< Psalms 25 >

1 BY DAVID. [ALEPH-BET] To You, O YHWH, I lift up my soul.
Sa iyo Yahweh, Itinataas ko ang aking buhay!
2 My God, in You I have trusted, Do not let me be ashamed, Do not let my enemies exult over me.
Aking Diyos, ako ay nagtitiwala sa iyo. Huwag mo akong hayaang mapahiya; huwag mong hayaan na magalak ng may katagumpayan sa akin ang aking mga kaaway.
3 Also let none waiting on You be ashamed, Let the treacherous dealers without cause be ashamed.
Nawa walang sinumang umaasa sa iyo ang maalipusta; nawa ang mga nagsisigawa ng kataksilan na walang dahilan ay mapahiya!
4 Your ways, O YHWH, cause me to know, You teach me Your paths.
Ipaalam mo sa akin ang iyong mga kaparaanan, Yahweh, ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5 Cause me to tread in Your truth, and teach me, For You [are] the God of my salvation, Near You I have waited all the day.
Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, dahil ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; Ako ay umaasa sa iyo buong araw.
6 Remember Your mercies, O YHWH, And Your kindnesses, for they [are] from the age.
Alalahanin mo, Yahweh, ang iyong mga gawa ng kahabagan at sa katapatan sa tipan; dahil lagi silang nananatili magpakailanman.
7 Sins of my youth, and my transgressions, Do not remember. According to Your kindness be mindful of me, For Your goodness’ sake, O YHWH.
Huwag mong alalahanin ang tungkol sa mga kasalanan ng aking kabataan o ang aking pagrerebelde; alalahanin mo ako na may katapatan sa tipan dahil sa iyong kabutihan, Yahweh!
8 Good and upright [is] YHWH, Therefore He directs sinners in the way.
Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
9 He causes the humble to tread in judgment, And teaches the humble His way.
Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.
10 All the paths of YHWH [are] kindness and truth, To those keeping His covenant, And His testimonies.
Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
11 For Your Name’s sake, O YHWH, You have pardoned my iniquity, for it [is] great.
Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
12 Who [is] this—the man fearing YHWH? He directs him in the way He chooses.
Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin.
13 His soul remains in good, And his seed possesses the land.
Ang kanyang buhay ay magpapatuloy sa kabutihan; at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magmamana ng lupain.
14 The secret of YHWH [is] for those fearing Him, And His covenant—to cause them to know.
Ang pakikipagkaibigan ni Yahweh ay para sa mga nagbibigay karangalan sa kanya, at pinapahayag ang kanyang tipan sa kanila.
15 My eyes [are] continually to YHWH, For He brings my feet out from a net.
Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.
16 Turn to me, and favor me, For I [am] lonely and afflicted.
Bumaling ka sa akin at kaawaan mo ako; dahil ako ay nag-iisa at nahihirapan.
17 The distresses of my heart have enlarged themselves, Bring me out from my distresses.
Ang mga kaguluhan ng aking puso ay lumalawak; hanguin mo ako mula sa aking pagkabalisa.
18 See my affliction and my misery, And bear with all my sins.
Masdan mo ang aking paghihirap at mga pasakit; patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan.
19 See my enemies, for they have been many, And they have hated me with violent hatred.
Masdan mo ang aking mga kaaway, dahil (sila) ay marami; kinamumuhian nila ako nang may malupit na pagkagalit.
20 Keep my soul, and deliver me, Do not let me be ashamed, for I trusted in You.
Pangalagaan mo ang aking buhay at sagipin mo ako; hindi ako mapapahiya, dahil nagkukubli ako sa iyo!
21 Integrity and uprightness keep me, For I have waited [on] You.
Nawa ingatan ako ng dangal at pagkamakatwiran, dahil umaasa ako sa iyo.
22 Redeem Israel, O God, from all his distresses!
Sagipin mo ang Israel, O Diyos, sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan!

< Psalms 25 >