< Exodus 5 >

1 And after that Moses and Aaron went in, and said unto Pharaoh, Thus hath said the Everlasting One, the God of Israel, Let my people go, that they may hold a feast unto me in the wilderness.
At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang.
2 And Pharaoh said, Who is the Everlasting, whose voice I am to obey, to let Israel go? I know not the Everlasting, nor will I let Israel go.
At sinabi ni Faraon, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel.
3 And they said, The God of the Hebrews hath met with us: let us go, we pray thee, a three days' journey into the desert, and sacrifice unto the Lord our God; lest he fall upon us with the pestilence, or with the sword.
At kanilang sinabi, Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang, at maghain sa Panginoon naming Dios, baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak.
4 And the king of Egypt said unto them, Wherefore do ye, Moses and Aaron, hinder the people from their works? get you unto your own affairs.
At sinabi sa kanila ng hari sa Egipto, Bakit kinakalagan ninyo, Moises at Aaron, ang bayan sa kanilang mga gawain? pumaroon kayo sa mga atang sa inyo.
5 And Pharaoh said, Behold, the people of the land now are many, and ye disturb them in the pursuit of their labors.
At sinabi ni Faraon, Narito, ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon, at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila.
6 And Pharaoh commanded on the same day the taskmasters of the people, and its officers, saying,
At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno, na sinasabi,
7 Ye shall no more give the people straw to make the bricks, as yesterday and the day before; they themselves shall go and gather themselves straw.
Huwag na ninyong bibigyan ang bayan, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili.
8 And the number of the bricks, which they did make heretofore, ye shall impose upon them, ye shall not diminish aught thereof; for they are idle: therefore they cry, saying, Let us go and sacrifice to our God.
At ang bilang ng mga laryo, na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila; wala kayong babawasin: sapagka't sila'y mga pagayongayon; kaya't sila'y dumadaing, na nagsasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa aming Dios.
9 Let the work be made to lie heavily upon the men, that they may have enough to do therein; and that they may not pay attention to false words.
Pabigatin ninyo ang gawain ng mga lalake upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pakitunguhan ang mga kabulaanang salita.
10 And the taskmasters of the people and its officers went out, and they said to the people, saying, Thus saith Pharaoh, I will not give you any straw.
At ang mga tagapagpaatag sa bayan, ay nagsilabas, at kanilang sinalita sa bayan, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Faraon, Hindi ko kayo bibigyan ng dayami.
11 Go ye, get yourselves straw from wherever ye can find it; yet not the least shall be taken off from your work.
Yumaon kayo ng inyong sarili, kumuha kayo ng dayami kung saan kayo makakakuha: sapagka't walang babawasin kaunti man sa inyong gawain.
12 And the people scattered themselves abroad throughout all the land of Egypt to gather stubble instead of straw.
Kaya't ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Egipto, na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami.
13 And the taskmasters were urgent, saying, Fulfill your works, every day its due portion, just as when there was straw.
At hinihigpitan sila ng mga tagapagpaatag, na sinasabi, Tapusin ninyo ang inyong mga gawa, ang inyong gawain sa araw-araw, na gaya nang mayroong kayong dayami.
14 And the officers of the children of Israel, whom the taskmasters of Pharaoh had set over them, were beaten, as these said, Wherefore have ye not fulfilled your task in making brick as heretofore, both yesterday and today?
At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon, ay nangapalo, at sa kanila'y sinabi, Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon, sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati?
15 And the officers of the children of Israel came and cried unto Pharaoh, saying, Wherefore dealest thou thus with thy servants?
Nang magkagayo'y ang mga pinuno sa mga anak ni Israel ay naparoon at dumaing kay Faraon, na nagsasabi, Bakit mo ginaganyan ang iyong mga alipin?
16 Straw is not given unto thy servants, and, Make bricks, say they to us: and, behold, thy servants are beaten, and thy people are treated as sinners.
Walang anomang dayami, na ibinibigay sa iyong mga alipin, at kanilang sinasabi sa amin, Gumawa kayo ng laryo: at, narito, ang iyong mga alipin ay nangapapalo; nguni't ang sala'y nasa iyong sariling bayan.
17 But he said, Idle are ye, idle; therefore say ye, Let us go and sacrifice to the Lord.
Datapuwa't kaniyang sinabi, Kayo'y mga pagayongayon, kayo'y mga pagayongayon: kaya't inyong sinasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa Panginoon.
18 And now go, work, and straw shall not be given you; yet the required number of bricks shall ye deliver.
Kayo nga'y yumaon ngayon at gumawa; sapagka't walang anomang dayaming ibibigay sa inyo, at gayon ma'y inyong ibibigay ang bilang ng mga laryo.
19 And the officers of the children of Israel saw themselves in the evil necessity to say, Ye shall not diminish aught from your bricks, every day of its task.
At nakita ng mga pinuno ng mga anak ni Israel, na sila'y nasa masamang kalagayan, nang sabihin, Walang mababawas na anoman sa inyong mga laryo sa inyong gawain sa araw-araw.
20 And they met Moses and Aaron, standing in their way, as they came forth from Pharaoh.
At kanilang nasalubong si Moises at si Aaron na nagsitayo sa daan, pagkapanggaling kay Faraon:
21 And they said unto them, May the Lord look upon you, and judge; because ye have made our savor to be abhorred in the eyes of Pharaoh, and the eyes of his servants, to put a sword in their hand to slay us.
At sinabi nila sa kanila, Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin.
22 And Moses returned unto the Lord, and said, Lord, wherefore hast thou let so much evil come upon this people? why is it that thou hast sent me?
At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito? bakit mo sinugo ako?
23 For, since I came unto Pharaoh to speak in thy name, he hath done more evil to this people; but thou hast in nowise delivered thy people.
Sapagka't mula nang ako'y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan, ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito: at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan.

< Exodus 5 >