< Psalms 20 >
1 THE Lord hear thee in the day of trouble; the name of the God of Jacob defend thee;
Nawa ay tulungan ka ni Yahweh sa araw ng kaguluhan; nawa ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang mangalaga sa iyo
2 Send thee help from the sanctuary, and strengthen thee out of Zion;
at magpadala ng tulong mula sa banal na lugar para magtaguyod sa iyo sa Sion.
3 Remember all thy offerings, and accept thy burnt sacrifice; (Selah)
Nawa maalala niya ang lahat ng iyong mga alay at tanggapin ang iyong sinunog na handog. (Selah)
4 Grant thee according to thine own heart, and fulfil all thy counsel.
Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano.
5 We will rejoice in thy salvation, and in the name of our God we will set up our banners: the Lord fulfil all thy petitions.
Pagkatapos magagalak kami sa iyong tagumpay, at, sa pangalan ng ating Diyos, itataas namin ang mga bandila. Nawa ay ipagkaloob ni Yahweh ang lahat ng iyong kahilingan.
6 Now know I that the Lord saveth his anointed; he will hear him from his holy heaven with the saving strength of his right hand.
Ngayon alam ko na ililigtas ni Yahweh ang kaniyang hinirang; sasagutin siya mula sa kaniyang banal na kalangitan na may lakas ng kaniyang kanang kamay na maaari siyang sagipin.
7 Some trust in chariots, and some in horses: but we will remember the name of the Lord our God.
Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos.
8 They are brought down and fallen: but we are risen, and stand upright.
(Sila) ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid!
9 Save, Lord: let the king hear us when we call.
Yahweh, sagipin mo ang hari; tulungan mo kami kapag kami ay nananawagan.