< Psalms 75 >

1 UNTO thee, O God, do we give thanks, unto thee do we give thanks: for that thy name is near thy wondrous works declare.
O Diyos, kami ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo; nagpapasalamat kami sa iyo dahil ipinakita mo ang iyong presensya; sinasabi ng mga tao ang iyong kahanga-hangang mga gawa.
2 When I shall receive the congregation I will judge uprightly.
Sa takdang panahon, hahatol ako ng patas.
3 The earth and all the inhabitants thereof are dissolved: I bear up the pillars of it. (Selah)
Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. (Selah)
4 I said unto the fools, Deal not foolishly: and to the wicked, Lift not up the horn:
Sinabi ko sa mga arogante, “Huwag kayong maging mayabang,” at sa masasama, “Huwag kayong magtiwala sa tagumpay.
5 Lift not up your horn on high: speak not with a stiff neck.
Huwag magpakasiguro na magtatagumpay kayo; huwag kayong taas-noong magsalita.
6 For promotion cometh neither from the east, nor from the west, nor from the south.
Hindi dumarating ang tagumpay mula sa silangan, mula sa kanluran, o mula sa ilang.
7 But God is the judge: he putteth down one, and setteth up another.
Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba.
8 For in the hand of the Lord there is a cup, and the wine is red; it is full of mixture; and he poureth out of the same: but the dregs thereof, all the wicked of the earth shall wring them out, and drink them.
Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
9 But I will declare for ever; I will sing praises to the God of Jacob.
Pero patuloy kong sasabihin kung ano ang iyong nagawa; aawit ako ng papuri sa Diyos ni Jacob.
10 All the horns of the wicked also will I cut off; but the horns of the righteous shall be exalted.
Sinasabi niya, “Aking puputulin ang lahat ng mga sungay ng masasama, pero ang mga sungay ng matutuwid ay itataas.”

< Psalms 75 >