< Genesis 36 >
1 And these [are] the generations of Esau, who [is] Edom.
Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom).
2 Esau has taken his wives from the daughters of Canaan: Adah daughter of Elon the Hittite, and Aholibamah daughter of Anah, daughter of Zibeon the Hivite,
Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.
3 and Bashemath daughter of Ishmael, sister of Nebajoth.
At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.
4 And Adah bears to Esau, Eliphaz; and Bashemath has borne Reuel;
At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;
5 and Aholibamah has borne Jeush, and Jaalam, and Korah. These [are] sons of Esau, who were born to him in the land of Canaan.
At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.
6 And Esau takes his wives, and his sons, and his daughters, and all the persons of his house, and his livestock, and all his beasts, and all his substance which he has acquired in the land of Canaan, and goes into the country from the face of his brother Jacob;
At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
7 for their substance was more abundant than to dwell together, and the land of their sojournings was not able to bear them because of their livestock;
Sapagka't ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.
8 and Esau dwells in Mount Seir: Esau is Edom.
At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si Esau ay siyang Edom.
9 And these [are] the generations of Esau, father of Edom, in Mount Seir.
At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:
10 These [are] the names of the sons of Esau: Eliphaz son of Adah, wife of Esau; Reuel son of Bashemath, wife of Esau.
Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
11 And the sons of Eliphaz are Teman, Omar, Zepho, and Gatam, and Kenaz;
At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.
12 and Timnath has been concubine to Eliphaz son of Esau, and she bears to Eliphaz, Amalek; these [are] sons of Adah wife of Esau.
At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.
13 And these [are] sons of Reuel: Nahath and Zerah, Shammah and Mizzah; these were sons of Bashemath wife of Esau.
At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.
14 And these have been the sons of Aholibamah daughter of Anah, daughter of Zibeon, wife of Esau; and she bears to Esau, Jeush and Jaalam and Korah.
At ito ang mga anak ni Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.
15 These [are] chiefs of the sons of Esau: sons of Eliphaz, firstborn of Esau: Chief Teman, Chief Omar, Chief Zepho, Chief Kenaz,
Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,
16 Chief Korah, Chief Gatam, Chief Amalek; these [are] chiefs of Eliphaz, in the land of Edom; these [are] sons of Adah.
Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.
17 And these [are] sons of Reuel son of Esau: Chief Nahath, Chief Zerah, Chief Shammah, Chief Mizzah; these [are] chiefs of Reuel, in the land of Edom; these [are] sons of Bashemath wife of Esau.
At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
18 And these [are] sons of Aholibamah wife of Esau: Chief Jeush, Chief Jaalam, Chief Korah; these [are] chiefs of Aholibamah daughter of Anah, wife of Esau.
At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.
19 These [are] sons of Esau (who [is] Edom), and these their chiefs.
Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.
20 These [are] sons of Seir the Horite, the inhabitants of the land: Lotan, and Shobal, and Zibeon, and Anah,
Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,
21 and Dishon, and Ezer, and Dishan; these [are] chiefs of the Horites, sons of Seir, in the land of Edom.
At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.
22 And the sons of Lotan are Hori and Heman; and a sister of Lotan [is] Timna.
At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
23 And these [are] sons of Shobal: Alvan and Manahath, and Ebal, Shepho and Onam.
At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.
24 And these [are] sons of Zibeon, both Ajah and Anah: it [is] Anah that has found the Imim in the wilderness, in his feeding the donkeys of his father Zibeon.
At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.
25 And these [are] sons of Anah: Dishon, and Aholibamah daughter of Anah.
At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.
26 And these [are] sons of Dishon: Hemdan, and Eshban, and Ithran, and Cheran.
At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.
27 These [are] sons of Ezer: Bilhan, and Zaavan, and Akan.
Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.
28 These [are] sons of Dishan: Uz and Aran.
Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.
29 These [are] chiefs of the Horite: Chief Lotan, Chief Shobal, Chief Zibeon, Chief Anah,
Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,
30 Chief Dishon, Chief Ezer, Chief Dishan: these [are] chiefs of the Horite in reference to their chiefs in the land of Seir.
Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.
31 And these [are] the kings who have reigned in the land of Edom before the reigning of a king over the sons of Israel.
At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.
32 And Bela son of Beor reigns in Edom, and the name of his city [is] Dinhabah;
At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
33 and Bela dies, and Jobab son of Zerah from Bozrah reigns in his stead;
At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.
34 and Jobab dies, and Husham from the land of the Temanite reigns in his stead.
At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.
35 And Husham dies, and Hadad son of Bedad reigns in his stead (who strikes Midian in the field of Moab), and the name of his city [is] Avith;
At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.
36 and Hadad dies, and Samlah of Masrekah reigns in his stead;
At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.
37 and Samlah dies, and Saul from Rehoboth of the River reigns in his stead;
At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog.
38 and Saul dies, and Ba‘al-hanan son of Achbor reigns in his stead;
At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.
39 and Ba‘al-hanan son of Achbor dies, and Hadar reigns in his stead, and the name of his city [is] Pau; and his wife’s name [is] Mehetabel daughter of Matred, daughter of Me-zahab.
At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.
40 And these [are] the names of the chiefs of Esau, according to their families, according to their places, by their names: Chief Timnah, Chief Alvah, Chief Jetheth,
At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;
41 Chief Aholibamah, Chief Elah, Chief Pinon,
Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.
42 Chief Kenaz, Chief Teman, Chief Mibzar,
Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.
43 Chief Magdiel, Chief Iram: these [are] chiefs of Edom, in reference to their dwellings, in the land of their possession; he [is] Esau father of Edom.
Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.