< 1 Samuel 10 >

1 Then Samuel took the vial of oil and poured it on his head, and kissed him, and said, "Has not the LORD anointed you to be ruler over his people Israel? And you shall rule over the people of the LORD, and you shall save them out of the hand of their enemies all around. And this shall be the sign to you that the LORD has anointed you to be ruler over his inheritance.
Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bote ng langis at ibinuhos ito sa ulo ni Saul, at hinalikan siya. Sinabi niya, “Hindi ba pinahiran ka ng langis ni Yahweh para maging tagapamahala ng kanyang pamana?
2 When you have departed from me today, then you shall find two men by Rachel's tomb, in the territory of Benjamin at Zelzah; and they will tell you, 'The donkeys which you went to seek have been found; and look, your father has stopped caring about the donkeys, and is anxious for you, saying, "What shall I do about my son?"'
Kapag iniwan mo ako ngayon, may matatagpuan kang dalawang lalaki sa puntod ni Raquel, sa nasasakupan ng Benjamin at Zelza. Sasabihin nila sa iyo, 'Natagpuan na ang hinahanap mong mga asno. Ngayon, tumigil ang iyong ama sa pag-aalala tungkol sa mga asno, at nababalisa na tungkol sa iyo, sinasabing, “Ano ang dapat kong gawin sa anak ko?'”
3 Then you will go on further from there and you will come to the oak of Tabor, and three men going up to God at Bethel will meet you. One will be carrying three young goats, and another carrying three containers of bread, and another carrying a container of wine.
Pagkatapos magpapatuloy ka mula roon, at makakarating ka sa owk ng Tabor. Sasalubungin ka roon ng tatlong lalaking papunta sa Diyos sa Bethel, ang isa ay may dalang tatlong batang kambing, ang isa ay may dalang tatlong pirasong tinapay at ang isa ay may dalang isang balat na sisidlan ng alak.
4 And they will greet you and give you two wave offerings of bread, which you shall accept from their hand.
Babatiin ka nila at bibigyan ng dalawang pirasong tinapay, na kukunin mo mula sa kanilang mga kamay.
5 After that you shall come to Gibeath Elohim, where the Philistine garrison is. And it shall happen, when you have come there to the city, that you shall meet a band of prophets coming down from the high place with harps, and tambourines, and flutes, and lyres before them, and they will be prophesying.
Matapos iyon, paroroon ka sa burol ng Diyos, kung saan naroon ang kuta ng mga Filisteo. Kapag nakarating ka sa lungsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng propetang pababa mula sa mataas na lugar na may alpa, panderetas, plauta, at lira sa harapan nila; magsisipanghula sila.
6 And the Spirit of the LORD will come mightily on you, and you shall prophesy with them, and shall be transformed into a different person.
Agad na darating sa iyo ang Espiritu ni Yahweh at huhula ka kasama nila, at mababago ka sa isang kakaibang lalaki.
7 And let it be, when these signs have come to you, that you do as the occasion demands, for God is with you.
Ngayon, kapag dumating sa iyo ang mga palatandaang ito, gawin mo anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, sapagkat kasama mo ang Diyos.
8 You shall go down before me to Gilgal; and look, I will come down to you, to offer burnt offerings, and to sacrifice sacrifices of peace offerings: you shall wait seven days, until I come to you, and show you what you shall do."
Mauna ka sa aking bumaba sa Gilgal. Pagkatapos bababa ako sa iyo para maghandog ng mga sinunog na handog at mag-alay ng mga handog pangkapayapaan. Maghintay ng pitong araw hanggang sa dumating ako at ipakita sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
9 When he had turned his back to leave Samuel, God changed his heart, and all these signs came to pass that day.
Nang tumalikod si Saul para iwan si Samuel, binigyan siya ng Diyos ng panibagong puso. Pagkatapos lahat ng mga palatandaang ito ay nangyari sa araw na iyon.
10 And he went from there to Gibeah, and look, a band of prophets met him; and the Spirit of God came mightily on him, and he prophesied among them.
Nang dumating sila sa burol, sinalubong siya ng isang pangkat ng mga propeta, at agad na dumating sa kanya ang Espiritu ng Diyos kaya nanghula siya kasama nila.
11 It happened, when all who knew him before saw that, look, he prophesied with the prophets, then the people said one to another, "What is this that has come to the son of Kish? Is Saul also among the prophets?"
Nang makita siya ng lahat ng taong dating nakakakilala sa kanya na nanghuhula kasama ng mga propeta, sinabi ng mga tao sa isa't isa, “Anong nangyari sa anak ni Kish? Isa na ba ngayon si Saul sa mga propeta?”
12 One of the same place answered, "Who is their father?" Therefore it became a proverb, "Is Saul also among the prophets?"
Isang lalaki mula sa parehong lugar ang sumagot, “At sino ang kanilang ama?” Dahil dito, naging kasabihan, “Isa rin ba si Saul sa mga propeta?”
13 And when he had finished prophesying, and went home,
Nang matapos niyang manghula, pumaroon siya sa mataas na lugar.
