< Proverbs 26 >
1 As snow in summer, and as rain in harvest, so honour is not seemly for a fool.
Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
2 As the bird by wandering, as the swallow by flying, so the curse causeless shall not come.
Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
3 A whip for the horse, a bridle for the donkey, and a rod for the fool’s back.
Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
4 Answer not a fool according to his folly, lest thou also be like unto him.
Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
5 Answer a fool according to his folly, lest he be wise in his own conceit.
Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
6 He that sendeth a message by the hand of a fool cutteth off the feet, and drinketh damage.
Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
7 The legs of the lame are not equal: so is a parable in the mouth of fools.
Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
8 As he that bindeth a stone in a sling, so is he that giveth honour to a fool.
Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
9 As a thorn goeth up into the hand of a drunkard, so is a parable in the mouth of fools.
Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 The great God that formed all things both rewardeth the fool, and rewardeth transgressors.
Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 As a dog returneth to his vomit, so a fool returneth to his folly.
Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 Seest thou a man wise in his own conceit? there is more hope of a fool than of him.
Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
13 The slothful man saith, There is a lion in the way; a lion is in the streets.
Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.
14 As the door turneth upon his hinges, so doth the slothful upon his bed.
Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
15 The slothful hideth his hand in his bosom; it grieveth him to bring it again to his mouth.
Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
16 The sluggard is wiser in his own conceit than seven men that can render a reason.
Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
17 He that passeth by, and meddleth with strife belonging not to him, is like one that taketh a dog by the ears.
Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
18 As a mad man who casteth firebrands, arrows, and death,
Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan;
19 So is the man that deceiveth his neighbour, and saith, Am not I in sport?
Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
20 Where no wood is, there the fire goeth out: so where there is no talebearer, the strife ceaseth.
Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
21 As coals are to burning coals, and wood to fire; so is a contentious man to kindle strife.
Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
22 The words of a talebearer are as wounds, and they go down into the innermost parts of the belly.
Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
23 Burning lips and a wicked heart are like a potsherd covered with silver dross.
Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
24 He that hateth dissembleth with his lips, and layeth up deceit within him;
Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
25 When he speaketh fair, believe him not: for there are seven abominations in his heart.
Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
26 Whose hatred is covered by deceit, his wickedness shall be shewed before the whole congregation.
Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
27 Whoso diggeth a pit shall fall therein: and he that rolleth a stone, it will return upon him.
Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
28 A lying tongue hateth those that are afflicted by it; and a flattering mouth worketh ruin.
Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.