< Acts 21 >
1 When it happened that we had parted from them and had set sail, we came with a straight course to Cos, and the next day to Rhodes, and from there to Patara.
Nang humiwalay kami mula sa kanila at naglayag, dumeretso kami patungo sa lungsod ng Cos at nang sumunod na araw sa lungsod ng Rodas, at mula roon patungo sa lungsod ng Patara.
2 Having found a ship crossing over to Phoenicia, we went aboard, and set sail.
Nang makakita kami ng barko na papunta sa Fenicia, sumakay kami at naglayag.
3 When we had come in sight of Cyprus, leaving it on the left hand, we sailed to Syria, and landed at Tyre, for there the ship was to unload her cargo.
Nang natatanaw na namin ang lungsod ng Cyprus, nilampasan namin ito sa kaliwa, at naglayag kami patungong Siria, at dumaong sa lungsod ng Tiro, sapagkat doon ibababa ang mga kargamento ng barko.
4 Having found the disciples, we stayed there seven days. These said to Paul through the Spirit, that he should not go up to Jerusalem.
Pagkatapos naming matagpuan ang mga alagad, nanatili kami roon ng pitong araw. Nagsabi kay Pablo Ang mga alagad na ito sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang tumapak ng kaniyang mga paa sa Jerusalem.
5 When it happened that we had accomplished the days, we departed and went on our journey. They all, with wives and children, brought us on our way until we were out of the city. And after kneeling down on the beach and praying,
Nang makapagpalipas kami ng mga araw, umalis kami at nagpatuloy sa paglalakbay. Lahat sila, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay sinamahan kami sa daan hanggang makalabas kami ng lungsod. Pagkatapos lumuhod kami sa tabing dagat, nanalangin at nagpaalam na sa bawat isa.
6 we said farewell to one another. And we went on board the ship, and they returned to their own.
Sumakay kami sa barko, habang pabalik sila sa kanilang tahanan.
7 When we had finished the voyage from Tyre, we arrived at Ptolemais. We greeted the brothers, and stayed with them one day.
Nang matapos namin ang paglalakbay mula sa Tiro, dumating kami sa Tolemaida. Doon ay binati namin ang mga kapatid at nanatili na kasama nila ng isang araw.
8 On the next day, we departed and came to Caesarea. We entered into the house of Philip the evangelist, who was one of the seven, and stayed with him.
Kinabukasan umalis kami at nagtungo sa Cesarea. Pumasok kami sa bahay ni Felipe, na tagapangaral ng ebanghelyo na isa sa pito, at nanatili kaming kasama niya.
9 Now this man had four virgin daughters who prophesied.
Ngayon ang taong ito ay may apat na anak na babaeng birhen na nagpapahayag ng propesiya.
10 As we stayed there some days, a certain prophet named Agabus came down from Judea.
Habang nanatili kami doon ng ilang araw, dumating ang isang propeta mula sa Judea na nagngangalang Agabo.
11 Coming to us, and taking Paul's belt, he bound his own feet and hands, and said, "Thus says the Holy Spirit: 'So will the Jews in Jerusalem bind the man who owns this belt, and will deliver him into the hands of non-Jewish people.'"
Lumapit siya sa amin at kinuha ang sinturon ni Pablo. Sa pamamagitan nito itinali niya ang kaniyang mga paa at kamay at sinabing, “Sinabi ng Banal na Espiritu, 'Sa ganito rin itatali ng mga Judio sa Jerusalem ang taong nag mamay-ari ng sinturong ito, at ipapasakamay siya sa mga mga Gentil.”
12 When we heard these things, both we and the people of that place urged him not to go up to Jerusalem.
Nang marinig namin ang mga bagay na ito, nagmakaawa kami at ang mga tao na nakatira sa lugar na iyon kay Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem.
13 Then Paul answered, "What are you doing, weeping and breaking my heart? For I am ready not only to be bound, but also to die at Jerusalem for the name of the Lord Jesus."
Kaya sumagot si Pablo, “Ano ang ginagawa ninyo, umiiyak at dinudurog ang aking puso? Sapagkat handa na ako, hindi lang upang magapos, ngunit para mamatay din sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
14 When he would not be persuaded, we ceased, saying, "The Lord's will be done."
Dahil ayaw ni Pablo na hikayatin siya, tumigil na kami sa pagsubok at sinabing “Nawa mangyari ang kalooban ng Panginoon.”
