< Numbers 35 >
1 And the LORD spake unto Moses in the plains of Moab by Jordan [near] Jericho, saying,
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico at sinabi,
2 Command the children of Israel, that they give unto the Levites of the inheritance of their possession cities to dwell in; and ye shall give [also] unto the Levites suburbs for the cities round about them.
“Utusan mo ang mga tao ng Israel na magbigay ng ilan sa kanilang mga bahagi ng lupain sa mga Levita. Dapat nila silang bigyan ng mga lungsod upang tirahan at lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na iyon.
3 And the cities shall they have to dwell in; and the suburbs of them shall be for their cattle, and for their goods, and for all their beasts.
Kukunin ng mga Levita ang mga lungsod na ito para panahanan. Ang lupaing pastulan ay magiging para sa kanilang mga baka, sa kanilang mga kawan, at sa lahat ng kanilang mga hayop.
4 And the suburbs of the cities, which ye shall give unto the Levites, [shall reach] from the wall of the city and outward a thousand cubits round about.
Ang mga lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na inyong ibibigay sa mga Levita ay dapat isang libong kubit sa bawat panig mula sa mga pader ng lungsod.
5 And ye shall measure from without the city on the east side two thousand cubits, and on the south side two thousand cubits, and on the west side two thousand cubits, and on the north side two thousand cubits; and the city [shall be] in the midst: this shall be to them the suburbs of the cities.
Dapat kang sumukat ng dalawang libong kubit mula sa labas ng lungsod sa silangang bahagi, at dalawang libong kubit sa timugang bahagi, at dalawang libong kubit sa kanlurang bahagi, at dalawang libong kubit sa hilagang bahagi. Ito ang magiging lupaing pastulan para sa kanilang mga lungsod. Ang mga lungsod ay magiging nasa gitna.
6 And among the cities which ye shall give unto the Levites [there shall be] six cities for refuge, which ye shall appoint for the manslayer, that he may flee thither: and to them ye shall add forty and two cities.
Anim sa mga lungsod na iyong ibibigay sa mga Levita ay dapat magsilbing mga lungsod ng kanlungan. Dapat mong ilaan ang mga ito bilang mga lugar na maaaring matakasan ng mga akusadong mamamatay-tao. Maglaan ka rin ng ibang apatnapu't dalawang lungsod.
7 [So] all the cities which ye shall give to the Levites [shall be] forty and eight cities: them [shall ye give] with their suburbs.
Ang mga lungsod na ibibigay mo sa mga Levita ay may kabuuang apatnapu't walo. Dapat mong ibigay ang kanilang mga lupaing pastulan kasama ng mga ito.
8 And the cities which ye shall give [shall be] of the possession of the children of Israel: from [them that have] many ye shall give many; but from [them that have] few ye shall give few: every one shall give of his cities unto the Levites according to his inheritance which he inheriteth.
Ang mga malalaking tribu ng mga tao ng Israel, ang mga tribu na may maraming lupain, ang dapat magbigay ng maraming lungsod. Ang mga tribu na mas maliit ay magbibigay ng kaunting lungsod. Bawat tribu ay dapat magbigay para sa mga Levita ayon sa bahaging natanggap nito.”
9 And the LORD spake unto Moses, saying,
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
10 Speak unto the children of Israel, and say unto them, When ye be come over Jordan into the land of Canaan;
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag tumawid kayo sa Jordan patungo sa lupain ng Canaan,
11 Then ye shall appoint you cities to be cities of refuge for you; that the slayer may flee thither, which killeth any person at unawares.
dapat kayong pumili ng mga lungsod na magsisilbing mga lungsod ng kublihan para sa inyo, upang sinumang tao ang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas sa mga ito.
12 And they shall be unto you cities for refuge from the avenger; that the manslayer die not, until he stand before the congregation in judgment.
Ang mga lungsod na ito ang dapat magiging inyong kublihan mula sa tagapaghiganti, upang ang akusadong tao ay hindi mapapatay na walang unang paglilitis sa harap ng sambayanan.
13 And of these cities which ye shall give six cities shall ye have for refuge.
Dapat kayong pumili ng anim na lungsod bilang mga lungsod ng kublihan.
14 Ye shall give three cities on this side Jordan, and three cities shall ye give in the land of Canaan, [which] shall be cities of refuge.
Dapat kayong magbigay ng tatlong lungsod sa labas ng Jordan at tatlo sa lupain ng Canaan. Ang mga ito ang magiging mga lungsod ng kublihan.
15 These six cities shall be a refuge, [both] for the children of Israel, and for the stranger, and for the sojourner among them: that every one that killeth any person unawares may flee thither.
Para sa mga tao ng Israel, para sa mga dayuhan, para sa sinumang naninirahan sa piling ninyo, ang anim na lungsod na ito ay magsisilbing isang kublihan na maaaring matakasan ng sinumang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya.
16 And if he smite him with an instrument of iron, so that he die, he [is] a murderer: the murderer shall surely be put to death.
Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
17 And if he smite him with throwing a stone, wherewith he may die, and he die, he [is] a murderer: the murderer shall surely be put to death.
Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang bato sa kanyang kamay na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
18 Or [if] he smite him with an hand weapon of wood, wherewith he may die, and he die, he [is] a murderer: the murderer shall surely be put to death.
Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang sandatang kahoy na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
19 The revenger of blood himself shall slay the murderer: when he meeteth him, he shall slay him.
Ang kadugong tagapaghiganti ay maaari niyang patayin ang isang mamamatay-tao. Kapag makatagpo siya, maaari niyang patayin.
