< Acts 15 >
1 Some men came down from Judea and taught the brothers, "Unless you are circumcised after the custom of Moses, you cannot be saved."
May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi “Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas.”
2 Therefore when Paul and Barnabas had no small discord and discussion with them, they appointed Paul and Barnabas, and some others of them, to go up to Jerusalem to the apostles and elders about this question.
Nang nakipagharap at nakipagtalo sa kanila sina Pablo at Bernabe, nagpasiya ang mga kapatid na sina Pablo, Bernabe, at ang ilan sa kanila ay kailangang pumunta sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga nakatatanda patungkol sa mga pinagtatalunan nila.
3 They, being sent on their way by the church, passed through both Phoenicia and Samaria, describing in detail the conversion of the non-Jewish people. They caused great joy to all the brothers.
Kaya sila, na pinadala ng iglesiya ay dumaan ng Fenicia at Samaria at ipinahayag ang pagbabalik-loob ng mga Gentil. Nagdulot sila ng lubos na kagalakan sa lahat ng kapatid.
4 When they had come to Jerusalem, they were received by the church and the apostles and the elders, and they reported all things that God had done with them.
Nang dumating sila sa Jerusalem, sinalubong sila ng iglesia, ng mga apostol at ng nakatatanda, at ipinahayag ang lahat ng mabuting ginawa ng Diyos sa kanila.
5 But some of the sect of the Pharisees who believed rose up, saying, "It is necessary to circumcise them, and to command them to keep the Law of Moses."
Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, “Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises.”
6 The apostles and the elders were gathered together to see about this matter.
Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.
7 When there had been much discussion, Peter rose up and said to them, "Brothers, you know that a good while ago God made a choice among you, that by my mouth the nations should hear the word of the Good News, and believe.
Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at sinabi sa kanila “Mga kapatid, alam ninyo na hindi pa nagtatagal ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig kailangang marinig ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo, at manampalataya.
8 God, who knows the heart, testified about them by giving the Holy Spirit, just like he did to us.
Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin;
9 He made no distinction between us and them, cleansing their hearts by faith.
at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
10 Now therefore why do you tempt God, that you should put a yoke on the neck of the disciples which neither our fathers nor we were able to bear?
Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala?
11 But we believe that we are saved through the grace of the Lord Jesus, just as they are."
Ngunit naniniwala tayo na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, katulad nila.”
12 And all the people kept quiet, and they listened to Barnabas and Paul reporting what signs and wonders God had done among the nations through them.
Nanatiling tahimik ang mga tao habang nakikinig kay Bernabe at Pablo na ibinabalita ang mga tanda at himala na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
13 After they were silent, James answered, "Brothers, listen to me.
Pagkatapos nilang tumigil sa pagsasalita, sumagot si Santiago, na sinasabi “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.
14 Simeon has reported how God first visited the nations, to take out of them a people for his name.
Sinabi ni Simon kung paano unang tinulungan ng may mapagmahal ng Diyos ang mga Gentil upang kumuha mula sa kanila ng mga tao para sa kaniyang pangalan.”
15 This agrees with the words of the prophets. As it is written,
Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, katulad ng nasusulat,
16 'After these things I will return; and I will rebuild the tabernacle of David that has fallen, and I will rebuild its ruins, and I will restore it,
'Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako ay babalik, at itatayo ko muli ang tolda ni David na bumagsak; aayusin ko at itatayong muli ang mga guho nito,
17 that the rest of humanity may seek after the Lord, and all the nations who are called by my name, says the Lord, who makes these things
upang ang mga natitirang mga kalalakihan ay hanapin ang Panginoon, kasama ang lahat na mga Gentil na tinawag sa aking pangalan.'
18 known from long ago.' (aiōn )
Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan. (aiōn )
19 "Therefore my judgment is that we do not trouble those from among the non-Jewish people who turn to God,
Kaya, ang opinyon ko ay dapat huwag nating gambalain ang mga Gentil na nagbalik sa Diyos;
20 but that we write to them that they abstain from things defiled by idols, from sexual immorality, from what is strangled, and from blood.
sa halip, sulatan natin sila na dapat silang lumayo sa karumihan ng mga diyus-diyosan, mula sa sekswal na imoralidad, at mula sa mga binigti at sa dugo.
21 For Moses from generations of old has in every city those who proclaim him, being read in the synagogues every Sabbath."
Mula sa mga nagdaang salinhali may mga tao na nagpapahayag at nagbabasa ng katuruan ni Moises sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga”.