14 then his uncle said to him and to his servant, "Where did you go?" And he said, "To seek the donkeys. When we saw that they were not found, we went to Samuel."
Pagkatapos sinabi ng tiyo ni Saul sa kanya at kanyang lingkod, “Saan kayo nagpunta?” At sumagot siya, “Para hanapin ang mga asno; nang hindi namin matagpuan ang mga iyon, pumunta kami kay Samuel.”
15 Saul's uncle said, "Please tell me what Samuel said to you."
Sinabi ng tiyo ni Saul, “Pakiusap, sabihin sa akin kung anong sinabi sa iyo ni Samuel.”
16 Saul said to his uncle, "He told us plainly that the donkeys were found." But concerning the matter of the kingdom he did not tell him.
Sumagot si Saul sa kanyang tiyo, “Sinabi niya sa amin nang tapatan na natagpuan na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa kanya ang bagay patungkol sa kaharian na sinabi ni Samuel.
17 Samuel called the people together to the LORD to Mizpah;
Ngayon sama-samang tinawag ni Samuel ang mga tao sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
18 and he said to the children of Israel, "Thus says the LORD, the God of Israel, 'I brought up Israel out of Egypt, and I delivered you out of the hand of the Egyptians, and out of the hand of all the kingdoms that oppressed you:'
Sinabi niya sa mga tao ng Israel, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel: 'Dinala ko ang Israel palabas ng Ehipto, at iniligtas kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto, at mula sa kamay ng lahat ng kahariang umapi sa inyo.'
19 but you have this day rejected your God, who himself saves you out of all your calamities and your distresses; and you have said, 'No. Set a king over us.' Now therefore present yourselves before the LORD by your tribes, and by your thousands."
Subalit ngayon tinanggihan ninyo ang inyong Diyos na nagliligtas sa inyo mula sa lahat ninyong kalamidad at dalamhati; at sinabi ninyo sa kanya, 'Maglagay ng hari sa amin.' Ngayon idulog ang inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh ayon sa inyong mga lipi at angkan.”
20 So Samuel brought all the tribes of Israel near, and the tribe of Benjamin was taken.
Kaya dinala ni Samuel palapit ang lahat ng lipi ng Israel, at napili ang lipi ni Benjamin.
21 He brought the tribe of Benjamin near by their families, and the family of the Matrites was taken. And he brought the family of the Matrites near man by man, and Saul the son of Kish was taken. But when they looked for him, he could not be found.
Pagkatapos dinala niya palapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at napili ang angkan ng mga Matrites; at napili si Saul na anak ni Kish. Subalit nang siya ay hinahanap nila, hindi siya matagpuan.
22 Therefore they asked of the LORD further, "Is there a man yet to come here?" The LORD answered, "Look, he has hidden himself among the baggage."
Pagkatapos gustong magtanong ng mga tao sa Diyos ng karagdagang tanong, “May ibang lalaki pa bang darating?” Sumagot si Yahweh, “Itinago ni Saul ang kanyang sarili sa mga kargada.”
23 They ran and fetched him there; and when he stood among the people, he was higher than any of the people from his shoulders and upward.
Pagkatapos tumakbo sila at kinuha si Saul mula roon. Nang tumayo siya kasama ng mga tao, mas matangkad siya kaysa sinumang tao mula sa kanyang balikat pataas.
24 Samuel said to all the people, "You see him whom the LORD has chosen, that there is none like him among all the people?" All the people shouted, and said, "Let the king live."
Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Nakikita ba ninyo ang lalaking pinili ni Yahweh?” Walang isa mang katulad niya sa lahat ng tao!” Sumigaw ang lahat ng tao, “Mabuhay ang hari!”
25 Then Samuel told the people the regulations of the kingdom, and wrote it on a scroll, and laid it up before the LORD. Samuel sent all the people away, every man went to his place
Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao ang mga kaugalian at panuntunan ng paghahari, isinulat ang mga iyon sa isang aklat at inilagay ito sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos pinaalis ni Samuel ang mga tao, bawat lalaki sa kanyang bahay.
26 Saul also went to his house to Gibeah; and there went with him the valient men, whose hearts the LORD had touched.
Umuwi rin si Saul sa tahanan niya sa Gibea, at sumama sa kanya ang ilang malalakas na tauhan na hinipo ng Diyos ang mga puso.
27 But certain worthless fellows said, "How shall this man save us?" So they despised him, and brought him no present. Now Nahash, king of the Ammonites, was severely oppressing the Gadites and the Reubenites. He put out the right eye of all of them, and he would not allow anyone to rescue Israel. Not one was left of the children of Israel beyond the Jordan whose right eye Nahash, king of the Ammonites, did not put out, except for seven thousand men who had escaped from the Ammonites and went to Jabesh Gilead.
Subalit ilang walang kabuluhang lalaki ang nagsabi, “Paano tayo maililigtas ng lalaking ito?” Inalipusta ng mga taong ito si Saul at hindi siya dinalhan ng anumang regalo. Subalit nanahimik lang si Saul.

< 1 Samuel 10 >