15 After these days we took up our baggage and went up to Jerusalem.
Pagkatapos nang mga araw na ito, kinuha namin ang aming mga daladalahan at umakyat patungong Jerusalem.
16 Some of the disciples from Caesarea also went with us, bringing one Mnason of Cyprus, an early disciple, with whom we would stay.
Mayroon ding mga sumama sa amin na mga alagad sa lugar na iyon galing Cesarea. Kasama nila ang isang lalaki na nagngangalang Mnason, isang taong taga-Cyprus, na isa sa unang alagad kung saan kami manunuluyan.
17 When we had come to Jerusalem, the brothers received us gladly.
Nang dumating kami sa Jerusalem, tinanggap kami ng mga kapatid nang may kagalakan.
18 The day following, Paul went in with us to James; and all the elders were present.
Kinabukasan sumama sa amin si Pablo papunta kay Santiago at naroon ang lahat ng mga nakatatanda.
19 When he had greeted them, he reported one by one the things which God had worked among the non-Jewish people through his ministry.
Nang batiin niya sila, isa-isang ibinalita ni Pablo ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministeryo.
20 They, when they heard it, glorified God. They said to him, "You see, brother, how many thousands there are among the Jews of those who have believed, and they are all zealous for the Law.
Nang marinig nila ito, nagpuri sila sa Diyos at sinabi nila sa kaniya, “Nakita mo, kapatid, kung ilang libo ang nanampalataya sa mga Judio. Nagsisikap silang lahat na sundin ang kautusan.
21 They have been informed about you, that you teach all the Jews who are among the non-Jews to forsake Moses, telling them not to circumcise their children neither to walk after the customs.
nakapagbalita sa kanila ng tungkol sa iyo, na iyong itinuturo sa lahat ng mga Judio na naninirahan kasama ng mga Gentil upang iwanan si Moises, at sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak at huwag sumunod sa sinaunang kaugalian.
22 What then? The multitude must certainly meet. They will hear that you have come.
Ano ang ating dapat gawin? Tiyak na maririnig nila na ikaw ay dumating.
23 Therefore do what we tell you. We have four men who have taken a vow.
Kaya gawin mo kung ano ang aming sasabihin saiyo ngayon: may apat kaming kalalakihan na gumawa ng panata.
24 Take them, and purify yourself with them, and pay their expenses for them, that they may shave their heads. Then all will know that there is no truth in the things that they have been informed about you, but that you yourself also walk keeping the Law.
Isama mo ang mga lalaking ito at linisin mo ang iyong sarili kasama nila, at bayaran ang mga gastusin nila, upang ahitin nila ang kanilang mga ulo. Upang malaman ng bawat isa na ang mga bagay na sinabi nila tungkol sa iyo ay mali. Malalaman nila na sumusunod ka rin sa kautusan.
25 But concerning the non-Jewish who believe, we have written our decision that they should keep themselves from food offered to idols, from blood, from strangled things, and from sexual immorality."
Ngunit tungol sa mga Gentil na nanampalataya, sumulat kami at nagbigay ng tagubilin na ingatan nila ang kanilang mga sarili mula sa mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at sa dugo, at mula sa mga nagbigti at mula sa kahalayan.”
26 Then Paul took the men, and the next day, purified himself and went with them into the temple, declaring the fulfillment of the days of purification, until the offering was offered for every one of them.
Pagkatapos isinama ni Pablo ang mga kalalakihan, at kinabukasan, nang makapaglinis na siyang kasama nila, tumungo sila sa templo, inihayag niya ang takdang panahon ng paglilinis, hanggang maialay ang handog para sa bawat isa sa kanila.
27 When the seven days were almost completed, the Jews from Asia, when they saw him in the temple, stirred up all the crowd and laid hands on him,
Nang malapit nang matapos ang pitong araw, nakita ng ilan sa mga Judio na galing ng Asia si Pablo sa loob ng templo at sinulsulan ang lahat ng napakaraming tao at siya ay dinakip.
28 crying out, "Men of Israel, help. This is the man who teaches all men everywhere against the people, and the Law, and this place. Moreover, he also brought Greeks into the temple, and has defiled this holy place."
