< Psalms 142 >
1 [A contemplation by David, when he was in the cave. A Prayer.] I cry with my voice to the LORD. With my voice, I ask the LORD for mercy.
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 I pour out my complaint before him. I tell him my troubles.
Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 When my spirit was overwhelmed within me, you knew my path. In the way in which I walk, they have hidden a snare for me.
Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 Look on my right, and see; for there is no one who is concerned for me. Refuge has fled from me. No one cares for my soul.
Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 I cried to you, LORD. I said, "You are my refuge, my portion in the land of the living."
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay.
6 Listen to my cry, for I am in desperate need. Deliver me from my persecutors, for they are stronger than me.
Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 Bring my soul out of prison, that I may give thanks to your name. The righteous will surround me, for you will be good to me.
Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.