< Luke 11 >

1 It happened, that when he finished praying in a certain place, one of his disciples said to him, "Lord, teach us to pray, just as Yukhanan also taught his disciples."
At nangyari, nang siya'y nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad.
2 So he said to them, "When you pray, say, 'Our Father in heaven, holy be your name. May your kingdom come. May your will be done on earth, as it is in heaven.
At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo.
3 Give us day by day our daily bread.
Ibigay mo sa amin arawaraw ang aming pangarawaraw na kakanin.
4 And forgive us our sins, for we also forgive everyone indebted to us. And lead us not into temptation, but deliver us from evil.'"
At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan; sapagka't aming pinatawad naman ang bawa't may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso.
5 He said to them, "Which of you, if you go to a friend at midnight, and tell him, 'Friend, lend me three loaves of bread,
At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay;
6 for a friend of mine has come to me from a journey, and I have nothing to set before him,'
Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya;
7 and he from within will answer and say, 'Do not bother me. The door is now shut, and my children are with me in bed. I cannot get up and give it to you'?
At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo?
8 I tell you, although he will not rise and give it to him because he is his friend, yet because of his persistence, he will get up and give him as many as he needs.
Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya.
9 "I tell you, ask, and it will be given to you. Seek, and you will find. Knock, and it will be opened to you.
At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.
10 For everyone who asks receives. He who seeks finds. To him who knocks it will be opened.
Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
11 "Which of you fathers, if your son asks for a fish, he won't give him a snake instead of a fish, will he?
At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas?
12 Or if he asks for an egg, will give him a scorpion?
O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan?
13 If you then, being evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your heavenly Father give the Rukha d'Qudsha to those who ask him?"
Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?
14 He was casting out a demon, and it was mute. It happened, when the demon had gone out, the mute man spoke; and the crowds were amazed.
At nagpalabas siya ng isang demoniong pipi. At nangyari, nang makalabas na ang demonio, ang pipi ay nangusap; at nangagtaka ang mga karamihan.
15 But some of them said, "He casts out demons by Baelzebub, the prince of the demons."
Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
16 Others, testing him, sought from him a sign from heaven.
At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.
17 But he, knowing their thoughts, said to them, "Every kingdom divided against itself is brought to desolation. A house divided against itself falls.
Datapuwa't siya, na nakatataho ng mga pagiisip nila, sa kanila'y sinabi, Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba.
18 If Satana also is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that I cast out demons by Baelzebub.
At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, paanong mananatili ang kaniyang kaharian? sapagka't sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio.
19 But if I cast out demons by Baelzebub, by whom do your children cast them out? Therefore will they be your judges.
At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong mga anak? kaya nga, sila ang inyong magiging mga hukom.
20 But if I by the finger of God cast out demons, then the Kingdom of God has come to you.
Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
21 "When the strong man, fully armed, guards his own dwelling, his goods are safe.
Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib.
22 But when someone stronger attacks him and overcomes him, he takes from him his whole armor in which he trusted, and divides up his plunder.
Datapuwa't kung siya'y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya'y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya.
23 "He that is not with me is against me. He who does not gather with me scatters.
Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.
24 The unclean spirit, when he has gone out of the person, passes through dry places, seeking rest, and finding none, he says, 'I will turn back to my house from which I came out.'
Pagka ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.
25 When he returns, he finds it swept and put in order.
At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.
26 Then he goes, and takes seven other spirits more evil than himself, and they enter in and dwell there. The last state of that person becomes worse than the first."
Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.
27 It came to pass, as he said these things, a certain woman out of the crowd lifted up her voice, and said to him, "Blessed is the womb that bore you, and the breasts which nursed you."
At nangyari, na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya, Mapalad ang tiyang sa iyo'y nagdala, at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.
28 But he said, "On the contrary, blessed are those who hear the word of God, and keep it."
Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.
29 When the crowds were gathering together to him, he began to say, "This generation is an evil generation. It seeks after a sign. No sign will be given to it but the sign of Yaunan.
