< Deuteronomy 2 >
1 Then we turned, and took our journey into the wilderness by the way of the Red sea, as the LORD spoke unto me: and we compassed mount Seir many days.
Pagkatapos lumiko kami at naglakbay papunta sa ilang sa daan na patungo sa Dagat ng mga Tambo, gaya ng sinabi ni Yahweh sa akin; umikot tayo sa Bundok ng Seir sa loob ng maraming araw.
2 And the LORD spoke unto me, saying,
Nagsalita sa akin si Yahweh, at sinabing,
3 All of you have compassed this mountain long enough: turn you northward.
“Kayo ay matagal nang nagpapaikut-ikot sa bundok na ito; pumunta kayo pahilaga.
4 And command you the people, saying, All of you are to pass through the coast of your brethren the children of Esau, which dwell in Seir; and they shall be afraid of you: take all of you good heed unto yourselves therefore:
Utusan ang mga tao, sa pagsasabing, “Kayo ay dadaan sa hangganan ng lupain ng inyong mga kapatid, sa mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir; sila ay matatakot sa inyo. Kaya mag-iingat na
5 Meddle not with them; for I will not give you of their land, no, not so much as a foot breadth; because I have given mount Seir unto Esau for a possession.
huwag kayong makikipag-away sa kanila, dahil hindi ko ibibigay ang anumang lupain nila sa inyo, hindi, ni hindi sapat sa lupa na tumapak ang inyong paa; dahil ibinigay ko ang Bundok ng Seir kay Esau bilang isang pag-aari.
6 All of you shall buy food of them for money, that all of you may eat; and all of you shall also buy water of them for money, that all of you may drink.
Kayo ay bibili sa kanila ng pagkain para sa pera, para kayo ay makakain; bibili rin kayo sa kanila ng tubig para sa pera, para makainom kayo.
7 For the LORD your God has blessed you in all the works of your hand: he knows your walking through this great wilderness: these forty years the LORD your God has been with you; you have lacked nothing.
Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'
8 And when we passed by from our brethren the children of Esau, which dwelt in Seir, through the way of the plain from Elath, and from Eziongaber, we turned and passed by the way of the wilderness of Moab.
Kaya tayo ay dumaan sa ating mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir, malayo mula sa daan ng Araba, mula sa Elat at mula sa Ezion Geber. At tayo ay lumiko at dumaan sa ilang ng Moab.
9 And the LORD said unto me, Distress not the Moabites, neither contend with them in battle: for I will not give you of their land for a possession; because I have given Ar unto the children of Lot for a possession.
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag ninyong guguluhin ang Moab, at huwag kayong makikipag-away sa kanila sa labanan. Dahil hindi ko ibibibay ang kaniyang lupain sa inyo para inyong pag-arian, dahil ibinigay ko ang Ar sa mga kaapu-apuhan ni Lot, para sa kanilang pag-aari.”
10 The Emims dwelt therein in times past, a people great, and many, and tall, as the Anakims;
(Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim;
11 Which also were accounted giants, as the Anakims; but the Moabites called them Emims.
ang mga ito ay itinuring din bilang Refaim, tulad ng Anakim; pero tinawag silang Emim ng mga Moabita.
12 The Horims also dwelt in Seir in time past; but the children of Esau succeeded them, when they had destroyed them from before them, and dwelt in their position; as Israel did unto the land of his possession, which the LORD gave unto them.
Ang mga taga-Hor ay dati ring naninirahan sa Seir, pero ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila. Sila ay pinuksa nila mula sa kanila at nanirahan sa kanilang lugar, gaya ng ginawa ng Israel sa lupain na kaniyang pag-aari na binigay ni Yahweh sa kanila.)
13 Now rise up, said I, and get you over the brook Zered. And we went over the brook Zered.
“'Ngayon tumayo ka at pumunta sa batis ng Zered,' Kaya nagpunta tayo sa batis ng Zered.
