< Jeremiah 44 >
1 THE word that came to Jeremiah concerning all the Jews which dwell in the land of Egypt, which dwell at Migdol, and at Tahpanhes, and at Noph, and in the country of Pathros, saying,
Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga taga-Juda na nanirahan sa lupain ng Egipto, ang mga naninirahan sa Migdol, Tafnes, Memfis, at sa lupain ng Patros.
2 Thus saith the Lord of hosts, the God of Israel; Ye have seen all the evil that I have brought upon Jerusalem, and upon all the cities of Judah; and, behold, this day they are a desolation, and no man dwelleth therein,
Si Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: nakita ninyo mismo ang lahat ng kapahamakan na dinala ko sa Jerusalem at sa lahat ng lungsod ng Juda. Tingnan ninyo, nawasak sila ngayon. Wala nang kahit isang nanirahan sa kanila.
3 Because of their wickedness which they have committed to provoke me to anger, in that they went to burn incense, and to serve other gods, whom they knew not, neither they, ye, nor your fathers.
Ito ay dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginawa upang saktan ako sa pamamagitan ng pagsunog ng insenso at pagsamba sa ibang mga diyos. Ang mga ito ay mga diyos na kahit sila sa kanilang sarili, kahit kayo, kahit ang inyong mga ninuno ay hindi kilala.
4 Howbeit I sent unto you all my servants the prophets, rising early and sending them, saying, Oh, do not this abominable thing that I hate.
Kaya paulit-ulit kong ipinadala sa kanila ang lahat ng mga lingkod kong propeta. Ipinadala ko sila upang sabihin, 'Itigil ang paggawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na aking kinapopootan.'
5 But they hearkened not, nor inclined their ear to turn from their wickedness, to burn no incense unto other gods.
Ngunit hindi sila nakinig. Tumanggi silang magbigay pansin o tumalikod sa kanilang kasamaan sa pagsunog ng insenso sa ibang mga diyos.
6 Wherefore my fury and mine anger was poured forth, and was kindled in the cities of Judah and in the streets of Jerusalem; and they are wasted and desolate, as at this day.
Kaya ibinuhos ko ang aking matinding galit at poot at nagpasiklab ng apoy sa mga lungsod ng Judah at sa mga lansangan ng Jerusalem. Kaya sila ay naging lugar ng pagkasira at pagkawasak, gaya ng sa kasalukuyan.”
7 Therefore now thus saith the Lord, the God of hosts, the God of Israel; Wherefore commit ye this great evil against your souls, to cut off from you man and woman, child and suckling, out of Judah, to leave you none to remain;
Kaya ito ang sinasabi ngayon ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo at ang Diyos ng Israel, “Bakit kayo gumagawa ng matinding kasamaan laban sa inyong mga sarili? Bakit nagiging sanhi kayo sa inyong mga sarili na maihiwalay mula sa Juda—mga kalalakihan at kababaihan, mga bata at mga sanggol? Walang natira sa inyo ang maiiwan.
8 In that ye provoke me unto wrath with the works of your hands, burning incense unto other gods in the land of Egypt, whither ye be gone to dwell, that ye might cut yourselves off, and that ye might be a curse and a reproach among all the nations of the earth?
Sa pamamagitan ng inyong kasamaan sinaktan ninyo ako sa mga gawa ng inyong mga kamay, sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos sa lupain ng Egipto, na inyong pinuntahan upang manirahan. Pumunta kayo roon upang kayo ay malipol, upang kayo ay magiging sumpa at kahihiyan sa lahat ng mga bansa sa lupa.
9 Have ye forgotten the wickedness of your fathers, and the wickedness of the kings of Judah, and the wickedness of their wives, and your own wickedness, and the wickedness of your wives, which they have committed in the land of Judah, and in the streets of Jerusalem?
Nakalimutan na ba ninyo ang kasamaang ginawa ng inyong mga ninuno at ang kasamaang ginawa ng mga hari ng Juda at ng kanilang mga asawa? Nakalimutan na ba ninyo ang mga kasamaang inyong ginawa at ng inyong mga asawa sa lupain ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
10 They are not humbled even unto this day, neither have they feared, nor walked in my law, nor in my statutes, that I set before you and before your fathers.
Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin sila nagpakumbaba. Hindi nila ginagalang ang aking kautusan o mga atas na inilagay ko sa kanilang harapan at sa kanilang mga ninuno, ni lumakad sila sa mga ito.”
11 Therefore thus saith the Lord of hosts, the God of Israel; Behold, I will set my face against you for evil, and to cut off all Judah.
