< Jeremiah 4 >

1 If thou wilt return, O Israel, saith the Lord, unto me must thou return; and if thou wilt put away thy abominations out of my sight, then shalt thou not wander about [any more].
Ito ang pahayag ni Yahweh. “Kung babalik ka Israel, dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis mo ang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan at hindi na lilihis muli sa akin
2 And if thou wilt swear, As the Lord liveth, in truth, in justice, and in righteousness: then shall nations bless themselves in him, and in him shall they glorify themselves.
at kung ipapangako mo, 'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan at katuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapala at pupurihin nila ako.
3 For thus hath said the Lord to the men of Judah and to Jerusalem, Plough up your fallow ground, that ye may not sow among thorns.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyo ang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasik sa mga matitinik.
4 Circumcise yourselves to the Lord, and remove the obduracy of your heart, O ye men of Judah and inhabitants of Jerusalem: lest my fury come forth like fire, and burn so that none can quench it, because of the evil of your doings.
Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mga kalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem, kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunog na walang sinumang makapapatay nito. Mangyayari ito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
5 Tell ye in Judah, and publish in Jerusalem, and say, Blow ye the cornet in the land: call out, gather together, and say, Assemble yourselves, and let us go into the fortified cities.
Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod.”
6 Set up the standard toward Zion; save yourselves by flight, stay not; for evil do I bring from the north, and a great destruction.
Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito sa Zion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong manatili sapagkat magdudulot ako ng sakuna mula sa hilaga at isang malaking pagkawasak.
7 The lion is come up from his thicket, and the destroyer of nations hath commenced his march, he is gone forth from his place, to make thy land desolate; and thy cities shall be laid waste, left without an inhabitant.
Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.
8 For this gird yourselves with sackcloths, lament and wail; for the fierce anger of the Lord is not turned away from us.
Dahil dito, magsuot kayo ng damit panluksa, magsipanaghoy at magsitangis. Sapagkat hindi nawala ang matinding poot ni Yahweh sa atin.
9 And it shall come to pass on that day, saith the Lord, that the heart of the king and the heart of the princes shall fail; and the priests shall be astonished, and the prophets shall wonder.
Ito ang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw na iyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal ay mamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginig sa takot ang mga propeta.'”
10 Then said I, Ah, Lord Eternal! surely thou hast greatly deceived this people and Jerusalem, saying, Ye shall have peace; whereas the sword reacheth unto the soul.
Kaya sinabi ko, 'Oh! Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo ng lubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi, 'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklas ang mga espada laban sa kanilang mga buhay.
11 At that time shall be announced to this people and to Jerusalem a dry wind from the mountain-peaks in the wilderness, [coming] on the road to the daughter of my people; not to winnow, nor to cleanse [the corn],
Sa oras na iyon, sasabihin ito sa mga tao at sa Jerusalem, “Isang nag-aapoy na hangin mula sa mga kapatagan sa disyerto ang darating sa anak na babae ng aking mga tao. Hindi ito ang magtatahip o maglilinis sa kanila.
12 A strong wind from these places shall come unto me: now also will I myself pronounce judgment against them.
Isang hangin na mas malakas pa dito ang darating sa aking utos, at ngayon ay hahatulan ko sila.
13 Behold, like clouds shall he come up, and like a whirlwind shall be his chariots: swifter than eagles are his horses. “Woe unto us! for we are wasted.”
Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
14 Wash from wrong doing thy heart, O Jerusalem, in order that thou mayest be saved. How long wilt thou let lodge within thee the thoughts of thy wickedness?
Linisin mo ang iyong puso mula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaring maligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim ang tungkol sa kung paano magkasala?
15 For a voice declareth from Dan, and publisheth unhappiness from the mountain of Ephraim.
Sapagkat ang isang tinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinig ang paparating na sakuna mula sa kabundukan ng Efraim.
16 Make ye mention of it to the nations; behold, let it be heard against Jerusalem, that beleaguerers come from a far-off country, and send forth their voice against the cities of Judah.
Hayaang isipin ng mga bansa ang tungkol dito. Tingnan ninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating ang mga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ng pakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda.
17 As keepers of a field are they against her round about; because against me hath she been rebellious, saith the Lord.
Magiging tulad sila ng mga kalalakihang tagapagbantay na nakapalibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya laban sa akin.
18 Thy way and thy doings have procured these things unto thee: this is thy wickedness, which is so bitter, which so reacheth unto thy heart.
At ang iyong mga pag-uugali at mga gawain ang gumawa ng mga bagay na ito sa iyo. Ito ang magiging kaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.
19 My bowels, my bowels! I am shaken, at the very chambers of my heart; my heart beateth tumultuously in me; I cannot remain silent; because the sound of the cornet hast thou heard, O my soul, the alarm of war.
Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.
20 Ruin upon ruin is called out; for the whole land is wasted: suddenly are my tents wasted, and in a moment, my curtains.
Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
21 How long shall I see the standard, hear the sound of the cornet?
Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
22 “Because my people is foolish, me have they not known; sottish children are they, and they have not any understanding: wise are they to do evil, but how to do good they do not know.”
Sapagkat ang kahangalan ng aking mga tao ay hindi nila ako kilala. Mga hangal silang tao at wala silang pang-unawa. Mahusay sila sa paggawa ng kasamaan ngunit hindi nila alam ang gumawa ng kabutihan.
23 I look at the earth, and, lo, it is without form and void; and toward the heavens, and their light is gone.
Nakita ko ang lupain at tingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkat walang liwanag sa kalangitan.
24 I look at the mountains, and, lo, they tremble, and all the hills are moved.
Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
25 I look, and, lo, there is no man, and all the birds of the heavens are fled.
Tumingin ako. Masdan, wala ni isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.
26 I look, and, lo, the fruitful country is a wilderness, and all its cities are laid waste at the presence of the Lord, because of the fierceness of his anger.
Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay naging isang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsak sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matinding poot.”
27 For thus hath said the Lord, Desolate shall be the whole land; yet a full end will I not make.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang lahat ng lupain ay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.
28 For this shall mourn the earth, and black shall be the heavens above; because I have spoken it, I have purposed it, and I will not repent, and I will not turn back from it.
Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag ko ang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi ko tatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito.
29 From the noise of horsemen and those that shoot with the bow fleeth the whole city; they go into thickets, and climb up upon the rocks: every city is forsaken, and not a man dwelleth therein.
Ang bawat lungsod ay tatakas mula sa ingay ng mga mangangabayo at mamamana, tatakbo sila sa kagubatan. Bawat lungsod ay aakyat sa mga mabatong lugar. Mapapabayaan ang mga lungsod, sapagkat walang sinuman ang maninirahan dito.
30 And thou, O wasted one, what wilt thou do? Though thou clothe thyself with scarlet, though thou adorn thyself with ornaments of gold, though thou encircle with paint thy eyes: in vain shalt thou make thyself beautiful; the adulterers will despise thee, thy life will they seek.
Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo? Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak ng gintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda ang iyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.
31 For a voice as of a woman in travail have I heard, the anguish as of one that bringeth forth her first child, the voice of the daughter of Zion, that groaneth, that spreadeth out her hands, [saying, ] “Woe is me now! for my soul succumbeth to the murderers.”
Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'”

< Jeremiah 4 >