< Hosea 11 >

1 When Israel was a child, then I loved him, and called my son out of Egypt.
Minahal ko noong binata pa si Israel, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
2 As they called them, so they went from them: they sacrificed unto Baalim, and burned incense to graven images.
Lalo ko silang tinawag, lalo silang tumalikod palayo. Nag-alay sila sa mga Baal at nagsunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.
3 I taught Ephraim also to go, taking them by their arms; but they knew not that I healed them.
Gayunpaman ako ang nagturo kay Efraim na lumakad. Ako ang nag-angat sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga bisig, ngunit hindi nila alam na iniingatan ko sila.
4 I drew them with cords of a man, with bands of love: and I was to them as they that take off the yoke on their jaws, and I laid food unto them.
Pinangungunahan ko sila nang mga tali ng sangkatauhan, may mga tali ng pag-ibig. Katulad ako sa isang tao na nagpapagaan ng pamatok sa kanilang mga panga, at yumuko ako upang pakainin sila.
5 He shall not return into the land of Egypt, and the Assyrian shall be his king, because they refused to return.
Hindi ba sila babalik sa lupain ng Egipto? Hindi ba mamumuno ang Asiria sa kanila dahil tumanggi silang bumalik sa akin?
6 And the sword shall abide on his cities, and shall consume his branches, and devour them, because of their own counsels.
Babagsak sa kanilang mga lungsod ang espada at wawasakin ang mga harang ng kanilang mga tarangkahan; sisirain sila nito dahil sa kanilang sariling mga plano.
7 And my people are bent to backsliding from me: though they called them to the most High, none at all would exalt him.
Determinado ang aking mga tao na tumalikod palayo sa akin. Bagaman tumatawag sila sa akin, Ako na nasa itaas, walang sinumang tutulong sa kanila.
8 How shall I give you up, Ephraim? how shall I deliver you, Israel? how shall I make you as Admah? how shall I set you as Zeboim? mine heart is turned within me, my repentings are kindled together.
Paano ba kita isusuko, Efraim? Paano ba kita ibibigay, Israel? Paano ba kita gagawing katulad sa Adma? Paano ba kita gagawing katulad sa Zeboim? Nagbago ang saloobin ng aking puso; naghahalo ang lahat ng aking habag.
9 I will not execute the fierceness of mine anger, I will not return to destroy Ephraim: for I am God, and not man; the Holy One in the midst of you: and I will not enter into the city.
Hindi ko isakatuparan ang aking matinding galit; Hindi ko sisiraing muli ang Efraim. Sapagkat ako ay Diyos at hindi isang tao; Ako ang Banal sa kalagitnaan ninyo, at hindi ako darating sa matinding galit.
10 They shall walk after the LORD: he shall roar like a lion: when he shall roar, then the children shall tremble from the west.
Lalakad silang sumusunod sa akin, Yahweh. Aatungal ako katulad ng isang leon. Sa katunayan aatungal ako, at manginginig na paparito ang mga tao mula sa kanluran.
11 They shall tremble as a bird out of Egypt, and as a dove out of the land of Assyria: and I will place them in their houses, says the LORD.
Manginginig sila na paparito katulad sa isang ibon na mula sa Egipto, katulad ng isang kalapati mula sa lupain ng Asiria. Patitirahin ko sila sa kanilang mga bahay.” Ito ang pahayag ni Yahweh.
12 Ephraim compasses me about with lies, and the house of Israel with deceit: but Judah yet rules with God, and is faithful with the saints.
Pinalilibutan ako ni Efraim ng kasinungalingan, at panlilinlang ng sangbahayan ng Israel. Ngunit nananatiling sumusunod parin si Juda sa akin, na Diyos, at tapat sa akin, ang Banal.”

< Hosea 11 >