Kaya sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, malapit ko ng ibaling ang aking mukha laban sa inyo upang magdala ng kapahamakan sa inyo at upang lipulin ang buong Juda.
12 And I will take the remnant of Judah, that have set their faces to go into the land of Egypt to sojourn there, and they shall all be consumed, and fall in the land of Egypt; they shall even be consumed by the sword and by the famine: they shall die, from the least even unto the greatest, by the sword and by the famine: and they shall be an execration, and an astonishment, and a curse, and a reproach.
Sapagkat kukunin ko ang natira sa Juda na nakatakdang lumabas upang pumunta sa lupain ng Egipto upang manirahan doon. Gagawin ko ito upang silang lahat ay mamatay sa lupain ng Egipto. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mamamatay sila at magiging kaganapan ng panunumpa, pagsusumpa, paninisi at isang kakila-kilabot na bagay.
13 For I will punish them that dwell in the land of Egypt, as I have punished Jerusalem, by the sword, by the famine, and by the pestilence:
Sapagkat parurusahan ko ang mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto tulad ng pagparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.
14 So that none of the remnant of Judah, which are gone into the land of Egypt to sojourn there, shall escape or remain, that they should return into the land of Judah, to the which they have a desire to return to dwell there: for none shall return but such as shall escape.
Walang nakatakas o nakaligtas sa mga natira ng Juda ang pupunta at maninirahan doon sa lupain ng Egipto na makababalik sa lupain ng Juda, kahit nais nilang bumalik at manirahan doon. Walang makababalik sa kanila, maliban sa ilang makatatakas mula rito.”
15 Then all the men which knew that their wives had burned incense unto other gods, and all the women that stood by, a great multitude, even all the people that dwelt in the land of Egypt, in Pathros, answered Jeremiah, saying,
Kaya sumagot ang lahat ng mga kalalakihang nakakaalam na ang kanilang mga asawa ay nagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos at ang lahat ng kababaihan na nasa malaking pagtitipon, at lahat ng mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto sa Patros kay Jeremias.
16 As for the word that thou hast spoken unto us in the name of the Lord, we will not hearken unto thee.
Sinabi nila, “Tungkol sa salita na sinabi mo sa amin sa pangalan ni Yahweh: Hindi kami makikinig sa iyo.
17 But we will certainly do whatsoever thing goeth forth out of our own mouth, to burn incense unto the queen of heaven, and to pour out drink offerings unto her, as we have done, we, and our fathers, our kings, and our princes, in the cities of Judah, and in the streets of Jerusalem: for then had we plenty of victuals, and were well, and saw no evil.
Sapagkat tiyak na gagawin namin ang lahat ng mga bagay na aming sinabi na gagawin: magsusunog kami ng insenso sa Reyna ng Langit at magbubuhos ng mga handog na inumin sa kaniya, na gaya ng ginawa namin, ng aming mga ninuno, ng aming mga hari at ng aming mga pinuno sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan sa Jerusalem. At mapupuno tayo ng mga pagkain at sasagana, na hindi dadanas ng anumang sakuna.
18 But since we left off to burn incense to the queen of heaven, and to pour out drink offerings unto her, we have wanted all things, and have been consumed by the sword and by the famine.
Kapag itinigil namin ang paggawa ng mga bagay na ito, ang hindi maghahandog ng insenso sa Reyna ng Langit at hindi magbubuhos ng handog na inumin sa kaniya, makararanas kaming lahat ng kahirapan at mamamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom.”
19 And when we burned incense to the queen of heaven, and poured out drink offerings unto her, did we make her cakes to worship her, and pour out drink offerings unto her, without our men?
Sinabi ng mga kababaihan, “Noong gumawa kami ng mga handog na insenso sa harapan ng Reyna ng Langit at nagbuhos ng inuming mga handog sa kaniya, ginawa ba namin ang mga bagay na ito na hindi nalalaman ng aming mga asawa?”
20 Then Jeremiah said unto all the people, to the men, and to the women, and to all the people which had given him that answer, saying,
Pagkatapos sinabi ni Jeremias sa lahat ng mga tao—sa mga kalalakihan at kababaihan, at sa lahat ng mga taong sumagot sa kaniya—nagpahayag siya at sinabi,
21 The incense that ye burned in the cities of Judah, and in the streets of Jerusalem, ye, and your fathers, your kings, and your princes, and the people of the land, did not the Lord remember them, and came it not into his mind?
“Hindi ba naalala ni Yahweh ang insenso na inyong sinunog sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem—kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at mga pinuno, at ang mga tao sa lupain? Sapagkat naaalala ito ni Yahweh; at pumasok ito sa kaniyang isipan.