22 Then it seemed good to the apostles and the elders, with the whole church, to choose men out of their company, and send them to Antioch with Paul and Barnabas: Judas called Barsabbas, and Silas, chief men among the brothers.
Kaya't minabuti ng mga apostol at mga nakatatanda, kasama ang buong iglesia na piliin si Judas na tinatawag na Barsabas, at Silas, na mga pinuno ng iglesia upang ipadala sila sa Antioquia kasama ni Pablo at Bernabe.
23 They wrote these things by their hand: "The apostles, the elders, and the brothers, to the non-Jewish brothers who are in Antioch, Syria, and Cilicia: greetings.
Isinulat nila ito, “Ang mga apostol, mga nakatatanda at mga kapatid, sa mga kapatid na Gentil sa Antioquia, Siria at Cilicia, binabati ko kayo.
24 Because we have heard that some who went out from us have troubled you with words, unsettling your souls, to whom we gave no commandment;
Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa.
25 it seemed good to us, having come to one accord, to choose out men and send them to you with our beloved Barnabas and Paul,
Kaya minabuti naming lahat na magkaisa na pumili ng mga lalaki na papapuntahin namin sa inyo kasama sa aming mga minamahal na sina Pablo at Bernabe,
26 who have risked their lives for the name of our Lord Jesus Christ.
mga taong nagtaya ng kanilang mga buhay para sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
27 We have sent therefore Judas and Silas, who themselves will also tell you the same things by word of mouth.
Kaya isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas, na magsasabi din sa inyo ng gayon ding mga bagay.
28 For it seemed good to the Holy Spirit, and to us, to lay no greater burden on you than these necessary things:
Sapagkat minabuti namin at ng Banal na Espiritu na huwag kayong bigyan ng mabibigat na mga pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29 that you abstain from things sacrificed to idols, from blood, from things strangled, and from sexual immorality, from which if you keep yourselves, it will be well with you. Farewell."
na talikuran ninyo ang bagay na naialay sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa mga binigti, at sa sekswal na imoralidad. Kapag nailayo ninyo ang inyong mga sarili sa mga ito, ikabubuti ninyoito. Paalam.”
30 So, when they were sent off, they came to Antioch, and having gathered the congregation together, they delivered the letter.
Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham.
31 When they had read it, they rejoiced over the encouragement.
Nang mabasa nila ito, sila'y nagalak dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila.
32 Judas and Silas, also being prophets themselves, encouraged the brothers with many words, and strengthened them.
Si Judas at Silas na mga propeta rin, ay pinatatag ang loob ng mga kapatiran sa marami nilang mga salita na nakapagpatibay sa kanila.
33 After they had spent some time there, they were sent back with greetings from the brothers to those that had sent them forth.
Pagkatapos nilang mamalagi ng ilang panahon doon, ay payapa silang pinauwi sa mga kapatid na nagsugo sa kanila.
34 However, Silas decided to remain there.
(Ngunit minabuti ni Silas na magpaiwan doon.)
35 And Paul and Barnabas stayed in Antioch, teaching and proclaiming the word of the Lord, with many others also.
Ngunit si Pablo at Bernabe ay nanatili sa Antioquia kasama ng mga iba pa, na kung saan sila ay nagturo at nagpahayag ng salita ng Panginoon.
36 After some days Paul said to Barnabas, "Let us return now and visit our brothers in every city in which we proclaimed the word of the Lord, to see how they are doing."
Lumipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin ngayon at dalawin ang ating mga kapatid sa bawat lungsod na kung saan ipinahayag natin ang salita ng Panginoon, at kumustahin ang kanilang kalagayan.
37 Barnabas planned to take John, who was called Mark, with them also.
Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos.
38 But Paul did not think that it was a good idea to take with them someone who had withdrawn from them in Pamphylia, and did not go with them to do the work.
Ngunit naisip ni Pablo na hindi mabuting isama si Marcos na nag-iwan sa kanila sa lugar ng Pamfilia at hindi na sumama sa kanilang gawain.
39 Then the contention grew so sharp that they separated from each other. Barnabas took Mark with him, and sailed away to Cyprus,
At sila ay nagkaroon ng matinding di pagkakaunawaan, kaya sila naghiwalay, isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Sayprus.
40 but Paul chose Silas, and went out, being commended by the brothers to the grace of the Lord.
Pinili naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis pagkatapos siyang ipagkatiwala ng mga kapatiran sa biyaya ng Panginoon.
41 He went through Syria and Cilicia, strengthening the churches.
At siya pumunta patungong Siria at Cilicia, na pinagtitibay ang mga iglesiya.