< 1 Kings 3 >

1 And Solomon intermarried with Pharaoh the king of Egypt, and took the daughter of Pharaoh, and brought her into the city of David, until he had finished building his own house, and the house of the Lord, and the wall of Jerusalem round about.
At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.
2 But the people sacrificed still on the high-places; because there was no house built unto the name of the Lord, until those days.
Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon.
3 And Solomon loved the Lord, walking in the statutes of David his father: only that he sacrificed and burnt incense on the high-places.
At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako.
4 And the king went to Gib'on to sacrifice there; for that was the great high-place: one thousand burnt-offerings did Solomon offer upon that altar.
At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon.
5 In Gib'on the Lord appeared to Solomon in a dream of the night: and God said, Ask what I shall give thee.
Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
6 And Solomon said, Thou hast shown unto thy servant David my father great kindness, just as he walked before thee in truth, and in righteousness, and in uprightness of heart with thee; and thou hast kept for him this great kindness, and thou hast given him a son who sitteth on his throne, as it is this day.
At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.
7 And now, O Lord my God, thou hast made thy servant king in the place of David my father: and I am but a young lad; I know not how to go out or come in.
At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.
8 And thy servant is in the midst of thy people which thou hast chosen, a great people, that cannot he numbered nor counted for multitude.
At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan.
9 Give therefore thy servant an understanding heart to judge thy people, to discern between good and bad; for who would [otherwise] be able to judge this thy great people?
Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?
10 And the speech was pleasing in the eyes of the Lord, that Solomon had asked this thing.
At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito.
11 And God said unto him, Because thou hast asked this thing, and hast not asked for thyself long life; and hast not asked for thyself riches, nor hast asked the life of thy enemies; but hast asked for thyself discernment to understand [how to give] judgment:
At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;
12 Behold, I have done according to thy word; lo, I have given thee a wise and a discerning heart; so that like unto thee there was none before thee, nor after thee shall any one arise like unto thee.
Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.
13 And also what thou hast not asked have I given thee, both riches and honor: so that like unto thee there shall not have been any one among the kings all thy days.
At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan, na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.
14 And if thou wilt walk in my ways, to keep my statutes and my commandments, as thy father David did walk, then will I lengthen thy days.
At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.
15 And Solomon awoke, and, behold, it was a dream; and he went to Jerusalem, and stood before the ark of the covenant of the Lord, and offered up burnt-offerings, and prepared peace-offerings, and made a feast to all his servants.
At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
16 Then came there two women, that were harlots, unto the king, and placed themselves before him.
Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya.
17 And the one woman said, Pardon, my Lord, I and this woman dwell in one house; and I was delivered of a child with her in the house.
At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya.
18 And it came to pass on the third day after I was delivered, that also this woman was delivered: and we were together, there was no stranger with us in the house, only we two were in the house.
At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay.
19 And this woman's son died in the night; because she had overlaid him.
At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan.
20 And she arose in the midst of the night, and took my son from beside me, while thy hand-maid slept, and laid him in her bosom, and her dead son she laid in my bosom.
At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan.
21 And when I rose in the morning to give my son suck, behold, he was dead; but when I looked at him carefully in the morning, behold, it was not my son, whom I had born.
At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak.
22 And the other woman said, It is not so; my son is the living one, and thy son is the dead; and this one said, It is not so; thy son is the dead, and my son is the living: thus they spoke before the king.
At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari.
23 Then said the king, This one saith, This is my son that liveth, and thy son is dead: and the other saith, It is not so; thy son is the dead, and my son is the living.
Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay.
24 And the king said, Fetch me a sword: and they brought the sword before the king.
At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari.
25 And the king said, Hew the living child in two, and give the one half to one, and the other half to the other.
At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa.
26 Then spoke the woman whose son was the living unto the king, for her love had become enkindled for her son, and she said, O pardon, my Lord, give her the living child, and only do not slay it; but the other said, Neither mine nor thine shall it be, hew it asunder.
Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya.
27 The king then answered and said, Give her the living child, and do not slay it: she is its mother.
Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya.
28 And when all Israel heard of the judgment which the king had given, they feared the king; for they saw that the wisdom of God was in him, to exercise justice.
At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.

< 1 Kings 3 >