< Hebrews 3 >

1 For this reason, holy brothers, partakers of a heavenly calling, consider the Apostle and Chief Priest of our profession, Christ Jesus,
Kaya, mga banal na kapatid, mga kasama sa makalangit na pagtawag, alalahanin ninyo si Jesus na Apostol at Pinakapunong Pari na aming ipinapahayag.
2 being faithful to Him who appointed Him, as also Moses [was] in all His house.
Siya ay tapat sa Diyos, na naghirang sa kaniya, katulad ng pagiging tapat ni Moises sa lahat ng sambahayan ng Diyos.
3 For this One has been counted worthy of more glory than Moses, inasmuch as He who builds it has more honor than the house.
Sapagkat si Jesus ay itinuring na higit na karapat-dapat na maluwalhati kaysa kay Moises, dahil ang gumawa ng bahay ay higit na may karangalan kaysa sa bahay mismo.
4 For every house is built by someone, and He who built all things [is] God,
Sapagkat ang bawat bahay ay itinayo ng isang tao, ngunit ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.
5 and Moses [was] indeed steadfast in all His house, as an attendant, for a testimony of those things that were to be spoken—
Sa katunayan, si Moses ay isang tapat na lingkod sa lahat ng sambahayan ng Diyos, nagbibigay patotoo tungkol sa mga bagay na sinasabing magaganap sa hinaharap.
6 but Christ, as a Son over His house, whose house we are, if we hold fast the boldness and the rejoicing of the hope to the end.
Ngunit si Cristo ang Anak na pinagkatiwalaan sa sambahayan ng Diyos. Tayo ang kaniyang bahay kung ating mahigpit na panghahawakan ang ating pananalig at kapurihan ng pananalig.
7 For this reason, as the Holy Spirit says, “Today, if you may hear His voice—
Kaya, gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu, “Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
8 you may not harden your hearts, as in the provocation, in the day of the temptation in the wilderness,
Huwag patigasin ang inyong mga puso gaya ng panghihimagsik na ginawa ng mga Israelita sa panahon ng pagsubok sa ilang.
9 in which your fathers tempted Me; they proved Me, and saw My works [for] forty years;
Ito ay nang naghimagsik ang inyong mga ninuno sa pagsubok sa akin, at nang apatnapung taon na, nakita nila ang aking mga gawa.
10 for this reason I was grieved with that generation and said, They always go astray in [their] heart, and these have not known My ways;
Kaya hindi ako nalugod sa lahing ito. Sinabi ko, “Sila ay palaging naliligaw sa kanilang mga puso at hindi nila alam ang aking mga paraan.
11 so I swore in My anger, They will [not] enter into My rest.”
Kaya sa galit ko sila ay aking isinumpa: sila ay hindi makapapasok sa aking pahingahan.”
12 Watch out, brothers, lest there will be in any of you an evil heart of unbelief in the falling away from the living God,
Mag-ingat kayo mga kapatid, upang hindi magkaroon ng isang masamang puso na walang pananampalataya sa sinuman sa inyo, isang puso na tatalikod mula sa buhay na Diyos.
13 but exhort one another every day, while [it] is called “Today,” that none of you may be hardened by the deceitfulness of sin,
Sa halip, palakasin ang loob ng bawat isa araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ngayon, upang walang sinuman sa inyo ang maaaring mapatigas sa pamamagitan ng pandaraya ng kasalanan.
14 for we have become partakers of the Christ, if we may hold fast the confidence [we had] at the beginning to the end,
Sapagkat tayo ay naging kasama ni Cristo kung patuloy nating panghahawakan ang ating pananalig sa kaniya mula sa simula hanggang sa katapusan.
15 as it is said, “Today, if you may hear His voice, you may not harden your hearts, as in the provocation.”
Tungkol dito ito sinabing, “Ngayong araw, kung makikinig kayo sa kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso gaya ng ginawa ng mga Israelita sa kanilang paghihimagsik.”
16 For who [were those], having heard, [that] provoked, but not all those having come out of Egypt through Moses?
Sino ang nakarinig sa Diyos at naghimagsik? Hindi ba't ang lahat na pinangunahan ni Moses na lumabas sa Egipto?
17 But with whom was He grieved forty years? Was it not with those who sinned, whose carcasses fell in the wilderness?
At kanino nagalit ang Diyos sa apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala, na ang mga patay na katawan ay nakaratay sa ilang?
18 And to whom did He swear that they will not enter into His rest, except to those who did not believe?
Kanino sumumpa ang Diyos na hindi na sila makapapasok sa kaniyang kapahingahan, hindi ba ang mga sumuway sa kaniya?
19 And we see that they were not able to enter in because of unbelief.
Nakita natin na hindi sila nakapasok sa kaniyang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya.

< Hebrews 3 >