22 So that the Lord could no longer bear, because of the evil of your doings, and because of the abominations which ye have committed; therefore is your land a desolation, and an astonishment, and a curse, without an inhabitant, as at this day.
Kaya hindi na niya kayang tiisin ito dahil sa inyong mga masasamang gawain, dahil sa mga kasuklam-suklam na inyong ginawa. Kaya ang inyong lupain ay naging malungkot, nakakatakot at isinumpa kaya wala ng nakatira mula sa araw na ito.
23 Because ye have burned incense, and because ye have sinned against the Lord, and have not obeyed the voice of the Lord, nor walked in his law, nor in his statutes, nor in his testimonies; therefore this evil is happened unto you, as at this day.
Sapagkat kayo ay nagsunog ng insenso at nagkasala laban kay Yahweh at dahil hindi kayo nakinig sa kaniyang tinig, sa kaniyang kautusan, sa kaniyang mga alituntunin, o mga atas ng kasunduan, kaya nangyari laban sa inyo ang kapahamakang ito hanggang sa kasalukuyan.”
24 Moreover Jeremiah said unto all the people, and to all the women, Hear the word of the Lord, all Judah that are in the land of Egypt:
Pagkatapos sinabi ni Jeremias sa lahat ng tao at sa lahat ng kababaihan, “Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sa buong Juda na nasa lupain ng Egipto.
25 Thus saith the Lord of hosts, the God of Israel, saying; Ye and your wives have both spoken with your mouths, and fulfilled with your hand, saying, We will surely perform our vows that we have vowed, to burn incense to the queen of heaven, and to pour out drink offerings unto her: ye will surely accomplish your vows, and surely perform your vows.
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Kayo at ang inyong mga asawang babae ang parehong nagsabi sa pamamagitan ng inyong mga bibig at ginawa ninyo sa inyong mga kamay kung ano ang inyong sinabi, “Tiyak na gagawin namin ang panunumpa na aming ginawa upang sumamba sa Reyna ng Langit, upang magbuhos ng inuming mga handog sa kaniya.” Ngayon tuparin ninyo at gawin ninyo ang inyong mga sinumpa.'
26 Therefore hear ye the word of the Lord, all Judah that dwell in the land of Egypt; Behold, I have sworn by my great name, saith the Lord, that my name shall no more be named in the mouth of any man of Judah in all the land of Egypt, saying, The Lord God liveth.
Kaya ngayon, pakinggan ang salita ni Yahweh, buong Juda na naninirahan sa lupain ng Egipto, 'Tingnan ninyo, sumumpa ako sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan—sabi ni Yahweh. Hindi na muling tatawagin kailanman ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga bibig ng kahit na sinumang kalalakihan ng Juda sa buong lupain ng Egipto, kayong mga nagsasabi ngayon, “Sapagkat ang Panginoong si Yahweh ay buhay.”
27 Behold, I will watch over them for evil, and not for good: and all the men of Judah that are in the land of Egypt shall be consumed by the sword and by the famine, until there be an end of them.
Tingnan ninyo, binabantayan ko sila sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Ang bawat tao ng Juda sa lupain ng Egipto ay mamamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom hanggang silang lahat ay maubos na.
28 Yet a small number that escape the sword shall return out of the land of Egypt into the land of Judah, and all the remnant of Judah, that are gone into the land of Egypt to sojourn there, shall know whose words shall stand, mine, or theirs.
At ang mga nakaligtas sa espada ay magbabalik mula sa lupain ng Egipto tungo sa lupain ng Juda, kaunti lamang ang bilang nila. Kaya lahat ng natirang taga-Juda na nagpunta sa lupain ng Egipto upang doon manirahan ay malalaman kung kaninong salita ang mangyayari: sa akin o sa kanila.
29 And this shall be a sign unto you, saith the Lord, that I will punish you in this place, that ye may know that my words shall surely stand against you for evil:
Ito ang magiging tanda para sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—na aking itinakda laban sa inyo sa lugar na ito, upang malaman ninyo na ang aking mga salita ay tiyak na sasalakay sa inyo sa pamamagitan ng kapahamakan.'
30 Thus saith the Lord; Behold, I will give Pharaoh-hophra king of Egypt into the hand of his enemies, and into the hand of them that seek his life; as I gave Zedekiah king of Judah into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, his enemy, and that sought his life.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, aking ibibigay si Faraon Hophra, na hari ng Egipto, sa mga kamay ng kaniyang mga kaaaway at sa mga nagnanais sa kaniyang buhay. Gaya ito ng pagbigay ko kay Zedekias na hari ng Juda sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, at sa kaniyang kaaway na naghahangad ng kaniyang buhay.”