< Psalms 139 >

1 “To the chief musician, by David, a psalm.” O Lord! thou hast searched me through, and thou knowest [me].
Yahweh, sinayasat mo ako at kilala.
2 Thou indeed knowest my sitting down and my rising up, thou understandest my thinking while yet afar off.
Alam mo kung kailan ako uupo at babangon; kahit malayo ka sa akin nauunawaan mo ang aking saloobin.
3 My walking and my lying down hast thou limited, and with all my ways art thou acquainted.
Minamasdan mo ang aking daan at kapag ako ay nahihiga; alam mo ang lahat sa aking pamumuhay.
4 For, while there is not a word on my tongue, lo, thou, O Lord, knowest it entirely.
Yahweh, wala akong sinasabi na hindi mo lubos na alam.
5 Behind and before hast thou hedged me in, and thou placest upon me thy hand.
Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin.
6 Too wonderful is such knowledge for me: it is too exalted, I cannot attain unto it.
Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan.
7 Whither shall I go from thy spirit? or whither shall I flee away from thy presence?
Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya?
8 If I should ascend into heaven, thou art there; and if I should make my bed in the nether world, behold, thou art there. (Sheol h7585)
Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka. (Sheol h7585)
9 If I should lift up the wings of the morning-dawn, if I should dwell in the uttermost parts of the sea:
Kung lilipad ako palayo sa mga pakpak ng umaga at pupunta para mamuhay sa pinakamalayong mga bahagi sa kabila ng karagatan,
10 Even there would thy hand lead me, and thy right hand would seize hold of me.
kahit doon ang iyong kamay ang aakay sa akin, at ang iyong kanang kamay ang hahawak sa akin.
11 If I said, Surely darkness shall enshroud me, and into night [be turned] the light about me:
Kung sasabihin ko, “Tiyak na itatago ako ng kadiliman at ang gabi ang aking magiging liwanag;”
12 Yet even darkness can obscure nothing from thee; but the night will shine like the day; both the darkness and the light are alike [to thee].
hindi makakapagtago kahit ang kadiliman mula sa iyo. Lumiliwanag ang gabi tulad ng umaga, dahil ang kadiliman at liwanag ay magkatulad sa iyo.
13 For thou possessest my reins: thou hast covered me in my mother's womb.
Ikaw ang humulma sa aking pagkatao; ikaw ang humulma sa akin sa sinapupunan ng aking ina.
14 I will thank thee therefore, that I am [so] fearfully [and] wonderfully made: wonderful are thy works; and that my soul knoweth right well.
Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay.
15 My being was not concealed from thee, when I was made in secret, when I was [so to say] embroidered in the lowest parts of the earth.
Ang aking katawan ay hindi naitago mula sa iyo noong ako ay lihim na binuo, noong ako ay magulong nilikha sa kailaliman ng mundo.
16 My undeveloped substance did thy eyes see; and in thy book were all of them written down—the days which have been formed, while yet not one of them was here.
Nakita mo ako sa loob ng sinapupunan; ang lahat ng araw na nakatalaga para sa akin ay nakatala sa iyong libro kahit bago pa ito ang unang nangyari.
17 And how precious are unto me thy thoughts, O God! how mightily great is their sum!
Napakahalaga ng iyong kaisipan sa akin, O Diyos! Napakalawak ng kanilang kabuuan.
18 Should I count them, they would be more numerous than the sand: I awake, and I am still with thee.
Kung susubukan ko itong bilangin, (sila) ay higit pa sa bilang ng mga buhangin. Sa aking paggising, ako ay nasa iyo pa rin.
19 If thou wouldst but slay the wicked, O God! and ye men of blood, depart from me.
Kung iyo lamang papatayin ang masasama, O Diyos; lumayo sa akin, ikaw na marahas na tao.
20 Who speak of thee for a wicked end, thy enemies, that bear [thy name] for a vain purpose.
(Sila) ay naghihimagsik laban sa iyo at kumikilos nang may pandaraya; ang iyong mga kaaway ay nagsisinungaling.
21 Behold, those that hate thee I ever hate, O Lord; and for those that rise up against thee do I feel loathing.
Hindi ko ba kapopootan ang mga napopoot sa iyo, Yahweh? Hindi ko ba kasusuklaman silang lumalaban sa iyo?
22 With the utmost hatred do I hate them: enemies are they become unto me.
Lubos ko silang kinapopootan; (sila) ay naging mga kaaway ko.
23 Search me through, O God, and know my heart; probe me, and know my thoughts:
Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso; subukin mo ako at alamin ang aking saloobin.
24 And see if there be a way of perverseness in me, and lead me on the way of eternity.
Tingnan mo kung mayroong masamang paraan sa akin, at pangunahan mo ako sa daan ng walang hanggan.

< Psalms 139 >