< Ezra 4 >
1 Now when the adversaries of Judah and Benjamin heard that the children of the captivity builded the temple unto Yhwh God of Israel;
Narinig ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel ay itinatayo ng mga taong galing sa pagkakatapon.
2 Then they came to Zerubbabel, and to the chief of the fathers, and said unto them, Let us build with you: for we seek your God, as ye do; and we do sacrifice unto him since the days of Esar–haddon king of Assur, which brought us up hither.
Dahil dito, nilapitan nila si Zerubabel at ang mga pinuno ng bawat angkan. At sinabi sa kanila, “Hayaan ninyo kaming sumama sa pagtatayo ninyo dahil katulad ninyo, sinasaliksik din namin ang inyong Diyos at nag-aalay din kami sa kaniya mula sa panahon ni Esar-haddon, na hari ng Asiria, na siyang nagdala sa amin sa lugar na ito “
3 But Zerubbabel, and Jeshua, and the rest of the chief of the fathers of Israel, said unto them, Ye have nothing to do with us to build an house unto our God; but we ourselves together will build unto Yhwh God of Israel, as king Cyrus the king of Persia hath commanded us.
Ngunit sinabi nina Zerubabel, Josue, at ng mga pinuno ng mga angkan, “kami dapat ang magtayo ng tahanan ng aming Diyos at hindi kayo, dahil kami ang magtatayo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, ayon sa iniutos ni Haring Ciro ng Persia.”
4 Then the people of the land weakened the hands of the people of Judah, and troubled them in building,
Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo.
5 And hired counsellors against them, to frustrate their purpose, all the days of Cyrus king of Persia, even until the reign of Darius king of Persia.
Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia.
6 And in the reign of Ahasuerus, in the beginning of his reign, wrote they unto him an accusation against the inhabitants of Judah and Jerusalem.
At sa simula ng paghahari ni Assuero sumulat sila ng paratang laban sa mga nakatira sa Juda at Jerusalem.
7 And in the days of Artaxerxes wrote Bishlam, Mithredath, Tabeel, and the rest of their companions, unto Artaxerxes king of Persia; and the writing of the letter was written in the Syrian tongue, and interpreted in the Syrian tongue.
Ito ay nangyari sa panahon ni Assuero na sumulat sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang kanilang mga kasamahan kay Assuero. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin.
8 Rehum the chancellor and Shimshai the scribe wrote a letter against Jerusalem to Artaxerxes the king in this sort:
Si Rehum na kumander at si Simsai na eskriba ang sumulat sa ganitong paraan kay Artaxerxes tungkol sa Jerusalem.
9 Then wrote Rehum the chancellor, and Shimshai the scribe, and the rest of their companions; the Dinaites, the Apharsathchites, the Tarpelites, the Apharsites, the Archevites, the Babylonians, the Susanchites, the Dehavites, and the Elamites,
Pagkatapos, sumulat ng isang liham sina Rehum, Simsai at ang kanilang mga kasamahan, na mga hukom at ibang mga opisyal sa pamahalaan, mula sa Erec, Babilonia, at Susa sa Elam,
10 And the rest of the nations whom the great and noble Asnappar brought over, and set in the cities of Samaria, and the rest that are on this side the river, and at such a time.
at sinamahan sila ng mga taong pinilit pinatira sa Sarmaria ng dakila at marangal na si Asurbanipal, kasama ang iba pang nasa Lalawigan lampas ng Ilog.
11 This is the copy of the letter that they sent unto him, even unto Artaxerxes the king; Thy servants the men on this side the river, and at such a time.
Ito ang kopya ng liham na kanilang ipinadala kay Artaxerxes: “Ito ang sinusulat ng iyong mga lingkod, ang mga tao sa ibayo ng ilog:
12 Be it known unto the king, that the Jews which came up from thee to us are come unto Jerusalem, building the rebellious and the bad city, and have set up the walls thereof, and joined the foundations.