14 And the space in which we came from Kadeshbarnea, until we were come over the brook Zered, was thirty and eight years; until all the generation of the men of war were wasted out from among the host, as the LORD swore unto them.
Ngayon ang mga araw mula ng dumating tayo sa Kadesh Barnea hanggang tayo ay makatawid sa batis ng Zered, ay tatlumpu't-walong taon. Ito ay ang mga panahon na ang lahat ng salinlahi ng mga kalalakihan na angkop sa pakikipag-digma ay pumanaw mula sa mga tao, gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kanila.
15 For indeed the hand of the LORD was against them, to destroy them from among the host, until they were consumed.
Higit pa rito, ang kamay ni Yahweh ay laban sa salinlahing iyan para sila ay puksain mula sa mga tao hanggang sila ay mawala.
16 So it came to pass, when all the men of war were consumed and dead from among the people,
Kaya nangyari ito, nang ang lahat ng mga kalalakihan na akma sa pakikipag-digma ay namatay at nawala mula sa mga tao,
17 That the LORD spoke unto me, saying,
na sinabi ni Yahweh sa akin,
18 You are to pass over through Ar, the coast of Moab, this day:
'Dadaan kayo ngayon sa Ar, ang hangganan ng Moab.
19 And when you come nigh opposite to the children of Ammon, distress them not, nor meddle with them: for I will not give you of the land of the children of Ammon any possession; because I have given it unto the children of Lot for a possession.
Kapag kayo ay papalapit sa kabila ng mga lipi ng Ammon, huwag ninyo silang guguluhin ni huwag kayong makikipag-away sa kanila; dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa mga lupain ng mga lahi ng Ammon bilang isang pag-aari; dahil ibinigay ko ito sa mga kaapu-apuhan ni Lot bilang isang pag-aari.'”
20 (That also was accounted a land of giants: giants dwelt therein in old time; and the Ammonites call them Zamzummims;
(Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim—
21 A people great, and many, and tall, as the Anakims; but the LORD destroyed them before them; and they succeeded them, and dwelt in their position:
isang dakilang lipi na gaya ng karamihan, at kasintaas ng Anakim. Pero pinuksa sila ni Yahweh sa harap ng mga Ammoneo, at sila ay pinalitan nila at nanirahan sa kanilang lugar.
22 As he did to the children of Esau, which dwelt in Seir, when he destroyed the Horims from before them; and they succeeded them, and dwelt in their position even unto this day:
Gaya din ito ng ginawa ni Yahweh para sa bayan ni Esau, na nanirahan sa Seir, nang winasak niya ang mga Horeo mula sa kanila, ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila at sila ay nanirahan sa kanilang lugar hanggang ngayon.
23 And the Avims which dwelt in Hazerim, even unto Azzah, the Caphtorims, which came forth out of Caphtor, destroyed them, and dwelt in their position.)
At ang taga-Awim, na nanirahan sa mga nayon hanggang sa layo ng Gaza—ang taga-Caftor na lumabas sa Caftor, ay winasak sila at nanirahan sa kanilang lugar.)
24 Rise all of you up, take your journey, and pass over the river Arnon: behold, I have given into your hand Sihon the Amorite, king of Heshbon, and his land: begin to possess it, and contend with him in battle.
“'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
25 This day will I begin to put the dread of you and the fear of you upon the nations that are under the whole heaven, who shall hear report of you, and shall tremble, and be in anguish because of you.
Ngayon uumpisahan kong lagyan ng takot at sindak sa inyo ang mga tao na nasa ilalim ng buong kalangitan; maririnig nila ang mga balita tungkol sa inyo at manginginig at magdadalamhati dahil sa inyo.'
26 And I sent messengers out of the wilderness of Kedemoth unto Sihon king of Heshbon with words of peace, saying,
Nagpadala ako ng mga mensahero mula sa ilang ng Kedemot kay Sihon, ang hari ng Hesbon, ng may salita ng kapayapaan, na nagsasabing,
27 Let me pass through your land: I will go along by the high way, I will neither turn unto the right hand nor to the left.
