< Psalms 65 >
1 “To the chief musician, a psalm [and] song of David.” For thee praise is waiting, O God, in Zion: and unto thee shall vows be paid.
Dahil sa iyo, Diyos sa Sion, matutupad ang aming mga panata sa iyo; dadalhin namin ang aming mga panata sa iyo.
2 O thou that hearest prayer, unto thee all flesh shall come.
Ikaw na dumidinig ng panalangin, sa iyo pupunta ang lahat ng laman.
3 The iniquitous things have become too mighty for me: our transgressions—these wilt thou wipe away.
Nananaig ang kasamaan sa amin; para sa aming mga kasalanan, patatawarin mo (sila)
4 Happy is he whom thou choosest, and causest to approach, that he may dwell in thy courts: let us be satisfied with the happiness of thy house, the holiness of thy temple.
Mapalad ang taong pinipili mo para mapalapit sa iyo para manahan siya sa iyong bakuran. Masisiyahan kami sa kabutihan ng iyong tahanan, ang iyong banal na templo.
5 With terrific deeds in righteousness wilt thou answer us, O God of our salvation, who art the confidence of all the ends of the earth, and of the sea, that are far away;
Sasagutin mo kami sa iyong katuwiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay, Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang pinagtitiwalaan ng lahat sa dulo ng daigdig at sa malalayong ibayo ng dagat.
6 Who setteth firmly the mountains by his power, who is girded with might;
Dahil ikaw ang siyang nagpatatag ng mga kabundukan, ikaw na binabalot ng kalakasan.
7 Who assuageth the roaring of the seas, the roaring of their waves, and the tumult of nations.
Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.
8 And they that dwell in the uttermost parts are afraid of thy wondrous signs: the outgoings of the morning and evening thou causest to rejoice.
(Sila) na nabubuhay sa dulong bahagi ng mundo ay matatakot sa katibayan ng iyong mga gawa; pinapasaya mo ang silangan at kanluran.
9 Thou hast thought of the earth, and waterest her abundantly; thou greatly enrichest her; the brook of God is full of water: thou preparest their corn, when thou hast thus prepared her.
Pumunta ka para tulungan ang mundo; dinidiligan mo ito; pinagyayaman ng lubos; ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig; pinagkalooban mo ng mga butil ang sangkatauhan nang inihanda mo ang daigdig.
10 Watering her furrows abundantly, smoothing down her ridges, thou softenest her with showers; thou blessest her growth.
Tinutubigan mo ang mga bukirin nang masagana; inaayos mo ang mga taniman; ginagawa mong malambot ang mga ito sa mga patak ng ulan; pinagpapala mo ang mga tumutubo sa pagitan nito.
11 Thou hast crowned the year of thy goodness; and thy tracks drop fatness:
Kinokoronahan mo ang taon ng iyong kabutihan; naghuhulog ng pataba sa lupa ang mga bakas ng iyong karwahe.
12 The pastures of the wilderness are dropping [with plenty]: and the hills are girt with gladness.
Nahuhulog ang mga ito sa pastulan sa mga ilang, at ang mga kaburulan ay sinuotan ng sinturon ng kagalakan.
13 The meadows are clothed with flocks, and the valleys are enveloped with corn: men shout for joy, [yea, ] they also sing.
Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan; ang mga lambak ay nababalutan ng butil; sumisigaw (sila) ng kagalakan, at (sila) ay umaawit.