< Joshua 9 >
1 And it came to pass, when all the kings that were on this side of the Jordan, in the mountain, and in the lowlands, and in all the coast of the great sea opposite Lebanon, the Hittites, and the Emorites, the Canaanites, the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites, heard this,
Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo—
2 That they assembled themselves all together, to fight with Joshua and with Israel, with one accord.
nagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng isang pamumuno, para magkipagdigma laban kay Josue at Israel.
3 And when the inhabitants of Gib'on heard what Joshua had done unto Jericho and unto 'Ai,
Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
4 They also did work wilily, and went and feigned to be messengers, and took old sacks for their asses, and wine-bottles, old, and rent, and bound up;
gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos.
5 And [put] old and patched-up shoes upon their feet, and old garments upon themselves; and all the bread of their provision was dry and mouldy.
Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.
6 And they went to Joshua unto the camp at Gilgal, and said unto him, and to the men of Israel, We are come from a far-off country; and now make ye a covenant with us.
Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, “Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
7 And the men of Israel said unto the Hivites, Peradventure ye dwell in the midst of us; and how can we make a covenant with you:
Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel sa mga Hivita, “Marahil kayo ay naninirahan sa malapit sa amin. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?”
8 And they said unto Joshua, We are thy servants. And Joshua said unto them, Who are ye? and whence come ye!
Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod.” Sinabi ni Josue sa kanila, “Sino kayo? Saan kayo nagmula?”
9 And they said unto him, From a very far-off country are thy servants come, because of the name of the Lord thy God; for we have heard his fame, and all that he hath done in Egypt;
Sinabi nila sa kaniya, “Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
10 And all that he hath done to the two kings of the Emorites, that were beyond the Jordan, to Sichon the king of Cheshbon, and to 'Og the king of Bashan, who was at 'Ashtaroth.
at lahat ng bagay na ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—kay Sihon hari ng Hesbon, at kay Og hari na Bashan na naroon sa Astarot.
11 Wherefore our elders and all the inhabitants of our country said to us, as followeth, Take provisions with you for the journey, and go to meet them, and say unto them, Your servants are we: and now make ye with us a covenant.
Sinabi sa amin ng aming nakatatanda at lahat ng naninirahan sa aming bansa, 'Magdala kayo ng mga pagkain sa inyong mga kamay para sa paglalakbay. Lumakad kayo at salubungin sila at sabihin sa kanila, “Kami ay inyong mga lingkod. Gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
12 This our bread we took hot for our provision out of our houses on the day we came forth to go unto you; and now, behold, it is dry, and it is become mouldy:
Ito ang aming tinapay, mainit pa ito nang kinuha namin sa aming mga bahay sa araw na aming itinakdang pumunta rito sa inyo. Pero ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at inaamag.
13 And these wine-bottles, which we filled, when new, — but behold, they are now become rent; and these our garments and our shoes are become worn out by reason of the very long journey.
Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay.”'
14 And the men took of their provisions, but the decision of the Lord they did not ask.
Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
15 And Joshua made peace with them, and made a covenant with them, to let them live; and the princes of the congregation swore unto them.
Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
16 And it came to pass at the end of three days after they had made a covenant with them, that they heard that they were their neighbors, and that they dwelt in the midst of them.
Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
17 And the children of Israel broke up, and came unto their cities on the third day; and their cities were Gib'on, and Kephirah, and Beeroth, and Kiryath-ye'arim.
Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.
18 And the children of Israel smote them not; because the princes of the congregation had sworn unto them by the Lord, the God of Israel; but all the congregation murmured against the princes.
Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno.
19 And all the princes said unto all the congregation, We have sworn unto them by the Lord the God of Israel: and now we cannot touch them.
Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, “Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.
20 This will we do to them, and we will let them live, that there be no wrath upon us, on account of the oath which we have sworn unto them.
Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
21 And the princes said unto them, Let them live: and they became hewers of wood and drawers of water unto all the congregation, as the princes had spoken unto them.
Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22 And Joshua called for them, and he spoke unto them, saying, Wherefore have ye deceived us, saying, We are very far from you: whereas ye dwell in the midst of us?
Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, “Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin?
23 And now be ye cursed, and there shall not cease to be of you servants and hewers of wood and drawers of water for the house of my God.
Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.”
24 And they answered Joshua, and said, Because it was certainly told thy servants, how that the Lord thy God had commanded his servant Moses to give unto you all the land, and to destroy all the inhabitants of the land from before you; wherefore we were sore afraid for our lives because of you, and we have done this thing.
Sumagot sila kay Josue at sinabi, “Dahil sinabi ito sa inyong mga lingkod na inutusan ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang lingkod na si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain, at wasakin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa iyong harapan—kaya labis kaming natakot para sa aming mga buhay dahil sa inyo. Kaya iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin ang bagay na ito.
25 And now, behold, we are in thy hand; as it seemeth good and right in thy eyes to do unto us, so do.
Ngayon, tumingin ka, hawak mo kami sa iyong kapangyarihan. Anuman ang palagay ninyong mabuti at tama para gawin ninyo sa amin, gawin ito.”
26 And he did unto them thus; and he delivered them out of the hand of the children of Israel, and they slew them not.
Kaya ginawa ito ni Josue para sa kanila: tinanggal niya sila sa pamamahala ng bayan ng Israel, at hindi nila pinatay ng mga Israelita.
27 And Joshua appointed them on that day hewers of wood and drawers of water for the congregation, and for the altar of the Lord, even unto this day, for the place which he should choose.
Sa araw na iyon ginawa ni Josue ang mga Gabaonita na mga pamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa komunidad, at para sa altar ni Yahweh, hanggang sa araw na ito, sa lugar na pinili ni Yahweh.