< Judges 19 >
1 And it comes to pass in those days, when there is no king in Israel, that there is a man, a Levite, a sojourner in the sides of the hill-country of Ephraim, and he takes a wife for himself, a concubine, out of Beth-Lehem-Judah;
Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda.
2 and his concubine commits whoredom against him, and she goes from him to the house of her father, to Beth-Lehem-Judah, and is there four months of days.
Pero ang isa pa niyang asawa ay taksil sa kaniya; iniwanan siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem ng Juda. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan.
3 And her husband rises and goes after her, to speak to her heart, to bring her back, and his young man [is] with him, and a couple of donkeys; and she brings him into the house of her father, and the father of the young woman sees him, and rejoices to meet him.
Pagkatapos tumayo ang kaniyang asawa at pumunta sa kaniya para hikayatin siyang bumalik. Kasama niya ang kaniyang tagapaglingkod, at isang pares ng mga asno. Dinala niya siya sa bahay ng kaniyang ama.
4 And his father-in-law keeps hold on him, father of the young woman, and he abides with him three days, and they eat and drink, and lodge there.
Nang nakita siya ng ama ng babae, nagalak siya. Ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae, ay hinikayat siyang manatili sa loob ng tatlong araw. Kumain sila at uminom, at nagpalipas sila ng gabi roon.
5 And it comes to pass, on the fourth day, that they rise early in the morning, and he rises to go, and the father of the young woman says to his son-in-law, “Support your heart with a morsel of bread, and afterward you go on.”
Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, “Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis.”
6 And both of them sit, and eat and drink together, and the father of the young woman says to the man, “Please be willing and lodge all night, and let your heart be glad.”
Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, “Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya.”
7 And the man rises to go, and his father-in-law presses on him, and he turns back and lodges there.
Nang gumising ng maaga ang Levita para umalis, hinimok siya ng ama ng dalagang babae na manatili, kaya binago niya ang kaniyang binalak at muling nagpalipas ng gabi roon.
8 And he rises early in the morning, on the fifth day, to go, and the father of the young woman says, “Please support your heart”; and they have tarried until the turning of the day, and both of them eat.
Sa ika-limang araw gumising siya ng maaga para umalis, pero sinabi ng ama ng babae, “Palakasin mo ang iyong sarili, maghintay hanggang hapon.” Kaya kumain silang dalawa.
9 And the man rises to go, he, and his concubine, and his young man, but his father-in-law, father of the young woman, says to him, “Now behold, the day has fallen toward evening, please lodge all night; behold, the declining of the day! Lodge here and let your heart be glad—and you have risen early tomorrow for your journey, and you have gone to your tent.”
Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.”
10 And the man has not been willing to lodge all night, and he rises, and goes, and comes in until [he is] opposite Jebus (it [is] Jerusalem), and a couple of saddled donkeys [are] with him; and his concubine [is] with him.
Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa.
11 They [are] near Jebus, and the day has greatly gone down, and the young man says to his lord, “Please come, and we turn aside to this city of the Jebusite and lodge in it.”
Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.”
12 And his lord says to him, “Let us not turn aside to the city of a stranger, that is not of the sons of Israel there, but we have passed over to Gibeah.”
Sinabi ng kaniyang amo sa kaniya, “Hindi tayo lilihis patungo sa isang lugnsod ng mga dayuhan na hindi kabilang sa bayan ng Israel. Pupunta tayo sa Gabaa.”
13 And he says to his young man, “Come, and we draw near to one of the places, and have lodged in Gibeah, or in Ramah.”
Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, “Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama.”
14 And they pass over, and go on, and the sun goes in on them near Gibeah, which is of Benjamin;
Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin.
15 and they turn aside there to go in to lodge in Gibeah, and he goes in and sits in a broad place of the city, and there is no man gathering them into the house to lodge.
Lumihis sila roon para magpalipas ng gabi sa Gabaa. At pumasok siya at umupo sa plasa ng lungsod, sapagka't walang isa mang nagpatuloy sa kanila sa kaniyang bahay para sa gabi.
16 And behold, an old man has come from his work from the field in the evening, and the man [is] of the hill-country of Ephraim, and he [is] a sojourner in Gibeah, and the men of the place [are] Benjamites.
Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita.
17 And he lifts up his eyes, and sees the man, the traveler, in a broad place of the city, and the old man says, “To where do you go? And where do you come from?”
Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?”
18 And he says to him, “We are passing over from Beth-Lehem-Judah to the sides of the hill-country of Ephraim—I [am] from there, and I go to Beth-Lehem-Judah; and I am going to the house of YHWH, and there is no man gathering me into the house,
Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay.
19 and there is both straw and provender for our donkeys, and there is also bread and wine for me, and for your handmaid, and for the young man with your servants; there is no lack of anything.”
Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.”
20 And the old man says, “Peace to you; only, all your lack [is] on me, but do not lodge in the broad place.”
Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
21 And he brings him into his house, and mixes [food] for the donkeys, and they wash their feet, and eat and drink.
Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
22 They are making their heart glad, and behold, men of the city, men—sons of worthlessness—have gone around the house, beating on the door, and they speak to the old man, the master of the house, saying, “Bring out the man who has come into your house, and we know him.”
Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.”
23 And the man, the master of the house, goes out to them and says to them, “No, my brothers, please do not do evil after that this man has come into my house; do not do this folly;
Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito!
24 behold, my daughter, the virgin, and his concubine, please let me bring them out and you humble them, and do that which is good in your eyes to them, and do not do this foolish thing to this man.”
Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!”
25 And the men have not been willing to listen to him, and the man takes hold on his concubine and brings [her] out to them outside, and they know her and roll themselves on her all the night until the morning, and they send her away in the ascending of the dawn;
Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw.
26 and the woman comes in at the turning of the morning, and falls at the opening of the man’s house where her lord [is], until the light.
Sa madaling araw dumating ang babae at bumagsak sa pinto ng bahay ng lalaki kung saan naroon ang kaniyang amo, at nahiga siya roon hanggang sa magliwanag.
27 And her lord rises in the morning, and opens the doors of the house, and goes out to go on his way, and behold, the woman, his concubine, is fallen at the opening of the house, and her hands [are] on the threshold,
Bumangon ang kaniyang amo sa umaga at binuksan ang mga pinto ng bahay at umalis papunta sa kainyang paroroonan. Nakikita niya ang kaniyang isa pang asawa na nakahiga roon sa pintuan, na ang mga kamay ay nasa bungad.
28 and he says to her, “Rise, and we go”; but there is no answering, and he takes her on the donkey, and the man rises and goes to his place,
Sinabi ng Levita sa kaniya, “Bumangon ka. Umalis na tayo.” Pero walang sagot. Isinakay niya siya sa asno at umalis ang lalaki para umuwi.
29 and comes into his house, and takes the knife, and lays hold on his concubine, and cuts her in pieces to her bones—into twelve pieces, and sends her into all the border of Israel.
Nang makarating ang Levita sa kaniyang bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo, at hinawakan niya ang kaniyang isa pang asawa, at pinagputul-putol siya, biyas sa biyas, sa labing dalawang piraso, at pinadala ang mga piraso sa lahat ng dako ng Israel.
30 And it has come to pass, everyone who sees has said, “There has not been—indeed, there has not been seen [anything] like this, from the day of the coming up of the sons of Israel out of the land of Egypt until this day; set your [heart] on it, take counsel, and speak.”
Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!”