< Isaiah 2 >
1 The word that Isaiah the son of Amoz foresaw concerning Judah and Jerusalem.
Ang mga nakita ni Isaias, anak ni Amos, sa isang pangitain patungkol sa Juda at Jerusalem.
2 And it shall come to pass in the last days, that the mountain of the Lord's house shall be firmly established on the top of the mountains, and shall be exalted above the hills; and unto it shall flow all the nations.
Sa mga huling araw, ang bundok ng tahanan ni Yahweh ay itataguyod bilang pinakamataas sa mga bundok, at itataas sa tuktok ng mga burol; at dadaloy ang lahat ng bansa mula dito.
3 And many people shall go and say, Come ye, and let us go up to the mountain of the Lord, to the house of the God of Jacob; that he may teach us of his ways, and we may walk in his paths; for out of Zion shall go forth the law, and the word of the Lord out of Jerusalem.
Maraming tao ang pupunta at magsasabing, “Halika, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob para turuan niya tayo ng kaniyang mga pamamaraan at sa gayon lumakad tayo sa kaniyang landas.” Dahil sa Sion magmumula ang batas, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
4 And he will judge among the nations, and decide for many people; and they shall beat their swords into ploughshares, and their spears into pruning-knives: nation shall not lift up sword against nation, and they shall not learn any more war.
Hahatulan niya ang mga bansa at magbababa siya ng mga desisyon para sa mga tao; papandayin nila ang mga espada nila para gawing pang-araro at ang mga sibat nila para gawing tabak; hindi na huhugot ng espada ang isang bansa laban sa isang bansa o magsasanay pa para sa digmaan.
5 O house of Jacob, come ye, and let us walk in the light of the Lord.
Lumapit ka, angkan ni Jacob, at lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
6 For thou hast abandoned thy people, the house of Jacob, because they are full of [witchcraft] more than the east, and are soothsayers like the Philistines, and with the children of strangers they unite themselves.
Dahil iniwan mo ang iyong bayan, ang angkan ni Jacob, dahil puno sila ng kaugaliang galing sa silangan at sila ay mga manghuhula gaya ng mga Filisteo, at nakikipagkamay sila sa mga anak ng mga dayuhan.
7 And full became their land of silver and gold, and there is no end to their treasures; and full became their land of horses, and there is no end to their chariots;
Puno ng pilak at ginto ang lupain nila, at walang hanggan ang yaman nila; puno ng mga kabayo ang lupain nila, maging ang mga karwahe nila, hindi rin mabilang.
8 And full became their land of idols; to the work of their own hands they bow themselves, to what their own fingers have made.
Puno rin ng diyus-diyosan ang lupain nila; sinasamba nila ang mga inukit ng sarili nilang mga kamay, mga bagay na hinulma ng mga daliri nila.
9 And so is bent down the son of earth, and humbled the man; and thou wilt not forgive them.
Yuyuko ang mga tao at magpapatirapa ang bawat isa; huwag mo silang tanggapin.
10 Enter into the rock, and hide thee in the dust, because of the dread of the Lord, and because of the glory of his majesty.
Pumunta kayo sa mababatong lugar at magtago kayo sa ilalim ng lupa dahil sa pagkatakot kay Yahweh at dahil sa kaluwalhatian at karangyaan niya.
11 The looks of human pride shall be humbled, and the haughtiness of men shall be bent down: and exalted shall be the Lord alone on that day.
Ibababa ang mapagmataas na titig ng mga tao, ibabagsak ang kahambugan ng mga tao at si Yawheh lang ang itataas sa araw na iyon.
12 For there is a day [of judgment] unto the Lord of hosts over every proud and lofty one; and over every exalted one, that he be brought low;
Dahil darating ang araw ni Yahweh ng mga hukbo laban sa bawat hambog at matatayog, at laban sa mapagmataas, at siya ay babagsak —
13 And over all the cedars of the Lebanon, the high and exalted, and over all the oaks of Bashan;
at laban sa lahat ng sedar ng Lebanon na mataas at inangat, at laban sa mga owk ng Bashan,
14 And over all the high mountains, and over all the exalted hills;
at laban sa lahat ng matataas na bundok, at laban sa lahat ng itinaas na burol,
15 And over every high tower, and over every fortified wall;
at laban sa bawat mataas na tore, at laban sa bawat matitibay na pader, at laban sa mga barko ng Tarsis,
16 And over all the ships of Tharshish; and over all desirable palaces.
at laban sa lahat ng magagandang barkong panglayag.
17 And the pride of man shall be bent down, and the haughtiness of men shall be humbled: and exalted shall be the Lord alone on that day.
Ang yabang ng tao ay ibababa at ang kapalaluan ng mga tao ay babagsak; tanging si Yahweh lang ang itataas sa araw na iyon.
18 And the idols will he utterly abolish.
Ganap na maglalaho ang mga diyus-diyosan.
19 And men shall enter into the caverns of rocks, and into the rifts of the earth, because of the dread of the Lord, and because of the glory of his majesty, when he ariseth to terrify the earth.
Pupunta ang mga tao sa mga kweba ng mga bato at mga butas ng lupa mula sa pagkatakot kay Yahweh, at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang karangyaan kapag tumayo siya para sindakin ang mundo.
20 On that day shall a man cast away his idols of silver, and his idols of gold, which have been made for him to worship, to the moles and to the bats;
Sa araw na iyon, itatapon ng mga tao ang mga diyus-diyosan nila na yari sa pilak at ginto na ginawa nila para sambahin nila —itatapon nila ito sa mga mowl at paniki.
21 To enter into the clefts of the rocks, and into the hollows of the cliffs, because of the dread of the Lord, and because of the glory of his majesty, when he ariseth to terrify the earth.
Pupunta ang mga tao sa mga kweba ng mga bato tungo sa siwang ng mga sira-sirang bato, mula sa pagkatakot kay Yahweh at sa kaluwalhatian ng karangyaan niya, kapag tumayo siya para sindakin ang mundo.
22 Withdraw yourselves [then] from man, whose breath is in his nostrils; because, for what is he to be esteemed?
Huwag na kayong magtiwala sa tao, na ang hininga ng buhay ay nasa mga ilong niya, sapagkat ano ang halaga niya?