< 1 Thessalonians 2 >

1 For you yourselves know, brothers, our visit to you was not in vain,
Kayo mismo ang nakakaalam mga kapatid, na ang aming pagpunta sa inyo ay hindi nawalan ng kabuluhan.
2 but having suffered before and been shamefully treated, as you know, at Philippi, we grew bold in our God to tell you the gospel of God in much conflict.
Alam naman ninyo na kami ay naghirap noon at inalipusta ng kahiya-hiya sa Filipos, gaya ng inyong alam. Malakas ang loob namin sa ating Diyos na ipahayag sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos na may labis na pagsisikap.
3 For our exhortation is not of error, nor of uncleanness, nor in deception.
Sapagkat ang aming panghihikayat ay hindi galing sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa panlilinlang.
4 But even as we have been approved by God to be entrusted with the gospel, so we speak; not as pleasing people, but God, who tests our hearts.
Sa halip, kami ay pinagtibay ng Diyos na napagkatiwalaan ng ebanghelyo, kaya ito ay aming sinasabi. Kami ay nagsasalita, hindi upang magbigay lugod sa mga tao, kundi upang magbigay lugod sa Diyos. Siya ang nakakasiyasat sa aming mga puso.
5 For neither were we at any time found using words of flattery, as you know, nor with a pretext for greed (God is witness),
Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi.
6 nor seeking glory from people (neither from you nor from others), when we might have claimed authority as apostles of Messiah.
Ni hindi namin hinahanap ang kaluwalhatian mula sa mga tao, ni sa inyo at sa iba. Nararapat sana naming tanggapin ang aming mga karapatan bilang mga apostol ni Cristo.
7 But we were gentle among you, like a nursing mother cherishes her own children.
Sa halip, kami ay naging mahinahon sa inyo na gaya ng ina na inaaliw ang kaniyang mga anak.
8 Even so, affectionately longing for you, we were well pleased to impart to you, not the gospel of God only, but also our own souls, because you had become very dear to us.
Sa ganitong paraan kami ay nagmamalasakit sa inyo. Kami ay nalulugod na ibahagi sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay. Sapagkat kayo ay labis na napamahal na sa amin.
9 For you remember, brothers, our labor and travail; for working night and day, that we might not burden any of you, we preached to you the gospel of God.
Sapagkat inyong naaalala, mga kapatid, ang aming trabaho at pagpapakahirap. Sa araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo. Sa panahong iyon, ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos.
10 You are witnesses with God, how holy, righteously, and blamelessly we behaved ourselves toward you who believe.
Kayo ay mga saksi, at ang Diyos rin, kung gaano kabanal, makatuwiran, at walang dungis na kami ay nagpakahinahon sa inyo na sumasampalataya.
11 As you know, as a father with his own children,
Sa gayon ding paraan, alam ninyo kung papaano ang bawat isa sa inyo, katulad ng ama sa kaniyang mga anak, kayo ay aming hinimok at hinikayat. Pinatotohanan namin
12 we exhorted, comforted, and implored every one of you to lead a life worthy of God, who calls you into his own Kingdom and glory.
na dapat kayong lumakad sa paraan na karapat-dapat sa Diyos na siyang tumawag sa inyo tungo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13 For this cause we also thank God without ceasing, that, when you received from us the word of the message of God, you accepted it not as a human word, but, as it is in truth, the word of God, which also works in you who believe.
Sa dahilang ito kami rin ay walang tigil na nagpapasalamat sa Diyos. Sapagkat nang inyong natanggap mula sa amin ang mensahe ng Diyos na inyong napakinggan, ito ay inyong tinanggap hindi bilang salita ng tao. Sa halip, tinanggap ninyo itong totoo, ang salita ng Diyos. Ito rin ang salita na gumagawa sa inyo na sumasampalataya.
14 For you, brothers, became imitators of the churches of God which are in Judea in Messiah Jesus; for you also suffered the same things from your own countrymen, even as they did from the Judeans;
Sapagkat kayo, mga kapatid, ay naging katulad din ng mga iglesiya ng Diyos na nasa Judea kay Cristo Jesus. Sapagkat kayo ay nagdusa din ng gayong mga bagay sa inyong mga kababayan, katulad ng ginawa sa kanila ng mga Judio.
15 who killed both the Lord Jesus and the prophets, and drove us out, and did not please God, and are hostile to all people;
Ang mga Judio rin ang pumatay sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa mga propeta. Ang mga Judio rin ang nagpalayas sa atin. Sila ay hindi naging kalugod-lugod sa Diyos. Sa halip, naging kaaway ng lahat ng tao.
16 forbidding us to speak to those who are not Jewish that they may be saved; to fill up their sins always. But wrath has come on them to the uttermost.
Pinagbabawalan nila kaming makipag-usap sa mga Gentil upang sila ay maligtas. Ang naging resulta ay lagi nilang pinupunuan ang kanilang mga kasalanan. Ang poot ay darating sa kanila sa katapusan.
17 But we, brothers, being bereaved of you for a short season, in presence, not in heart, tried even harder to see your face with great desire,
Kami, mga kapatid, ay nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa presensya, hindi sa puso. Ginawa namin ang aming makakaya na may malaking pagnanais upang makita ang mukha ninyo.
18 because we wanted to come to you—indeed, I, Paul, once and again—but Satan hindered us.
Sapagkat ninais naming makapunta sa inyo, ako, si Pablo, na minsan at muli, ngunit hinadlangan kami ni Satanas.
19 For what is our hope, or joy, or crown of rejoicing? Is it not even you, before our Lord Jesus at his coming?
Sapagkat ano ba ang aming inaasahan sa hinaharap, o kagalakan, o korona ng pagmamalaki sa harapan ng ating Panginoong Jesus sa kaniyang pagdating? Hindi ba't kayo at ang iba?
20 For you are our glory and our joy.
Sapagkat kayo ang aming kaluwalhatian at kagalakan.

< 1 Thessalonians 2 >