without blemish to God, cleanse our conscience from dead works to serve the living God? (aiōnios g166)
gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay? (aiōnios g166)
For this reason he is the mediator of a new covenant, since a death has occurred for the redemption of the transgressions that were under the first covenant, that those who have been called may receive the promise of the everlasting inheritance. (aiōnios g166)
Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako. (aiōnios g166)
or else he must have suffered often since the foundation of the world. But now once at the end of the ages, he has been revealed to put away sin by the sacrifice of himself. (aiōn g165)
Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili. (aiōn g165)
By faith, we understand that the ages were prepared by the word of God, so that what is seen has not been made out of things which are visible. (aiōn g165)
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita. (aiōn g165)
Jesus (the) Messiah is the same yesterday, today, and forever. (aiōn g165)
Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man. (aiōn g165)
Now may the God of peace, who brought again from the dead the great Shepherd of the sheep with the blood of an everlasting covenant, our Lord Jesus, (aiōnios g166)
Ngayon nawa ang Diyos ng kapayapaan, na siyang nagbalik mula sa kamatayan ang dakilang Pastol ng mga tupa, Ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, (aiōnios g166)
make you complete in every good thing to do his will, working in us that which is well pleasing in his sight, through Jesus (the) Messiah, to whom be the glory forever. Amen. (aiōn g165)
ay magbigay sa inyo ng bawat mabubuting bagay upang gawin ang kaniyang kalooban, kumikilos sa atin na mga nakakalugod sa kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na nararapat tumanggap ng papuri magpakailan man. Amen (aiōn g165)
And the tongue is a fire. The world of iniquity among our members is the tongue, which defiles the whole body, and sets on fire the course of nature, and is set on fire by hell. (Geenna g1067)
Ang dila ay isa ring apoy, isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan, nagpaparumi sa buong katawan at pinagniningas ang daan ng buhay, at ito ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno. (Geenna g1067)
having been born again, not of corruptible seed, but of incorruptible, through the living and abiding word of God. (aiōn g165)
Ipinanganak kayong muli, hindi mula sa naglalahong binhi, ngunit mula sa hindi naglalahong binhi, sa pamamagitan ng buhay at nananatiling salita ng Diyos. (aiōn g165)
but the word of the Lord endures forever." This is the word preached as gospel to you. (aiōn g165)
pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo. (aiōn g165)
If anyone speaks, let it be as it were the very words of God. If anyone serves, let it be as of the strength which God supplies, that in all things God may be glorified through Jesus (the) Messiah, to whom belong the glory and the dominion forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Kung mayroong nangungusap, ituring niyo ito bilang salita ng Diyos, at kung mayroong naglilingkod, magmula ito sa lakas na ibinibigay ng Diyos, upang sa lahat ng bagay, ang Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan ni Jesu- Cristo. Kaluwalhatian at kapangyarihan ay sa kaniya magpakailanman. Amen (aiōn g165)
And the God of all grace, who called you to his eternal glory in Messiah, after you have suffered a little while, will himself restore, confirm, strengthen and establish you. (aiōnios g166)
Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, magpapatibay at magpapalakas sa inyo. (aiōnios g166)
To him be the power forever. Amen. (aiōn g165)
Sa kaniya ang kapangyarihan magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
For thus you will be richly supplied with the entrance into the everlasting Kingdom of our Lord and Savior, Jesus (the) Messiah. (aiōnios g166)
Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (aiōnios g166)
For if God did not spare angels when they sinned, but cast them down to the lower parts of hell, and committed them to chains of darkness, to be reserved for judgment; (Tartaroō g5020)
Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom. (Tartaroō g5020)
But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus (the) Messiah. To him be the glory both now and forever. Amen. (aiōn g165)
Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen! (aiōn g165)
(and the life was revealed, and we have seen, and testify, and declare to you the life, the eternal life, which was with the Father, and was revealed to us); (aiōnios g166)
At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin. (aiōnios g166)
The world is passing away with its lusts, but he who does God's will remains forever. (aiōn g165)
Ang mundo at ang pagnanasa nito ay lumilipas. Pero ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman. (aiōn g165)
This is the promise which he promised us, the everlasting life. (aiōnios g166)
At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Whoever hates his brother is a murderer, and you know that no murderer has everlasting life remaining in him. (aiōnios g166)
Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao. At alam ninyo na ang buhay na walang hanggan ay hindi nanatili sa isang mamamatay tao. (aiōnios g166)
The testimony is this, that God gave to us everlasting life, and this life is in his Son. (aiōnios g166)
At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. (aiōnios g166)
These things I have written to you who believe in the name of the Son of God, that you may know that you have everlasting life. (aiōnios g166)
Ang mga bagay na ito ay sinulat ko sa inyo para malaman ninyo na mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos. (aiōnios g166)
We know that the Son of God has come, and has given us an understanding, that we know him who is true, and we are in him who is true, in his Son Jesus (the) Messiah. He is the true God and eternal life. (aiōnios g166)
Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
for the truth's sake, which remains in us, and it will be with us forever: (aiōn g165)
dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman. (aiōn g165)
Angels who did not keep their first domain, but deserted their own dwelling place, he has kept in everlasting bonds under darkness for the judgment of the great day. (aïdios g126)
At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom. (aïdios g126)
Even as Sodom and Gomorrah, and the cities around them, having, in the same way as these, given themselves over to sexual immorality and gone after strange flesh, are set forth as an example, suffering the punishment of everlasting fire. (aiōnios g166)
Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. (aiōnios g166)
wild waves of the sea, foaming out their own shame; wandering stars, for whom the blackness of darkness has been reserved forever. (aiōn g165)
marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman. (aiōn g165)
Keep yourselves in the love of God, looking for the mercy of our Lord Jesus (the) Messiah to everlasting life. (aiōnios g166)
panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
to the only God our Savior, through Jesus (the) Messiah our Lord, be glory and majesty, dominion and power, both now and forever. Amen. (aiōn g165)
sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
and he made us to be a Kingdom, priests to his God and Father; to him be the glory and the dominion forever and ever. Amen. (aiōn g165)
ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama—sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen. (aiōn g165)
and the Living one. I was dead, but look, I am alive forevermore. I have the keys of Death and of hell. (aiōn g165, Hadēs g86)
at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades. (aiōn g165, Hadēs g86)
And when the living creatures give glory and honor and thanks to him who sits on the throne, to him who lives forever and ever, (aiōn g165)
Kapag ang buhay na mga nilalang ay nagbigay ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa isa na siyang nakaupo sa trono, sa isa na siyang nabubuhay magpakailan pa man, (aiōn g165)
the twenty-four elders fall down before him who sits on the throne, and worship him who lives forever and ever, and throw their crowns before the throne, saying, (aiōn g165)
ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harap ng isang nakaupo sa trono. Yumuko sila sa isang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailan pa man, at inihagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, sinasabing, (aiōn g165)
I heard every created thing which is in heaven, on the earth, under the earth, on the sea, and everything in them, saying, "To him who sits on the throne, and to the Lamb be the blessing, the honor, the glory, and the dominion, forever and ever." (aiōn g165)
Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat — lahat ng bagay sa kanila — sinasabing: “Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man. (aiōn g165)
And I looked, and suddenly there was a pale horse, and he who sat on it, his name was Death. Hell followed with him. Authority over one fourth of the earth, to kill with the sword, with famine, with death, and by the wild animals of the earth was given to him. (Hadēs g86)
Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa. (Hadēs g86)
saying, "Amen. Blessing, glory, wisdom, thanksgiving, honor, power, and might, be to our God forever and ever. Amen." (aiōn g165)
na nagsasabing, “Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!” (aiōn g165)
The fifth angel sounded, and I saw a star from the sky which had fallen to the earth. The key to the pit of the abyss was given to him. (Abyssos g12)
Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay. (Abyssos g12)
He opened the shaft of the bottomless pit, and smoke went up out of the shaft, like the smoke from a great furnace. The sun and the air were darkened because of the smoke from the pit. (Abyssos g12)
Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan. (Abyssos g12)
They have over them as king the angel of the abyss. His name in Hebrew is "Abaddon," and in Greek, he has the name "Apollyon." (Abyssos g12)
Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion. (Abyssos g12)
and swore by him who lives forever and ever, who created heaven and the things that are in it, the earth and the things that are in it, and the sea and the things that are in it, that there will no longer be delay, (aiōn g165)
at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman — siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: “Walang maaaring magtagal doon. (aiōn g165)
When they have finished their testimony, the beast that comes up out of the abyss will make war with them, and overcome them, and kill them. (Abyssos g12)
Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin. (Abyssos g12)
The seventh angel sounded, and great voices in heaven followed, saying, "The kingdom of the world now belongs to our Lord and to his Messiah, and he will reign forever and ever." (aiōn g165)
Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, “Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man.” (aiōn g165)
I saw another angel flying in mid heaven, having an everlasting gospel to proclaim to those who dwell on the earth, and to every nation, tribe, language, and people. (aiōnios g166)
Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo — sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao. (aiōnios g166)
The smoke of their torment goes up forever and ever. They have no rest day and night, those who worship the beast and his image, and whoever receives the mark of his name. (aiōn g165)
Ang usok mula sa kanilang paghihirap ay aangat magpakailan pa man, at wala silang kapahingahan sa umaga o gabi — silang mga sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at lahat ng tumatanggap ng tanda sa kaniyang pangalan. (aiōn g165)
One of the four living creatures gave to the seven angels seven golden bowls full of the wrath of God, who lives forever and ever. (aiōn g165)
Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man. (aiōn g165)
The beast that you saw was, and is not; and is about to come up out of the abyss and is going to destruction. Those who dwell on the earth and whose names have not been written in the Book of Life from the foundation of the world will marvel when they see that the beast was, and is not, but is to come. (Abyssos g12)
Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo — mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating. (Abyssos g12)
A second said, "Hallelujah. Her smoke goes up forever and ever." (aiōn g165)
Nagsalita sila sa ikalawang pagkakataon, “Aleluya! Umaangat ang usok mula sa kaniya magpakailan pa man.” (aiōn g165)
The beast was taken, and with him the false prophet who worked the signs in his sight, with which he deceived those who had received the mark of the beast and those who worshiped his image. These two were thrown alive into the lake of fire that burns with sulfur. (Limnē Pyr g3041 g4442)
Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre. (Limnē Pyr g3041 g4442)
I saw an angel coming down out of heaven, having the key of the abyss and a great chain in his hand. (Abyssos g12)
Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, mayroong susi sa kailaliman ng hukay at mayroong malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos g12)
and cast him into the abyss, and shut it, and sealed it over him, that he should deceive the nations no more, until the thousand years were finished. After this, he must be freed for a short time. (Abyssos g12)
Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon. (Abyssos g12)
The devil who deceived them was thrown into the lake of fire and sulfur, where the beast and the false prophet are also. They will be tormented day and night forever and ever. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
The sea gave up the dead who were in it. Death and hell gave up the dead who were in them. They were judged, each one according to his works. (Hadēs g86)
Ibinigay ng dagat ang mga patay na naroroon. Ibinigay ng kamatayan at ng hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa. (Hadēs g86)
Death and hell were thrown into the lake of fire. This is the second death, the lake of fire. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
Ang kamatayan at ang hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan — Ang lawa ng apoy. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
If anyone was not found written in the Book of Life, he was cast into the lake of fire. (Limnē Pyr g3041 g4442)
Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy. (Limnē Pyr g3041 g4442)
But to the cowards, and unbelieving, and detestable, and murderers, and sexually immoral, and sorcerers, and idolaters, and all liars, their portion will be in the lake that burns with fire and sulfur, which is the second death." (Limnē Pyr g3041 g4442)
Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan. (Limnē Pyr g3041 g4442)
There will no longer be any night, and they have no need for the light of a lamp or the light of the sun, because the Lord God will shine on them. And they will reign forever and ever. (aiōn g165)
Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man. (aiōn g165)

NHJ > Aionian Verses: 264
TGU > Aionian Verses: 264