< Isaiah 36 >
1 And it comes to pass, in the fourteenth year of King Hezekiah, Sennacherib king of Asshur has come up against all the fortified cities of Judah, and seizes them.
Sa ika-labing-apat na taon ni Haring Hezekias, si Senaquerib, Hari ng Asiria, ay nilusob ang lahat ng pinagtibay na lungsod ng Juda at nabihag ang mga ito.
2 And the king of Asshur sends Rabshakeh from Lachish to Jerusalem, to King Hezekiah, with a heavy force, and he stands by the conduit of the upper pool, in the highway of the fuller’s field,
Pagkatapos ang Hari ng Asiria ay isinugo ang pangunahing pinuno mula sa Laquis sa Jerusalem kay Haring Hezekiaz kasama ng isang malaking hukbo. Lumapit siya sa daluyan ng tubig ng lawang nasa itaas, sa daang patungo sa bukid ng labahan, at nanatili dito.
3 and Eliakim son of Hilkiah goes forth to him, who [is] over the house, and Shebna the scribe, and Joah son of Asaph, the remembrancer.
Ang opisyales ng Israel na sumalubong sa labas ng lungsod para kausapin sila ay sina Eliakim anak ni Hilkias, ang administrador ng palasyo, Sebna ang kalihim ng hari, at Joa anak ni Asaf, na may-akda ng mga kapasyahan ng pamahalaan.
4 And Rabshakeh says to them, “Now say to Hezekiah, Thus said the great king, the king of Asshur: What [is] this confidence in which you have confided?
Sinabi ng pangunahing pinuno sa kanila, “Sabihin kay Hezekias na ang dakilang hari, ang hari ng Asiria, sinasabing, 'Ano ang pinagmumulan ng inyong lakas ng loob?
5 I have said, Only a word of the lips! Counsel and might [are] for battle. Now, on whom have you trusted, that you have rebelled against me?
Nagsasabi kayo ng walang kabuluhang mga salita, sinasabing mayroong pagpapayo at kakayahan para sa pakikidigma. Ngayon kanino kayo nagtitiwala? Sino ang nagbigay ng tapang sa inyo para labanan ako?
6 Behold, you have trusted on the staff of this broken reed—on Egypt—which a man leans on, and it has gone into his hand, and pierced it—so [is] Pharaoh king of Egypt to all those trusting on him.
Tingnan ninyo, kayo ay nagtitiwala sa Ehipto, iyang buhong may lamat na ginagamit mong tungkod, pero kung madiinan ito, babaon ito sa kanyang kamay at susugat ito. Iyon ay kung ano ang Faraon hari ng Ehipto sa sinumang magtitiwala sa kanya.
7 And do you say to me, We have trusted in our God YHWH? Is it not He whose high places and whose altars Hezekiah has turned aside, and says to Judah and to Jerusalem, Bow yourselves before this altar?
Pero kung sasabihin mo sa akin, “Kami ay nagtitiwala kay Yahweh aming Diyos,” hindi ba siya ang isang ang mga bantayog at altar ay giniba ni Hezekias, at nagsabi kay Juda at sa Jerusalem, “Dapat kayong sumamba sa harap ng altar na ito sa Jerusalem?
8 And now, please negotiate with my lord the king of Asshur, and I give two thousand horses to you, if you are able to put riders on them for yourself.
Kaya ngayon, gusto ko kayong bigyan ng magandang alok mula sa aking panginoon na hari ng Asiria. Bibigyan ko kayo ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap kayo ng sasakay sa mga ito.
9 And how do you turn back the face of one captain of the least of the servants of my lord, and trust on Egypt for yourself, for chariot and for horsemen?
Paano kayo mananaig kahit sa isang kapitan ng pinakamahina ng mga alipin ng aking panginoon. Inilagay mo ang inyong pagtitiwala sa Ehipto para sa mga karwaheng pandigma at mangangabayo!
10 And now, without YHWH have I come up against this land to destroy it? YHWH said to me, Go up to this land, and you have destroyed it.”
Kaya ngayon, naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at lipulin ang lupaing ito? Sinabi ni Yahweh sa akin,” “Lusubin at wasakin ang lupaing ito.””
11 And Eliakim says—and Shebna and Joah—to Rabshakeh, “Please speak to your servants [in] Aramaic, for we are understanding; and do not speak to us [in] Jewish, in the ears of the people who [are] on the wall.”