Malaman nawa ng hari na ang mga Judiong nanggaling sa iyo ay pumunta sila laban sa atin sa Jerusalem para magtayo ng isang mapaghimagsik na lungsod. Natapos na nila ang mga pader at inayos na ang mga pundasyon.
13 Be it known now unto the king, that, if this city be builded, and the walls set up again, then will they not pay toll, tribute, and custom, and so thou shalt endamage the revenue of the kings.
Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari.
14 Now because we have maintenance from the king’s palace, and it was not meet for us to see the king’s dishonour, therefore have we sent and certified the king;
Siguradong dahil nakain namin ang asin ng palasyo, hindi ito naaangkop para sa amin na makita ang kahit na anong kahihiyan na mangyayari sa hari. Dahil dito kaya ipinababatid namin sa hari
15 That search may be made in the book of the records of thy fathers: so shalt thou find in the book of the records, and know that this city is a rebellious city, and hurtful unto kings and provinces, and that they have moved sedition within the same of old time: for which cause was this city destroyed.
upang hanapin ang talaan ng iyong ama at para mapatunayan na ito ay isang mapaghimagsik na lungsod na pipinsala sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay nagdulot ng maraming suliranin sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay naging isang sentro para sa paghihimagsik noon pa man. Dahil sa kadahilanang ito, nawasak ang lungsod.
16 We certify the king that, if this city be builded again, and the walls thereof set up, by this means thou shalt have no portion on this side the river.
Pinababatid namin sa hari na kung ang lungsod na ito at ang pader ay maitayo, wala nang matitira para sa iyo sa ibayo ng malaking ilog, ang Eufrates.”
17 Then sent the king an answer unto Rehum the chancellor, and to Shimshai the scribe, and to the rest of their companions that dwell in Samaria, and unto the rest beyond the river, Peace, and at such a time.
Kaya ang hari ay nagpadala ng tugon kay Rehum at Simsai at sa kanilang mga kasamahan sa Samaria at ang iba pa sa ibayo ng Ilog: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.
18 The letter which ye sent unto us hath been plainly read before me.
Ang liham na ipinadala ninyo sa akin ay naisalin at binasa sa akin.
19 And I commanded, and search hath been made, and it is found that this city of old time hath made insurrection against kings, and that rebellion and sedition have been made therein.
Kaya nag-utos ako ng isang pagsisiyasat at natuklasan na sila ay naghimagsik at nag-alsa sa mga hari.
20 There have been mighty kings also over Jerusalem, which have ruled over all countries beyond the river; and toll, tribute, and custom, was paid unto them.
Ang mga makapangyarihang hari ay namuno sa Jerusalem at may kapangyarihan sa lahat ng bagay hanggang sa ibayo ng Ilog. Kinilala at nagbayad sila ng mga buwis sa kanila.
21 Give ye now commandment to cause these men to cease, and that this city be not builded, until another commandment shall be given from me.
Ngayon, gumawa kayo ng isang utos para sa mga taong ito na ihinto at huwag itayo ang lungsod na ito hanggang ako ay makagawa ng isang utos.
22 Take heed now that ye fail not to do this: why should damage grow to the hurt of the kings?
Maging maingat na hindi ito makaligtaan. Bakit kailangang palakihin ang pinsala para saktan ang mga hari?”
23 Now when the copy of king Artaxerxes’ letter was read before Rehum, and Shimshai the scribe, and their companions, they went up in haste to Jerusalem unto the Jews, and made them to cease by force and power.
Nang binasa ang utos ni Haring Artaxerxes sa harap nina Rehum, Simsai, at kanilang mga kasamahan, sila ay mabilis na lumabas sa Jerusalem at sapilitang pinahinto ang mga Judio sa pagtatayo.
24 Then ceased the work of the house of God which is at Jerusalem. So it ceased unto the second year of the reign of Darius king of Persia.
Kaya ang paggawa sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem ay nahinto hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario na hari ng Persia.