'Hayaan mo na dumaan ako sa iyong lupain; dadaan ako sa malapad na daan; hindi ako liliko ni hindi sa bandang kanan o sa kaliwa.
28 You shall sell me food for money, that I may eat; and give me water for money, that I may drink: only I will pass through on my feet;
Magbebenta ka sa akin ng pagkain para sa pera, para ako ay makakain; bigyan mo ako ng tubig para sa pera, para ako ay makainom; paraanin mo lang ako gamit ng aking mga paa;
29 (As the children of Esau which dwell in Seir, and the Moabites which dwell in Ar, did unto me; ) until I shall pass over Jordan into the land which the LORD our God gives us.
gaya ng ginawa para sa akin ng mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan sa Seir, at sa mga Moabita na nanirahan sa Ar, hanggang sa ako ay makalagpas sa Jordan sa lupaing ibinibigay sa amin ni Yahweh na ating Diyos.'
30 But Sihon king of Heshbon would not let us pass by him: for the LORD your God hardened his spirit, and made his heart obstinate, that he might deliver him into your hand, as appears this day.
Pero si Sihon, ang hari ng Hesbon, ay hindi kami hinayaang makalagpas sa kaniya; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay pinatigas ang kaniyang isipan at ginawang matigas ang kaniyang puso, na maaari niyang matalo sila sa pamamagitan ng inyong lakas, na ginawa niya sa araw na ito.
31 And the LORD said unto me, Behold, I have begun to give Sihon and his land before you: begin to possess, that you may inherit his land.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tingnan mo, Sinimulan ko na ibigay si Sihon at ang kaniyang lupain sa inyong harapan; simulan ninyong pag-arian ito, nang sa gayon maari ninyong manahin ang kaniyang lupain.'
32 Then Sihon came out against us, he and all his people, to fight at Jahaz.
Pagkatapos nakipaglaban si Sihon sa atin, siya at lahat ng kaniyang mga tao, para makipaglaban sa Jahaz.
33 And the LORD our God delivered him before us; and we stroke him, and his sons, and all his people.
Si Yahweh na ating Diyos ay ibinigay siya sa atin at tinalo natin siya; hinampas natin siya hanggang sa mamatay, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang mamamayan.
34 And we took all his cities at that time, and utterly destroyed the men, and the women, and the little ones, of every city, we left none to remain:
Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang oras na iyon, at winasak natin ng ganap ang bawat lungsod na pinamumuhayan, kasama ng mga kababaihan at mga batang maliliit, wala tayong itinira.
35 Only the cattle we took for a prey unto ourselves, and the spoil of the cities which we took.
Ang mga baka lamang na ating kinuha bilang samsam para sa ating mga sarili, kasama ng mga sinasamsam sa mga lungsod na ating kinuha.
36 From Aroer, which is by the brink of the river of Arnon, and from the city that is by the river, even unto Gilead, there was not one city too strong for us: the LORD our God delivered all unto us:
Mula Aroer, na nasa gilid ng lambak ng Arnon, at mula sa lungsod na nasa lambak, patungong Galaad, walang isang lungsod na masyadong mataas para sa atin. Si Yahweh na ating Diyos ang siyang nagbigay sa atin ng tagumpay sa ating mga kalaban.
37 Only unto the land of the children of Ammon you came not, nor unto any place of the river Jabbok, nor unto the cities in the mountains, nor unto whatsoever the LORD our God forbad us.
Doon lamang sa lupain ng mga kaapu-apuhan ni Ammon kayo hindi pumunta, pati sa lahat ng mga gilid ng Ilog Jabbok, at mga lungsod ng maburol na bansa—saan man tayo pinagbawalan ni Yahweh na ating Diyos na puntahan.