Pagkatapos sinabi nii Eliakim anak ni Hilkias, at Sebna, at Joa sa pangunahing pinuno, “Maaari bang kausapin ang inyong mga lingkod sa wikang Araminia, ang Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag ninyo kaming kausapin sa wika ng Juda na naririnig ng mga tao na nasa itaas ng pader.
12 And Rabshakeh says, “To your lord, and to you, has my lord sent me to speak these words? Is it not for the men—those sitting on the wall to eat their own dung and to drink their own water with you?”
Pero sinabi ng pinunong kumander, ''Ipinadala ba ako ng aking panginoon sa inyong panginoon at sa inyo para sabihin ang mga salitang ito? Hindi ba ipinadala niya ako para sa mga nakaupo sa pader, silang mga kakain ng kanilang sariling dumi at iinom ng kanilang sariling ihi kasama ninyo?''
13 And Rabshakeh stands and calls with a great voice [in] Jewish, and says, “Hear the words of the great king, the king of Asshur—
pagkatapos tumayo ang pangunahing pinuno at sumigaw ng malakas sa wika ng mga Judio, sinasabing, “Pakingggan ang mga salita ng dakilang hari, ang hari ng Asiria.
14 thus said the king: Do not let Hezekiah lift you up, for he is not able to deliver you;
Sinasabi ng hari, 'Huwag hayaang linlangin kayo ni Hezekias, dahil hindi niya kayo kayang sagipin.
15 and do not let Hezekiah make you trust to YHWH, saying, YHWH certainly delivers us, this city is not given into the hand of the king of Asshur.
Huwag ninyong hayaan pagtiwalain kayo ni Hezekias kay Yahweh, sinasabing, “Totoong ililigtas tayo ni Yahweh; hindi niya ibibigay ang lungsod na ito sa hari ng Asiria””
16 Do not listen to Hezekiah, for thus said the king of Asshur: Make a blessing with me, and come out to me, and each of you eat of his vine, and each of his fig tree, and each drink the waters of his own well,
Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: Makipagkasundo kayo at lumapit sa akin. Pagkatapos ang lahat ay makakakain mula sa kanyang sariling ubasan at mula sa kaniyang sariling puno ng igos, at uminom mula sa tubig ng kanyang sariling balon.
17 until my coming in, and I have taken you to a land like your own land, a land of grain and wine, a land of bread and vineyards;
Gagawin mo ito hanggang ako ay dumating at aalisin ka sa iyong sariling lupain, lupain ng butil at bagong alak, lupain ng tinapay at mga ubasan.'
18 lest Hezekiah persuades you, saying, YHWH delivers us. Have the gods of the nations each delivered his land out of the hand of the king of Asshur?
Huwag ninyong hayaan na iligaw kayo ni Hezekias, sinasabing, 'sasagipin tayo ni Yahweh'. Mayroon bang mga diyos ng mga tao ang sasagip sa kanila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria?
19 Where [are] the gods of Hamath and Arpad? Where [are] the gods of Sepharvaim, that they have delivered Samaria out of my hand?
Nasaan ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan ang mga diyos ng Sefarvaim? Sinagip ba nila ang Samaria mula sa aking kapangyarihan?
20 Who among all the gods of these lands [are] they who have delivered their land out of my hand, that YHWH delivers Jerusalem out of my hand?”
Sa lahat ng mga diyos ng mga lupaing ito, mayroon bang sinumang diyos na sumagip ng kanyang lupain mula sa aking kapangyarihan, na parang maililigtas ni Yahweh ang Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?”
21 And they keep silent, and have not answered him a word, for a command of the king is, saying, “Do not answer him.”
Pero nanatiling tahimik ang mga tao at hindi sumagot, dahil ang kautusan ng hari ay, “Huwag ninyo siyang sasagutin.”
22 And Eliakim son of Hilkiah, who [is] over the house, comes in, and Shebna the scribe, and Joah son of Asaph, the remembrancer, to Hezekiah, with torn garments, and they declare to him the words of Rabshakeh.
Kaya si Eliakim anak ni Hilkias, na namumuno sa sambahayan, Sebna ang escriba, at Joa anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay nagtungo kay Hezekias nang punit ang kanilang damit, at iniulat sa kanya ang mga sinabi ng pinunong kumander.