< Song of Solomon 6 >
1 To where has your beloved gone, O beautiful among women? To where has your beloved turned, And we seek him with you?
Saang direksyon nagpunta ang iyong minamahal, pinakamaganda sa lahat ng babae? Sa anong direksiyon nagpunta ang iyong minamahal, sa gayon hahanapin namin siya para sa iyo? Nagsasalita ang dalaga sa kaniyang sarili.
2 My beloved went down to his garden, To the beds of the spice, To delight himself in the gardens, and to gather lilies.
Ang aking minamahal ay bumaba sa kaniyang hardin, sa mga nakatanim na mga sangkap ng pabango, para manginain sa hardin at magtipon ng mga liryo.
3 I [am] my beloved’s, and my beloved [is] mine, Who is delighting himself among the lilies.
Pag-aari ako ng aking mangingibig, at pag-aari ko ang aking mangingibig; nanginginain siya sa mga liryo na may kasiyahan. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniya sarili.
4 You [are] beautiful, my friend, as Tirzah, lovely as Jerusalem, Awe-inspiring as bannered hosts.
Kasing ganda mo ang Tirsa, aking mahal, kasing kaibig-ibig tulad ng Jerusalem, kahanga-hanga katulad ng isang hukbo na may mga bandera.
5 Turn around your eyes from before me, Because they have made me proud. Your hair [is] as a row of the goats, That have shone from Gilead,
Ilayo mo ang iyong paningin mula sa akin, dahil ako ay nadadaig ng mga ito. Ang iyong buhok ay tulad ng isang kawan ng mga kambing na bumababa mula sa mga libis ng Bundok ng Galaad.
6 Your teeth as a row of the lambs, That have come up from the washing, Because all of them are forming twins, And a bereaved one is not among them.
Ang mga ngipin mo ay katulad ng kawan ng mga babaeng tupa na umaahon mula sa lugar na pinagliguan ng mga ito. Bawa't isa ay may kakambal, at wala isa man sa kanila ang namatayan.
7 As the work of the pomegranate [is] your temple behind your veil.
Ang mga pisngi mo ay tulad ng kabiyak na granada sa likuran ng iyong belo. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
8 Sixty are queens, and eighty concubines, And virgins without number.
Mayroong animnapung reyna, walumpung babaeng kinakasama ng hari, at mga dalaga na hindi mabilang.
9 One is my dove, my perfect one, She [is] one of her mother, She [is] the choice one of her that bore her, Daughters saw, and pronounce her blessed, Queens and concubines, and they praise her.
Ang aking kalapati, aking dalisay, ay nag-iisa lamang; siya ang natatanging anak na babae ng kaniyang ina; siya ang nag-iisang paborito ng babae na nag-silang sa kaniya. Ang mga anak na babae ng mga kababayan ko ay nakita siya at tinawag siyang pinagpala; nakita rin siya ng mga reyna at ng mga babaeng kinakasama ng hari, at siya ay pinuri nila: Ano ang sinabi ng mga reyna at ng mga babaeng kinakasama ng hari
10 “Who [is] this that is looking forth as morning, Beautiful as the moon—clear as the sun, Awe-inspiring as bannered hosts?”
“Sino ito na lumilitaw katulad ng bukang-liwayway, kasing ganda ng buwan, kasing liwanag ng araw, na kahanga-hanga tulad ng isang hukbo na may mga bandera nito?” Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
11 To a garden of nuts I went down, To look on the buds of the valley, To see to where the vine had flourished, The pomegranates had blossomed—
Bumaba ako sa mga kahuyan ng mga puno ng pili para tingnan ang murang usbong sa lambak, para tingnan kung sumibol ang mga puno ng ubas, at kung namulaklak ang mga bunga ng granada.
12 I did not know my soul, It made me—chariots of my people Nadib.
Napakasaya ko na maramdamang nakasakay ako sa karwahe ng isang prinsipe. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
13 Return, return, O Shulammith! Return, return, and we look on you. What do you see in Shulammith?
Magbalik ka, bumalik ka, ikaw na babaeng walang kapintasan; magbalik ka, magbalik para ikaw ay aking mapagmasdan. Nagsasalita ang dalaga sa kaniyang mangingibig. Bakit ka nakatitig sa akin, babaeng walang kapintasan, na parang sumasayaw ako sa pagitan ng dalawang hanay ng mga mananayaw?