< 1 Kings 17 >

1 Then said Elijah the Tishbite, who was of the inhabitants of Gil'ad, unto Achab, As the Lord the God of Israel liveth, before whom I have stood, there shall not be in these years dew or rain, except according to my word.
At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.
2 And the word of the Lord came unto him, saying,
At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,
3 Go away from here, and turn thyself eastward, and hide thyself by the brook Kerith, which is to the east of the Jordan.
Umalis ka rito, at lumiko ka sa dakong silanganan, at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith na nasa tapat ng Jordan.
4 And it shall be, that out of the brook shalt thou drink; and the ravens have I ordained to sustain thee there.
At mangyayari, na ikaw ay iinom sa batis; at aking iniutos sa mga uwak na pakanin ka roon.
5 And he went and did according to the word of the Lord; and he went and remained by the brook Kerith, that is to the east of the Jordan.
Sa gayo'y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng Panginoon: sapagka't siya'y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ng Jordan.
6 And the ravens brought him bread and flesh in the morning, and bread and flesh in the evening: and out of the brook he used to drink.
At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya'y umiinom sa batis.
7 And it came to pass after a while that the brook dried up; because there had been no rain in the land.
At nangyari, pagkaraan ng sanggayon, na ang batis ay natuyo, sapagka't walang ulan sa lupain.
8 And the word of the Lord came unto him, saying,
At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na sinasabi,
9 Arise, go unto Zarephath, which belongeth to Zidon, and remain there: behold, I have ordained there a widow-woman to sustain thee.
Ikaw ay bumangon, paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan ang isang baong babae roon na pakanin ka.
10 So he arose and went to Zarephath; and when he came to the gate of the city, behold, there was there a widow-woman gathering sticks of wood: and he called her, and said, Fetch me, I pray thee, a little water in a vessel, that I may drink.
Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Sarepta; at nang siya'y dumating sa pintuan ng bayan, narito, isang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom.
11 And as she went to fetch it, he called to her, and said, Bring me, I pray thee, a morsel of bread in thy hand.
At nang siya'y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay.
12 And she said, As the Lord thy God liveth, I have nothing baked, but a handful of meal in a jar, and a little oil in a cruise: and, behold, I am gathering a couple of sticks, that I may go in and prepare it for me and my son; and when we have eaten it, we shall have to die.
At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.
13 And Elijah said unto her, Fear not; go and do as thou hast said; but make me thereof a little cake at first, and bring it out unto me, and for thee and for thy son shalt thou prepare [something] afterward.
At sinabi ni Elias sa kaniya, Huwag kang matakot; yumaon ka, at gawin mo ang iyong sinabi, nguni't igawa mo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin, at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak.
14 For thus hath said the Lord the God of Israel, The jar of meal shall not fail, neither shall the cruise of oil diminish, until the day that the Lord giveth rain upon the face of the earth.
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan, o ang banga ng langis man ay mababawasan hanggang sa araw na magpaulan ang Panginoon sa ibabaw ng lupa.
15 And she went and did according to the word of Elijah: and she, and he, and her household, did eat [many] days.
At siya'y yumaon, at ginawa ang ayon sa sabi ni Elias: at kumain ang babae, at siya, at ang kaniyang sangbahayan na maraming araw.
16 The jar of meal failed not, nor did the cruise of oil diminish, according to the word of the Lord, which he had spoken through means of Elijah.
Ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man ay nabawasan, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Elias.
17 And it came to pass after these events, that the son of the woman, the mistress of the house, fell sick; and his sickness became very severe, until that at length there was no breath left in him.
At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang anak na lalake ng babae, na may-ari ng bahay ay nagkasakit; at ang kaniyang sakit ay malubha, na walang hiningang naiwan sa kaniya.
18 And she said unto Elijah, What have I to do with thee, O man of God? thou art come unto me to call my sin to remembrance, and to slay my son!
At sinabi niya kay Elias, Ano ang ipakikialam ko sa iyo, Oh ikaw na lalake ng Dios? ikaw ay naparito sa akin upang ipaalala mo ang aking kasalanan, at upang patayin ang aking anak!
19 And he said unto her, Give me thy son. And he took him out of her bosom, and carried him up into the upper chamber, in which he abode, and he laid him upon his own bed.
At sinabi niya sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong anak. At kinuha niya sa kaniyang kandungan, at dinala sa silid na kaniyang tinatahanan, at inihiga sa kaniyang sariling higaan.
20 And he called unto the Lord, and said, O Lord my God, hast thou also brought evil upon the widow with whom I sojourn, by slaying her son?
At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak?
21 And he stretched himself out over the child three times, and called unto the Lord, and said, O Lord my God, let, I pray thee, the soul of this child return again within him.
At siya'y umunat sa bata na makaitlo, at dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito.
22 And the Lord listened to the voice of Elijah: and the soul of the child returned into him, and he revived.
At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya'y muling nabuhay.
23 And Elijah took the child, and brought him down out of the upper chamber into the house, and gave him unto his mother; and Elijah said, See, thy son liveth.
At kinuha ni Elias ang bata, at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid, at ibinigay siya sa kaniyang ina: at sinabi ni Elias, Tingnan mo, ang iyong anak ay buhay.
24 And the woman said to Elijah, Now by this do I know, that thou art a man of God, and the word of the Lord in thy mouth is truth.
At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo'y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan.

< 1 Kings 17 >