< Song of Solomon 4 >

1 Behold, you [are] beautiful, my friend, behold, you [are] beautiful, Your eyes [are] doves behind your veil, Your hair as a row of the goats that have shone from Mount Gilead,
O, kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo. Ang iyong mga mata ay katulad ng mga kalapati sa likuran ng iyong belo. Ang iyong buhok ay tulad ng isang kawan ng mga kambing na bumababa mula sa Bundok ng Gilead.
2 Your teeth as a row of the shorn ones that have come up from the washing, For all of them are forming twins, And a bereaved one is not among them.
Ang iyong mga ngipin ay katulad ng isang kawan ng mga tupang babae na bagong gupit, na umaahon mula sa lugar ng pinagpaliguan. Bawa't isa ay may isang kakambal at walang isa sa kanila ang namatayan.
3 As a thread of scarlet [are] your lips, And your speech [is] lovely, As the work of the pomegranate [is] your temple behind your veil,
Ang labi mo ay katulad ng isang hibla ng eskarlata; ang bibig mo ay kaibig-ibig. Ang mga pisngi mo ay katulad ng kabiyak na granada sa likuran ng iyong belo.
4 As the Tower of David [is] your neck, built for an armory, The chief of the shields are hung on it, All shields of the mighty.
Ang leeg mo ay katulad ng tore ni David na itinayo sa mga hanay ng bato, na may isang libong mga kalasag na nakasabit dito, lahat ng mga kalasag ng mga sundalo.
5 Your two breasts [are] as two fawns, Twins of a roe, that are feeding among lilies.
Ang dalawang dibdib mo ay katulad ng dalawang munting usa, magkakambal na gasel, na nanginginain sa kalagitnaan ng mga liryo.
6 Until the day breaks forth, And the shadows have fled away, I go for myself to the mountain of myrrh, And to the hill of frankincense.
Hanggang dumating ang bukang-liwayway at ang mga anino ay naglaho, ako ay magpupunta sa bundok ng mira at sa burol ng kamanyang.
7 You [are] all beautiful, my friend, And there is not a blemish in you. Come from Lebanon, O spouse,
Kay ganda mo sa lahat ng paraan, aking mahal at walang kapintasan sa iyo.
8 Come from Lebanon, come in. Look from the top of Amana, From the top of Shenir and Hermon, From the habitations of lions, From the mountains of leopards.
Sumama ka sa akin mula sa Lebanon, babaeng aking pakakasalan. Sumama ka sa akin mula sa Lebanon; sumama ka mula sa tuktok ng Bundok ng Amana, mula sa tuktok ng Bundok ng Senir at Hermon, mula sa mga lungga ng leon, mula sa lunggang bundok ng mga leopardo.
9 You have emboldened me, my sister-spouse, Emboldened me with one of your eyes, With one chain of your neck.
Ninakaw mo ang puso ko, aking kapatid, babaeng aking pakakasalan; nabihag mo ang puso ko, sa isang sulyap lamang sa akin, sa isang hiyas lamang ng iyong kuwintas.
10 How beautiful have been your loves, my sister-spouse, How much better have been your loves than wine, And the fragrance of your perfumes than all spices.
Kay ganda ng iyong pag-ibig, aking kapatid, babaeng aking pakakasalan! Mas mainam ang pag-ibig mo kaysa sa alak, at ang halimuyak ng pabango mo kaysa sa anumang sangkap ng pabango.
11 Your lips drop honey, O spouse, Honey and milk [are] under your tongue, And the fragrance of your garments [Is] as the fragrance of Lebanon.
Ang iyong labi, babaeng aking pakakasalan, tumutulong pulot; ang pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila; ang halimuyak ng iyong mga kasuotan ay katulad ng halimuyak ng Lebanon.
12 A garden shut up [is] my sister-spouse, A spring shut up—a fountain sealed.
Aking kapatid, babaeng aking pakakasalan ay isang harding nakakandado, isang harding nakakandado, isang bukal na nakasarado.
13 Your shoots a paradise of pomegranates, With precious fruits,
Ang mga sanga mo ay isang kahuyan ng mga puno ng granada na may piling bunga, at ng hena at mga halamang nardo,
14 Cypresses with nard—nard and saffron, Cane and cinnamon, With all trees of frankincense, Myrrh and aloes, with all chief spices.
Pakong nardo at safron, kalamo at kanela kasama ang lahat ng mga uri ng sangkap ng pabango, mira at mga aloe kasama lahat ng pinakamainam na mga sangkap ng pabango.
15 A fount of gardens, a well of living waters, And flowings from Lebanon!
Ikaw ay bukal sa hardin, isang balon na may sariwang tubig, mga batis na umaagos pababa mula sa Lebanon. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig.
16 Awake, O north wind, and come, O south, Cause my garden to breathe forth, its spices let flow, Let my beloved come to his garden, And eat its pleasant fruits!
Gumising ka, hanging hilaga; lumapit ka hanging timog; umihip ka sa aking hardin para itong mga sangkap ng pabango ay maaaring maglabas ng kanilang halimuyak. Nawa ang aking minamahal ay pumarito sa kaniyang hardin at kumain ng ilang piling bunga nito.

< Song of Solomon 4 >