< Psalms 81 >
1 Sing aloud unto God our strength: make a joyful noise unto the God of Jacob.
Umawit nang malakas sa Diyos ng aming kalakasan; sumigaw nang may kagalakan para sa Diyos ni Jacob.
2 Take a psalm, and bring here the timbrel, the pleasant harp with the psaltery.
Umawit at tumugtog ng tamburin, ng kaaya-ayang lira kasama ng alpa.
3 Blow up the trumpet in the new moon, in the time appointed, on our solemn feast day.
Hipan ang sungay ng lalaking tupa sa araw ng bagong buwan, sa araw ng kabilugan ng buwan, kapag nagsimula ang araw ng aming kapistahan.
4 For this was a statute for Israel, and a law of the God of Jacob.
Dahil ito ay isang batas para sa Israel, isang kautusan na ibinigay ng Diyos ni Jacob.
5 This he ordained in Joseph for a testimony, when he went out through the land of Egypt: where I heard a language that I understood not.
Nagpalabas siya nito bilang isang patakaran kay Jose noong siya ay nagtungo sa lupain ng Ehipto, kung saan nakarinig ako ng wika na hindi ko naintindihan.
6 I removed his shoulder from the burden: his hands were delivered from the pots.
“Inalis ko ang pasanin mula sa kaniyang balikat; ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa pagkakahawak ng basket.
7 You called in trouble, and I delivered you; I answered you in the secret place of thunder: I proved you at the waters of Meribah. (Selah)
Sa iyong pagdadalamhati ikaw ay tumawag, at tinulungan kita; Tinugon kita mula sa isang madilim na ulap na may kasamang kulog. Sinubok kita sa mga tubig ng Meriba. (Selah)
8 Hear, O my people, and I will testify unto you: O Israel, if you will hearken unto me;
Makinig kayo, aking bayan, dahil babalaan ko kayo, Israel, kung makikinig lamang kayo sa akin!
9 There shall no strange god be in you; neither shall you worship any strange god.
Walang dapat na maging dayuhang diyos sa inyo; hindi ninyo dapat sambahin ang anumang dayuhang diyos.
10 I am the LORD your God, which brought you out of the land of Egypt: open your mouth wide, and I will fill it.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, na naglabas sa inyo mula sa lupa ng Ehipto. Ibuka ninyo nang malaki ang inyong bibig, at pupunuin ko ito.
11 But my people would not hearken to my voice; and Israel refused me.
Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
12 So I gave them up unto their own hearts' lust: and they walked in their own counsels.
Kaya hinayaan ko (sila) na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan para maaari nilang gawin kung ano sa tingin nila ang tama.
13 Oh that my people had hearkened unto me, and Israel had walked in my ways!
O, nawa makinig ang aking bayan sa akin; O, nawa lumakad sa aking mga landas ang aking bayan.
14 I should soon have subdued their enemies, and turned my hand against their adversaries.
Pagkatapos agad kong pasusukuin ang kanilang mga kaaway at ibabaling ko ang aking kamay laban sa mga nang-aapi sa kanila.
15 The haters of the LORD should have submitted themselves unto him: but their time should have endured for ever.
Nawa ang mga napopoot kay Yahweh ay yumuko nang may takot sa harap niya! Nawa (sila) ay mapahiya magpakailanman.
16 He should have fed them also with the finest of the wheat: and with honey out of the rock should I have satisfied you.
Pakakainin ko ang Israel ng pinakamainam na trigo; pasisiyahin ko kayo ng pulot na lumalabas mula sa bato.”