20 But if he thrust him of hatred, or hurl at him by laying of wait, that he die;
At kung pagbuhatan ng kamay ng isang akusadong tao ang sinuman sa galit o maghagis ng isang bagay sa kaniya, habang nagtatago upang tambangan siya, para mamatay ang biktima,
21 Or in enmity smite him with his hand, that he die: he that smote [him] shall surely be put to death; [for] he [is] a murderer: the revenger of blood shall slay the murderer, when he meeteth him.
o kung hinampas siya sa galit gamit ang kaniyang kamay upang mamatay ang biktima, ang akusadong humampas sa kaniya ay tiyak na papatayin. Isang siyang mamamatay-tao. Ang kadugong tagapaghiganti ay maaaring patayin ang mamamatay-tao kapag siya ay makasalubong niya.
22 But if he thrust him suddenly without enmity, or have cast upon him any thing without laying of wait,
Subalit kung biglang pinalo ng isang akusadong tao ang isang biktima nang walang galit o maghagis ng isang bagay na makatama sa biktima nang hindi inaasahan
23 Or with any stone, wherewith a man may die, seeing [him] not, and cast [it] upon him, that he die, and [was] not his enemy, neither sought his harm:
o kung maghahagis ng bato na makakapatay sa isang biktima nang hindi nakikita ang biktima, ang akusado ay hindi kaaway ng biktima, hindi niya sinasadyang saktan ang biktima. Gayon pa man, kung mamamatay ang biktima,
24 Then the congregation shall judge between the slayer and the revenger of blood according to these judgments:
sa ganoong kalagayan, dapat maghusga ang sambayanan sa pagitan ng inaakusahan at ng kadugong tagapaghiganti sa batayan ng mga batas na ito.
25 And the congregation shall deliver the slayer out of the hand of the revenger of blood, and the congregation shall restore him to the city of his refuge, whither he was fled: and he shall abide in it unto the death of the high priest, which was anointed with the holy oil.
Dapat iligtas ng sambayanan ang inaakusahan mula sa kapangyarihan ng kadugong tagapaghiganti. Dapat ibalik ng sambayanan ang inaakusahan sa lungsod ng kublihan kung saan siya dating tumakas. Dapat siyang mamuhay doon hanggang sa mamatay ang kasalukuyang pinakapunong pari, ang siyang pinahiran ng banal na langis.
26 But if the slayer shall at any time come without the border of the city of his refuge, whither he was fled;
Subalit kung pumunta ang akusadong tao sa anumang oras sa lampas ng hangganan ng lungsod ng kublihan kung saan siya tumakas,
27 And the revenger of blood find him without the borders of the city of his refuge, and the revenger of blood kill the slayer; he shall not be guilty of blood:
at kung makita siya ng kadugong tagapaghiganti sa labas ng hangganan ng kaniyang lungsod ng kublihan, at kung mapatay niya ang akusadong tao, ang kadugong tagapaghiganti ay hindi magkakasala ng pagpatay.
28 Because he should have remained in the city of his refuge until the death of the high priest: but after the death of the high priest the slayer shall return into the land of his possession.
Ito ay dahil ang akusadong tao ay dapat nanatili sa kaniyang lungsod ng kublihan hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari. Pagkatapos ng kamatayan ng pinakapunong pari, ang akusadong tao ay maaaring bumalik sa lupain kung saan ang kaniyang sariling ari-arian.
29 So these [things] shall be for a statute of judgment unto you throughout your generations in all your dwellings.
Ang mga batas na ito ay dapat maging mga kautusan para sa inyo sa buong salinlahi ng mga tao sa lahat ng lugar kung saan kayo nakatira.
30 Whoso killeth any person, the murderer shall be put to death by the mouth of witnesses: but one witness shall not testify against any person [to cause him] to die.
Kung sinuman ang pumatay ng sinumang tao, dapat patayin ang mamamatay-tao, ayon sa patotoo sa pamamagitan ng mga salita ng mga saksi. Ngunit ang salita ng isang saksi lamang ay hindi magdudulot sa sinumang tao upang patayin.
31 Moreover ye shall take no satisfaction for the life of a murderer, which [is] guilty of death: but he shall be surely put to death.
Gayundin, dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa buhay ng isang mamamatay-tao na nagkasala ng pagpatay. Dapat tiyakin siyang patayin.
32 And ye shall take no satisfaction for him that is fled to the city of his refuge, that he should come again to dwell in the land, until the death of the priest.
At dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa isang tumakas papunta sa lungsod ng kublihan. Dapat huwag ninyong gagawin ang ganitong pamamaraan, pahintulutan siyang tumira sa kaniyang sariling ari-arian hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari.
33 So ye shall not pollute the land wherein ye [are: ] for blood it defileth the land: and the land cannot be cleansed of the blood that is shed therein, but by the blood of him that shed it.
Huwag ninyong dumihan sa ganitong pamamaraan ang lupain kung saan kayo namumuhay, dahil ang dugo mula sa pinatay ay dinudumihan ang lupain. Walang pambayad kasalanan ang maaaring gawin sa lupain kapag ang dugo ay dumanak dito, maliban sa pamamagitan ng dugo ng isang dumanak dito.
34 Defile not therefore the land which ye shall inhabit, wherein I dwell: for I the LORD dwell among the children of Israel.
Kaya dapat huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong pinamumuhayan dahil ako ay namumuhay dito. Akong si Yahweh ay namumuhay kasama ng mga tao ng Israel.'”