Sumisigaw sila ng, “Mga lalaki sa Israel, tulungan ninyo kami. Ito ang taong nagtuturo sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako ng mga bagay na laban sa mga tao, sa kautusan, at sa lugar na ito. Bukod dito, nagdala din siya ng mga Griego sa loob ng templo at dinungisan ang banal na lugar na ito.”
29 For they had previously seen Trophimus, the Ephesian, with him in the city, and they supposed that Paul had brought him into the temple.
Sapagkat kamakailan lamang ay nakita nila si Trofimo na taga-Efeso na kasama nila sa lungsod, at iniisip nilang si Pablo ang nagdala sa kaniya sa templo.
30 All the city was moved, and the people ran together. They seized Paul and dragged him out of the temple. Immediately the doors were shut.
Nagkagulo ang buong lungsod at sama samang tumakbo ang mga tao at dinakip si Pablo. Kinaladkad nila siya palabas ng templo, at agad na isinara ang mga pintuan.
31 As they were trying to kill him, news came up to the commanding officer of the regiment that all Jerusalem was in an uproar.
Habang binabalak nila na siya ay patayin, nakarating ang balita sa pinunong kapitan ng mga bantay na ang lahat ng nasa Jerusalem ay nagkagulo.
32 Immediately he took soldiers and centurions, and ran down to them. They, when they saw the chief captain and the soldiers, stopped beating Paul.
Agad-agad nagsama siya ng mga kawal at mga senturion, at tumakbo pababa papunta sa maraming tao. Nang makita ng mga tao ang pinunong kapitan at ang mga kawal, huminto sila sa pagbugbog kay Pablo.
33 Then the commanding officer came near, arrested him, commanded him to be bound with two chains, and inquired who he was and what he had done.
Pagkatapos lumapit ang pinunong kapitan at dinakip si Pablo, at nag-utos na igapos siya gamit ang dalawang kadena. Tinanong niya kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
34 Some shouted one thing, and some another, among the crowd. When he could not find out the truth because of the noise, he commanded him to be brought into the barracks.
Ang ilan sa mga tao ay sumisigaw ng isang bagay at iba naman ang sinisigaw ng iba. Dahil hindi makapagsabi ang kapitan ng anumang bagay dahil sa ingay ng lahat, nag-utos siya na dalhin si Pablo sa loob ng kampo.
35 When he came to the stairs, it happened that he was carried by the soldiers because of the violence of the crowd;
Nang dumating siya sa hagdanan, binuhat siya ng mga kawal dahil sa karahasan ng mga tao.
36 for the crowd of the people followed after, crying out, "Away with him."
Sapagkat ang karamihan ng mga tao ay sumusunod at patuloy na sumisigaw ng, “Alisin siya!”
37 As Paul was about to be brought into the barracks, he asked the commanding officer, "May I speak something to you?" He said, "Do you know Greek?
Nang dadalhin na si Pablo sa loob ng kampo, sinabi niya sa pinunong kapitan, “Maaari ba akong magsabi ng isang bagay saiyo?” Sinabi ng kapitan, “Nagsasalita ka ba ng Griego?
38 Are you not then the Egyptian, who before these days stirred up to sedition and led out into the wilderness the four thousand men of the Assassins?"
Hindi ba ikaw iyong taga-Egipto, na dating nangunguna sa paghihimagsik at nagsama ng apat na libong terorista patungo sa ilang?”
39 But Paul said, "I am a Jew, from Tarsus in Cilicia, a citizen of no insignificant city. I beg you, allow me to speak to the people."
Sinabi ni Pablo, “Ako ay isang Judio, na mula sa lungsod ng Tarso sa Cilicia. Ako ay mamamayan ng isang mahalagang lungsod. Nakikiusap ako saiyo, hayaan mo akong magsalita sa mga tao.”
40 When he had given him permission, Paul, standing on the stairs, beckoned with his hand to the people. When there was a great silence, he spoke to them in the Hebrew language, saying,
Nang bigyan siya nang pahintulot ng kapitan, Tumayo si Pablo sa hagdanan at sinenyas ang kaniyang kamay sa mga tao. Nang magkaroon ng labis na katahimikan, nagsalita siya sa kanila sa wikang Hebreo. Sinabi niya,