At nang ang mga karamihan ay nangagkakatipon sa kaniya, ay nagpasimula siyang magsabi, Ang lahing ito'y isang masamang lahi: siya'y humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas.
30 For even as Yaunan became a sign to the Ninevites, so will also the Son of Man be to this generation.
Sapagka't kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita, ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito.
31 The Queen of the South will rise up in the judgment with the people of this generation, and will condemn them: for she came from a distant land to hear the wisdom of Shelemun; and look, one greater than Shelemun is here.
Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito, at sila'y hahatulan: sapagka't siya'y naparitong galing sa mga wakas ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
32 The people of Nineveh will stand up in the judgment with this generation, and will condemn it: for they repented at the preaching of Yaunan, and look, one greater than Yaunan is here.
Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
33 "No one, when he has lit a lamp, puts it in a cellar or under a basket, but on a stand, that those who come in may see the light.
Walang taong pagkapagpaningas niya ng isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.
34 The lamp of the body is the eye. Therefore when your eye is good, your whole body is also full of light; but when it is bad, your body also is full of darkness.
Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman.
35 Therefore see whether the light that is in you is not darkness.
Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.
36 If therefore your whole body is full of light, having no part dark, it will be wholly full of light, as when the lamp with its bright shining gives you light."
Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning.
37 Now as he spoke, a Pharisee asked him to dine with him. He went in, and sat at the table.
Samantala ngang siya'y nagsasalita, ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya: at siya'y pumasok, at naupo sa dulang.
38 When the Pharisee saw it, he was surprised that he had not first washed himself before dinner.
At nang makita ito ng Fariseo, ay nagtaka na siya'y hindi muna naghugas bago mananghali.
39 The Lord said to him, "Now you Pharisees cleanse the outside of the cup and of the platter, but your inward part is full of extortion and wickedness.
At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa't ang loob ninyo'y puno ng panglulupig at kasamaan.
40 You foolish ones, did not he who made the outside make the inside also?
Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob?
41 But give for gifts to the needy those things which are within, and see, all things will be clean to you.
Datapuwa't ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo.
42 But woe to you Pharisees. For you tithe mint and rue and every herb, but you bypass justice and the love of God. You ought to have done these, and not to have left the other undone.
Datapuwa't sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.
43 Woe to you Pharisees. For you love the best seats in the synagogues, and the greetings in the marketplaces.
Sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.
44 Woe to you. For you are like hidden graves, and the people who walk over them do not know it."
Sa aba ninyo! sapagka't kayo'y tulad sa mga libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila.
45 One of the Law scholars answered him, "Teacher, in saying this you insult us also."
At pagsagot ng isa sa mga tagapagtanggol ng kautusan, ay nagsabi sa kaniya, Guro, sa pagsasabi mo nito, pati kami ay iyong pinupulaan.
46 He said, "Woe to you Law scholars also. For you load people with burdens that are difficult to carry, and you yourselves won't even lift one finger to help carry those burdens.
At sinabi niya, Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin, at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan.
47 Woe to you. For you build the tombs of the prophets, and your fathers killed them.
Sa aba ninyo! sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, at ang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang.
48 So you are witnesses and consent to the works of your fathers. For they killed them, and you build their tombs.
Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan.
49 Therefore also the wisdom of God said, 'I will send to them prophets and apostles; and some of them they will kill and persecute,
Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin;
50 that the blood of all the prophets, which was shed from the foundation of the world, may be required of this generation;
Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;
51 from the blood of Habeil to the blood of Zekharya, who perished between the altar and the sanctuary.' Yes, I tell you, it will be required of this generation.
Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.
52 Woe to you Law scholars. For you took away the key of knowledge. You did not enter in yourselves, and those who were entering in, you hindered."
Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.
53 And when he left there, the scribes and the Pharisees began to oppose him bitterly, and to provoke him to speak about many things;
At paglabas niya roon, ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya, at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay;
54 lying in wait for him, seeking to catch him in something he might say, that they might accuse him.
Na siya'y inaabangan, upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman.

< Luke 11 >